Ang Probinsyan ( A Horror Story )

“Bilisan mo naman! Angkupad nyo, maiiwan tayo ng barko!”

 “Easy lang pare, umagang umaga init ng ulo mo.”

 Yamot na yamot na si Rue. Ngayon kasi ang usapan nilang bakasyon ng mga barkada niyang sina Berto at Makki.

 “Eh sino naman bang hindi iinit ang ulo, pare, magdadalawang oras na tayo dito. Paano kung ma-late tayo? Bukod sa bibili pa tayo ng panibagong ticket, maghihintay pa tayo ng mas matagal.”

 “Heto na nga!” sigaw naman ng binatang pormang porma sa sobrang vain nito.

 “Bilisan mo!”

 Sumakay na sila ng taxi papuntang piyer. Lahat sila ay excited sa pagpunta sa probinsya ng isa pa nilang katropa, si Zeky. Pagsakay sa barko ay para silang mga batang naghabulan doon habang ineenjoy ang magandang view ng dagat at mga islang nadaraanan nila. Lalu naman silang namangha nang makita nila ang mga dolphin na tila ba nakikipaglaro ng habulan sa barkong kanilang sinasakyan.

 Matapos ng mahabang oras ng paglalakbay ay sa wakas at dumaong na ang barko. Sumakay sila ng jeep, tapos ay trike, at sa wakas ay nakarating na rin sila sa bahay ng kanilang katropa.

 Sinalubong sila ni Zeky. Kamustahan, kantyawan. Hindi maiwasang makakuha sila ng pansin. Sino ba namang hindi makakapansin sa mga artistahing bagong dating lang sa lugar, hindi ba?

 Una na diyan si Zeky. Matangkad, maganda ang natural na pagka-tan ng kaniyang balat, maamo ang mukha at may dimple na parang nagaanyayang “kurutin mo ko”.

 Si Rue, bagamat payat ay masasabing siya ang pinaka-cute sa kanila. Hawig niya si Sam Concepcion.

 Si Berto naman ay matangkad, moreno, singkit din, medyo chubby pero sa unang tingin ay aakalain mong si Sam Milby.

 At syempre ang prinsipe sa kanilang apat, si Makki. Maputi, matangkad, brusko. Isa lang ang maiisip mo kapag nakita mo. Si Derek Ramsay.

 Silang apat ang tinatawag na “Apat na Sikat” sa buong university. Maging ngayong bakasyon ay sikat pa rin sila, lalu na sa mga taong naroon sa probinsyang iyon. May fans club pa sila subalit may sariling fans club si Makki, ang pinaka habulin sa kanila.

 “Pasok kayo.” Magiliw na paanyaya ni Zeky.

 Malaki ang lumang bahay na iyon. Ancestral house talaga na prineserve ng kanilang pamilya dahil na rin sa maraming masasayang ala-ala na nasa bahay na iyon.

 Pagpasok nila ay nakita ikinagulat nila ang isang babaeng nakatalikod sa kanila. Puti ang buhok. Papasigaw si Makki sa gulat.

 “Tigil ka nga!” inis na bulyaw ni Rue.

 Agad namang nilapitan ni Zeky ang matanda. Inakbayan niya ito at pinaharap sa mga katropa. “Ay, lola ko pala.”

 “Pala ba ka mo? Nasa likod-bahay.” Sagot naman ng matanda.

 “Lola hindi po. Pinapakilala ko po kayo sa mga kaibigan ko.” May kalakasang wika ni Zeky.

 Humarap ang matanda. “Ah may bisita pala tayo. Anong oras ba ang sagala?”

 Nag-roll eyes si Zeky. “Lola walang sagala. Mga tropa ko po.”

 “Ah… Ba’t di mo agad sinabi. ‘Tong batang ‘to talaga.” Umiiling na wika ng matanda. “Pasok kayo.” Paanyaya pa niya.

 “Salamat po.” Sagot ni Berto.

 “Salabat? Pasensya na anak, kape lang mayroon kami.”

 “Lola pasok na po kayo dun, ako nang bahala sa kanila.” Pagtaboy ni Zeky sa kaniyang lola.

 “Sama-sama mo talaga. Pinalayas mo lola mo.” Si Rue.

 “Oo nga sama sama. Tsk! Tsk! Tsk!” sawsaw naman ni Makki sa usapan.

 “Hindi ah! bait ko nga eh.” Depensa naman ni Zeky.

 Nagkuwentuhan pa ang magbabarkada, para na rin makapagpahinga. Tapos ay ipinasyal ni Zeky ang mga kaibigan sa buong lugar nila. Hindi maalis ang harutan nila sa daan, kasama na ang kantyawan.

 Kinagabihan ay masaya silang nagsalo-salo sa inihandang pagkain ng lola ni Zeky. Dahil nga sa walang kuryente sa bahay na yon ay nag-isip ang magbabarkada kung ano ba ang gagawin nila matapos kumain habang hinihintay na dalawin sila ng antok.

 “Inuman nalang tayo!” sigaw ni Zeky, ang tanggero.

 “Wag muna, pagod kami, hindi kami tatagal.” Pagtutol ni Berto.

 “Tong-its nalang kaya?” suhestyon ni Makki.

 “Hindi ako marunong mag-sugal.” Pagtutol ni Rue.

 “Ako din.” Sang-ayon naman ni Berto.

 “Eh ano gagawin natin?” problemadong tanong ni Zeky.

 “Eh kung spin the bottle kaya?” si Berto.

 “Ayoko. Pambata masyado yan. Hindi bagay sa macho kong image.” Pagtutol naman ni Makki.

 “Hinde, maganda yung spin the bottle!” masayang sigaw ni Zeky na agad namang tumakbo palabas. Pagbalik nito ay may dala na itong empty bottle ng brandy.

 “Game!” sigaw si Rue.

 Wala nang nagawa pa si Makki kundi ang makisali na rin kahit ba nag-aalangan ito.

 Pinakikot ni Zeky ang bote. Tumapat ito kay Makki. “truth or consequence?” sabay-sabay nilang tanong.

 “Ah… Eh…” kinabahang tugon ni Makki. Nag-iisip. “Consequence nalang.”

 “Sumayaw ka!” sigaw ni Zeky.

 “Yung sexy!” pahabol naman ni Berto.

 Sumayaw nga si Makki nang sexy. May kasama pang paghubad ng sando nito at pagbukas ng zipper ng kaniyang shorts. Sinayawan niya ang tatlo na wala namang humpay sa kakatawa dahil sa sagwa ng sayaw nito. Para itong tipaklong na trying hard magpakasexy. Mukhang nahalata naman ni Makki na pinagkakatuwaan lang siya kung kaya tuluyan na niyang hinubad ang kaniyang shorts at ibinaba ng kaunti ang kaniyang brief upang patunayang sexy siya. Kahit nang matapos itong sumayaw ay hindi na nagbihis pa upang ibuyangyang sa barkada ang ka-machohan niya.

 Pinaikot muli ang bote. Tumapat naman ito kay Berto. “Truth or consequence?” agarang tanong ni Makki na halatang nais makabawi.

 “Consequnce na rin.” Nakangiting sagot nito.

 “Halikan mo si Zeky.” Ngiting-asong utos ni Makki na ikinagulat ni Zeky.

 “Walang ganyanan!” tutol ni Zeky.

 “Bawal ang KJ!” si Makki.

 “Sige na nga! Halik lang naman.” Si Berto. Tumayo na ito’t lumapit kay Zeky.

 “Yung torrid!” pahabol naman ni Rue.

 Hinalikan ni Berto si Zeky. Nung una’y makikitang parang nandidiri si Zeky subalit nang tumagal ay ito na ang humahabol at lumalaplap sa labi ni Berto.

 Humihingal na pinaikot ulit ni Zeky ang bote. Tumapat naman ito kay Rue.

 “Truth or consequnce?” sabay-sabay na tanong ng tatlo.

 “Truth!” matapang na sagot ni Rue.

 “Ako ang magtatanong!” sigaw ni Berto dahil nga siya ang huling itinuro ng bote. “Virgin ka pa ba?”

 “Wag yan! Corny naman neto. Ako na nga!” Tutol ni Makki. “Ano ang huling ginawa ninyo ng ex mo nung huli kayong magkasama? Detalyado dapat.”

 “Yan maganda yan.” Excited namang wika ni Zeky.

 Umayos ng upo ang tatlo, nakatuon ang buong pansin kay Rue.

 “Ah… Eh…” halatang kinabahan si Rue, nag-iisip kung magkukuwento nga ba.

 “Dali na! Hilig mambitin!” inip na bulayaw ni Makki.

 “Ok heto na nga! Nandun kami nun sa bahay nila, kaming dalawa lang. Nanonood ng DVD habang kumakain ng ice cream.” Pagsisimula niya. Kinuha niya ang kandilang nagbibigay liwanag sa kanila at ililagay ito sa kaniyang harapan.

 “Nandoon na kami sa best part ng movie nang biglang mag-brownout. Parang ganito. Kumuha ako ng kandila para may ilaw kami. Parang ganito. Tapos ay biglang umihip ang malamig na hangin…”

 Biglang umihip rin ang hangin sa loob ng bahay nila. Napakalamig na nagpakilabot sa kanilang apat.

 “Tulad nito…” sabi ni Rue, nanlalaki ang mga mata niyang pinagmasdan ang tatlong kabarkada.

 “Tapos ay kinilabutan ako, matinding kilabot ang gumapang sa buo kong katawan… Parang ganito rin.”

 Napalunok ang mga nakikinig. Grabe ang kabog ng kanilang dibdib.

 “Tapos ay may naramdaman ako… Parang katulad din nito.”

 Tapos ay binasag ang katahimikan ng isang kakatwang tunog.

 PROOOOTTTTTTT!!!

 “Peste!” dismayadong sigaw ni Zeky sabay takip ng ilong. Ganuon din ang ginawa ng dalawa pa habang si Rue naman ay tawa nang tawang naisahan ang mga kaibigan.

 “Ka-bad trip! Matulog na nga tayo!” si Makki.

 “Mabuti pa nga.” Sang-ayon naman ni Berto.

 Dalawang kuwarto ang inokupahan nila. Sina Makki at Rue sa isa habang sa kabila naman ay sina Berto at Zeky.

 Magkatabi sa iisang kama sina Makki at Rue. Nakahiga sila at hinayaan na lamang nilang nakasindi ang kandila.

 Nalingat si Makki nang makaramdam siya ng kakaiba. Nanatili siyang nagtulug-tulugan upang pakiramdaman ang nangyayari.

 Ramdam niya ang isang mamasa-masang bagay na paikot-ikot sa kaniyang nipple. Hindi na nga pala siya nagbihis mula kaninang ginawan siya ng “consequence”.

 Iisa lamang naman ang kasama niya sa kuwartong iyon, walang iba kundi si Rue. Kinilig siya bigla nang maisip niyang niroromansa siya nito kung kaya nanatili pa rin siyang nagtulug-tulugan dahil natatakot siyang itigil ng isa ang ginagawa kapag nalaman niyang gising siya.

 Gumapang ang mamasa-masang dila mula sa utong niya papunta sa kaniyang kilikili na open na open dahil sa nakapatong ang kaniyang kamay sa kaniyang nuo. Nagbigay ito ng matinding kiliti na gumapang sa buong katawan ni Makki. Unti-unti na siyang nag-init.

 Muling naglakbay ang dila ni Rue patungo sa kaniyang pusod. Sinundot-sundot niya iton. Tapos ay pababa sa may underwear niya.

 Nagkunwaring nagkamot si Makki, ngunit ang tunay niyang pakay ay ang ibaba ang kaniyang natitirang saplot upang maging malaya si Rue sa gagawing paggapang sa kaniyang kaselanan. Hindi naman siya nabigo dahil ang sunod niyang naramdaman ay ang paggapang ng dila nito pababa sa kaniyang puson.

 Napasinghap siya nang maramdaman ang mamasa-masang dila sa bitas ng kaniyang pagkalalaki. Matinding kiliti ang naramdaman iya subalit nagpigil siya dahil ayaw niyang bigyan ng hint si Rue na gising siya, ayaw niyang tumigil si Rue sa ginagawa niya.

 Sa wakas, binalot ng mabasang labi ni Rue ang palibot ng kaniyang tigas na tigas na pagkalalaki. Taas-baba, taas-baba, isang pangarap na nagkatotoo para kay Makki ang mga nangyayari. Bumigat ang kaniyang paghinga, napaungol na siya. Ramdamam naman niya na parang lalung ginanahan si Rue dahil sa ungol niyang iyon kung kaya mas nilakasan pa niya ang pag-ungol.

 Hanggang sa maramdaman na ni Makki na sasabog na siya. Bumilis ang kaniyang paghinga. “Ayan na ko Rue. Bilisan mo pa.” pakiusap ni Makki na ang tinig ay parang nagdedeliryo na.

 “Ayan nahhhh…” paungol na sambit ni Makki kasabay ng pagkagat niya ng kaniyang pang-ibabang labi. Hingal na hingal siya habang patuloy ang pagsirit ng kaniyang katas.

 Nakangiting iminulat ni makki ang kaniyang mga mata. Ipinagtaka niya nang makitang himbing na himbing pa din si Rue sa tabi niya. Kung tulog si Rue, kaninong dila ang paikot-ikot sa puson niya kung saan sumirit ang kaniyang katas?

 Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Gulat na gulat siya nang makitang may mahabang basang bagay ang naglalaro sa kaniyang puson. Sinundan niya ng tingin ang kahabaan nito at napagtanto niyang galing ito sa bubungan.

 Napatili nang napakalakas si Makki sabay balikwas. Papadyak-padyap pa ito habang nakataas ang mga kamay na tila ba diring diri at takot na takot. Nagising si Rue sa tili ni Makki. Napabalikwas ito nang makita ang mahabang dila.

 Tumakbo sila palabas ng kuwarto. Sinalubong naman sila nina Zeky at Berto.

 “Anong nangyari sainyo?” tanong ni Zeky.

 Ngunit hindi sumagot ang dalawa, patuloy silang nagtatakbo palabas ng bahay. Sinundan naman sila nina Berto at Zeky. Pagkalabas na pagkalabas nila ng bahay ay biglang may bumagsak na payat na bakla sa kanilang tabi. Parang nanggaling sa bubong.

 Lumapit si Zeky dito sabay tanong, “Kuya, okay ka lang?”

 “L-l-lassson… Lasooon…” sagot ng bakla habang hawak-hawak ang kaniyang leeg.

 “Ano daw? Lason?” takhang tanong ni Zeky.

 “’Di ba sa mga bading pag sinabing lason eh yung mga bading na nagpapanggap na lalake?” wika ni Berto.

 “Oo nga.” sang-ayong naman ni Rue.

 Pasipol-sipol naman si Makki, nagpapatay-malisya. Tinignan siya ng tatlo.

 “Oh bakit ganyan kayo makatingin?” tanong ni Makki.

 “Anu yang nasa may tyan mo?” tanong ni Zeky dito. Kitang kita ng tatlo ang puting malapot na likidong nakadikit sa may tiyan niya, pati na rin sa suot nitong brief.

 Agad namang pinunasan ni Makki iyon. “Laway nung tiktik iyon!” wika niya.

 Bigla na lamang pumutok na parang lobong punong puno ng alikabok ang bading. Nahintakutan ang apat at sabay-sabay na napatili. Dali-dali silang umakyat ng bahay subalit naka-lock na ito. Hindi sila makapasok. Kung kaya tumakbo nalang sila palayo dahil sa takot.

 Hingal na hingal na sila dahil sa katatakbo. Nagpasya silang magpahinga muna.

 “Nasan na tayo, Zek?” tanong ni Berto.

 “Hindi ko alam. Ngayon lang din ako napadpad dito.” Sagot naman nito.

 Lalu silang kinilabutan nang mapagtanto nilang nasa tapat na pala sila ng isang sementeryo. Napansin din nilang kabilugan pala ng buwan ngayon.

 “Umalis natayo dito.” Kinakabahang wika ni Rue.

 “Tara na!” aya naman ni Makki at tumayo na mula sa kinauupuan.

 Maglalakad na sana silang muli nang may marinig silang umiiyak. Hinanap nila ang pinanggagalingan ng pagtangis na iyon at natagpuan nila ang isang babaeng nakaupo sa ilalim ng mga kawayan.

 Lumapit si Zeky sa babae. “Miss, okay ka lang?” tanong niya.

 Biglang iniangat ng babae ang mukha niya.

 Nagulat silang apat.

 Tumayo ang babae at naglakad palapit sa kanilang apat.

 Napaurong sila.

 Lumapit pa ng babae.

 Umurong ulit sila.

 Lapit ulit.

 Urong.

 Lapit-urong, lapit-urong, para na silang nagsasayaw ng cha-cha.

 “Teka nga! Sino ka ba?!” nainis na tanong ni Zeky dahil napapagod na siya sa kaka-urong-sulong.

 “Akoh hang white lady.” sagot ng babae.

 “White lady?” bulong ni Rue kay Makki na tinugunan ni Makki ng pagkibit-balikat. Paano ba naman kasi, ita ang babae.

 “Ikaw white lady? Kung ganon ako si Angelina Jolie.” Mataray na sagot ni Zeky sabay ng posing ala-Tomb Raider at pout ng lips. “Echosera!”

 Kinalabit naman si Zeky ni Berto. “Bakit ba?! Ganda ng posing ko dite, istorbo!” inis na tugon ni Zeky.

 Inginuso naman ni Berto ang bandang ibabang bahagi ng black and white lady, nakalutang ito at hindi maaninag ang paa.

 Bigla na namang binalot ng takot ang magkakabarkada. Tumakbo silang nagtititili habang hinahabol naman sila ng black and white lady. Takbo lang sila ng takbo, ayaw naman silang tigilan ng black and white lady. Hanggang sa…

 “Ouch!”

 Nadapa ang black and white lady. Naglaho ito nang parang bula.

 Samantala, nakahinga nang maluwag ang apat nang makitang wala na ang humahabol sa kanila. Muli silang nagpahinga dahil sa pagod.

 “Saan na tayo pupunta niyan?” mangiyak-ngiyak na wika ni Rue.

 “Ewan ko!” inis na tugon ni Zeky dahil sa magkahalong takot at pagod.

 “Anong ginagawa ninyo sa aking kagubatan?!” biglang wika ng isang nilalang.

 Muli ay binalot ng takot ang apat.

 “Tyanak!” sigaw ni Zeky.

 “Dwende!” sigaw naman ni Makki.

 “Nuno sa punso!” naman ang sigaw ni Rue.

 “Batukan ko kayo diyan eh! Duwende yan!” pagtataray ni Makki.

 “Nuno sa punso kaya! Kita mo kulubot ang balat!” katwiran ni Rue.

 “Pag-umpugin ko kayo dyan eh! Kita nyong walang sumbrero nuno at duwende pa kayo dyan. Tyanak yan!” muling pagtataray ni Zeky.

 “Hoy! Nang-iinsulto ba kayo?!” galit na tugon ng maliit na nilalang na saksakan ng dungis.

 “Uhm… Guys, kapre yata yan.” Sabi ni Berto.

 Binatukan ni Zeky si Berto. “Eh mas malala pala ang topak nito eh. Yung nuno at duwende nga hindi ko pinaniwalaan, kapre pa kaya?!” Inis na wika nito.

 “Ang kapre matangkad, may tabako—at—naka-tung—tong——sa——pu—no…” ang pabagal na dugtong niya nang maglabas ng Marlboro lights ang nilalang at nagsindi. Nakita rin nilang nakatungtong ito sa puno ng kamatis.

 Muli na naman silang nagtitili at nagtatakbo.

 “Adik yata ang mga maligno dito! Baklang tiktik, negrang white lady, ngayon naman bansot na kapre!” maiyak-iyak na wika ni Berto. Naiiyak siya sa takot at inis.

 Napansin naman ni Zeky si Rue na kahit na nagtatatakbo sila sa takot ay hindi tinantanan ang hawak na cellphone.

 “Tado ka Rue, bitawan mo na yan!” at pilit na inaagaw ni Zeky ang nasabing gadget subalit hindi pumayag si Rue na maagaw sa kanya iyon.

 “Teka lang nag-uupdate ako!” singhal pa niya.

 “Ewan ko sa’yo! Bahala ka diyan!” balik singhal ni Zeky at mas binilisan pa ang takbo.

 Sa kanilang pagtakbo ay may nakita silang bahay sa gitna ng kagubatang iyon. Nagpasya silang duon magtungo upang makapagtago at makiusap sa may-ari kung pwede silang magpalipas ng gabi duon.

 Pagpasok nila sa bahay ay namangha sila sa ganda ng loob ng munting dampa. Para itong hut sa mga sosyal na restaurant na pinupuntahan nila.

 “Tao po…” sigaw ni Berto.

 Walang sumagot.

 “Tao po!!” mas malakas na sigaw ni Rue.

 Wala pa ring sagot.

 Tumuloy na sila sa loob sa pag-aakalang walang tao. Pagpasok nila ay tuwang tuwa sila dahil may nakahanda pang pagkain duon. Umuusok pa at natitiyak nilang bagong luto lang.

 “Nasan kaya yung tao dito?” bigkas ni Makki.

 “Anong kailangan ninyo?!” biglang sagot naman ng isang tinig. Napalingon silang apat sa may likuran. Duon ay nakita nila ang isang magandang babae na pinalilibutan ng mga paru-paro.

 “Diwata yata.” Bulong ni Zeky kay Berto.

 “Ah, eh… Makikiusap po sana kami kung maaaring ito kami magpalipas ng gabi kasi…” wika ni Rue ngunit pinutol agad ito ng magandang babae.

 “Hindi maaari!”

 “Maganda nga masama naman ang ugali.” Bulong ni Berto.

 “Masamang diwata.” Ganting bulong ni Zeky.

 “Hindi ako diwata!” galit na wika ng babae.

 “Ah, eh.. Ano po kayo kung ganon?” tanong ni Makki.

 “Isa akong mambabarang!” sagot nito.

 “Wow ha?! Mambabarang butterfly ang gamit. Social! Buti kung makakagat kami niyan.” Nangunguytang wika ni Makki.

 “Lapastangan!” Galit na sigaw ng babae.

 “Ay primitibo pala.” Bawi ni Makki.

 “Hinahamon nyo talaga ako. Humanda kayo!” sigaw ng babae. Biglang lumakas ang hangin. Nanlisik ang mga mata ng babae.

 “Tara na!” sigaw ni Rue sabay hatak sa tatlong kaibigan. Hindi pa man sila nakalabas ng bahay nang marinig nilang sumigaw ang mambabarang.

 “Butterfree, use Stun Spore!!!”

 Napahinto si Berto. Humarap sa matanda. “Poteks! Pokemon ba ‘to ‘te?!”

 Ngunit hindi niya napansin ang mga pulbos na dumikit sa kaniyang balat. In an instant, Berto was paralized and cannot move.

 Papalapit na ang butterfly at ang babae kay Berto nang biglang may isang bagay ang tumarak sa butterfly. Isang rosas!

 Alam na alam nilang apat kung ano ang ibig sabihin ng rosas na iyon dahil parepareho nilang sinusubaybayan ang Sailor Moon.

 “Tuksedo Mask!!!” excited na sigaw nina Makki, Rue, at Zeky.

 “T-t-tukkk-sssse-ddd—“ tinakpan na lang ni Rue ang bibig ng paralisadong si Berto dahil angbagal nito magreact.

 Biglang tumunog ang tuxedo mask theme song out of nowhere. Napatingin sila sa amba ng bubong. Duon ay nakatayo nga ito. Si Tuxedo mask!

 “Bakit ka nananakit ng mga inosente?! Ako ang harapin mo, kampo ng kadiliman!” sigaw nito sa bedroom voice nito na ikinakilig nilang apat.

 Tumalon si Tuxedo Mask mula sa tinutungtungan. Parang bumagal ang oras, slow motion ang nakikita nila. Gwapong guwapo nito habang graceful na gumagalaw-galaw ang kapa niya.

 Subalit pagtungtong sa sahig ay natapilok ito’t nasubsob. Tumama ang mukha niya sa sahig at nawalan ng malay.

 Dahan-dahan namang lumapit si Rue.

 “Anong ginagawa mo?!” tanong ni Makki rito.

 “Tatanggalin ko lang ang maskara para makilala natin siya.”

 Hindi na nila pinigilan pa si Rue dahil sila man ay curious kung ano nga ba ang hitsura ni Tuxedo Mask. Maging ang mambabarang ay nanatiling nakatunghay, nag-aabang sa pagtanggal ng maskara.

 Hinawakan ni Rue ang dulo ng maskara. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kapirasong karton.

 “Angkupad ha?!” inip na wika ni Zeky at siya na mismo ang nagtanggal ng maskara.

 Napasinghap silang lahat sa nakita. Hindi sila makapaniwala.

 “Si Tomas!” sabay-sabay nilang sambit maliban kay Berto.

 “Ssssi Ttttto-mmmm…” tinakpan ni Makki ang bibig ni Berto dahil panira na ito ng setting.

 Dismayadong iniwan nila ang nakahandusay na katawan ni Tommy. Nagbalik sila sa dating pwesto bago pa man umentra si Tuxedo Mask kanina.

 “Asan na nga ba tayo?” tanong ng mambabarang.

 “Palapit ka na kay Berto.” Sagot naman ni Rue.

 “Ah oo, tama.”

 At biglang napalitan ang background music, mula sa tuxedo mask theme ay naging nakakatakot ng music.

 “Ti-ti-ti-ti…” wika ni Berto subalit naputol ulit ito.

 Binuhat siya ni Zeky at muli silang nagtatakbo. “Eksena pa!” inis na wika nito.

 Si Rue ay patuloy sa pagte-text. Patuloy silang nagtatatakbo. Takbo lang nang takbo hanggang sa Makalabas sila ng gubat. Nakarating sila sa isang simbahan.

 “We’re safe!” Makki said in relief.

 “Tao po!” sigaw ni Zeky sabay ng malalakas na katok sa malaking pinto ng simbahan.

 Dahan-dahan bumukas ang pinto. Dumungaw ang isang matandang lalaking panot na nakasalamin. “Ay… May tao…” wika ng matanda na napakabagal magsalita, parang si Kuya Cesar.

 “Ay may panot.” Sagot naman ni Makki.

 “Anong… Kailangan… Nyo?” tanong ng matanda.

 “A-a-a-a…” singit ni Berto subalit binusalan na lang ni Zeky para hindi na maka-eksena pa.

 “Ano po kasi, may mga malignong humahabol sa’min. Tulungan nyo po kami.” Pakiusap ni Rue.

 “Tuloy… kayo…” sabi ng matanda at binuksan na ng tuluyan ang pinto.

 Itinanong ng matanda kung ano ang mga nangyari subalit hindi ko na isasalaysay pa dahil sa sobrang bagal magsalita ng matanda na isa palang pari ay baka abutin tayo ng pasko. Ikinuwento ng tatlo ang buong pangyayari at nag-alok ang pari na bendisyunan si Berto para mawala ang sumpa ng mambabarang.

 Bumubulong ang pari habang nakayuko naman ang tatlo sa likuran nito. Si Berto sa harapan ng pari. Namalayan na lamang nilang parang umaambon. Minulat ng tatlo ang mga mata nila at nakita nilang sa kanila nakaharap ang nakapikit na matanda habang patuloy sa pagwisik ng holy water at patuloy sa pagbulong.

 Hinayaan na lamang nila ang matanda. Inisip na lamang nilang bahagi ito ng exorcicm. Patuloy sa pagbulong ang matanda na hindi maiwasang pakinggan ng tatlo.

 “Hah… Ring… King… King… King… Haring… King… King…” bulong ng matanda sabay hampas ng matigas na pang bendisyon sa ulo ni Makki.

 “Arekup!” ang nasabi ni Makki na nagpamulat sa matanda.

 “Anong… ginagawa… nyo… dyan?” tanong nito. “Nasan… na… yung… bebendisyunan?” dugtong pa niya.

 Napa-roll eyes si Zeky. “Hayun po, nasa likod ninyo.” Turo niya kay Berto.

 “Bakit… nagpalit… kayo… ng… pwesto?” takhang tanong ng pari.

 “Aba’y malay ko! Pinapikit nyo kami tapos kami ang tatanungin nyo!” singhal ni Zeky.

 “Shhh… Matanda yan.” Bulong ni Rue.

 “Eh nakakaloka na eh!” singhal ni Zeky.

 Hinayaan na nila ang matanda. Binendisyunan niya si Berto. Nang hindi tumalab ang pawisik-wisik ay tuluyan nang isinaboy ng pari ang isang palanganang tubig kay Berto.

 Sa wakas, nakagalaw na muli si Berto. At ng una niyang sinugod ay si Zeky. Sinabunutan niya ito na ipinagtaka naman ng pari, ni Makki at ni Rue.

 Inawat silang dalawa.

 “Ano ba kasing ikinagagalit mo?!” singhal ni Zeky.

 “Bastos ka eh!” singhal din ni Berto.

 “Bakit?” sabay na tanong ng nagtatakang sina Makki at Rue.

 “Eh panu ba naman binusalan niya ako ng brief nya! Okay lang sana eh kaso naihian nya ‘to kaninang hinahabol tayo ng black and white lady!” galit na sagot ni Berto habang winawagayway ang mapanghing brief.

 Ngising aso naman si Zeky.

 Tok To Kok Kok!

 Narinig nila ang tilaok ng manok.

 “Uy! Tumilaok ang manok!” wika ni Makki.

 Binatukan ng author si Makki. Kakasabi ko lang eh. Uulitin pa. Anu ‘to, unli?

 “Sorry naman!” sagot ni Makki.

 Kasunod ng tilaok ng manok…

 “Uy tumilaok ang manok!” duet na sigaw nina Zeky at Berto.

 Umiling na lamang si Author.

 Tulad ng sabi ko, kasunod ng tilaok ng manok ay…

 “Uy tumilaok ang manok!” sigaw ni Rue. Akala nyo kayo lang? Bleh!

 Hayun nga, kasunod ng tilaok ng manok ang pagsikat ng araw. Sabay-sabay silang lima na lumabas ng simbahan at sinalubong ang pagbubukang liwayway. Napakagandang tignan. Sa wakas, tapos na ang gabi ng lagim.

 Nagpaalam na ang apat at nagpasalamat sa tulong ng pari. Umuwi muna sila sa bahay ng lola ni Zeky upang kunin ang mga gamit nila. Nagpasya na silang bumalik ng Maynila.

 “Oh, akala ko ba isang linggo kayo dito?” gulat na wika ng matnda nang makitang nag-eempake ang apo at mga kaibigan nito.

 “Hindi na lola. Nagbago na ang isip namin.” Sagot ni Zeky.

 “Binagyo ang Air Ship? Eh ba’t kayo susulong kung may bagyo?” takhang tanong ng matanda.

 Roll-eyes ulit si Zeky. “Nevermind lola.”

 “Ahh… Inaswang pala kayo. Siya, siya, mag-iingat kayo.” Wika ng matanda at tumuloy na sa kusina.

 Nagtinginan ang apat sa pagtataka. Tawaan.

 Nagrerelax ang apat sa deck ng barko. Masaya sila at makakauwi sila nang buo ang kanilang katawan.

 “Buti na lang at magkakasama pa tayong apat, no?” wika ni Berto.

 “Oo nga. At wala na tayong itinatago ngayon> Hindi pala tayo magkukumpare, mga magkukumare pala tayo.” Nangingiting sagot ni Makki.

 “Pero grabe ang experience natin. Iba-blog ko talaga iyon!” wika ni Zeky sabay hugot ng laptop niya sa bag.

 Pagbukas na pagbukas niya ng laptop ay napanganga siya. Nakita iya sa blogger dashboard na may nag-update sa mga friends niya. Binasa niya ang update at halos malaglag ang panga niya nang mabasang nai-blog na ang buong pangyayari sa kanila sa probinsya. Mula sa paghihintayan nila sa Maynila pa lang hanggang sa pagsakay nila ng barko.

 Tinignan ng masama ni Zeky si Rue.

 “Bakit?” inosenteng tanong ni Rue.

 “Masasabunutan kita!” pagtataray ni Zeky sabay sugod kay Rue. Ilang beses niya tinangkang sabunutan si Rue subalit wala siyang nahawakang buhok sa kalbo.

 “Hawakan niyo na siya!” utos ni Zeky kina Makki at Berto na sinunod naman ng dalawa. Hindi sila nahirapang i-lock si Rue dahil sa payat lang ito.

 “A-anong gagawin mo?!” kinabahang tanong ni Rue sa papalapit na si Zeky na umuusok ang ilong sa galit.

 Hinubad ni Zeky ang suot na t-shirt ni Rue sabay hablot sa buhok sa kilikili nito. Marahas niyang sinabunutan si Rue habang si Rue naman ay napasigaw sa magkahalong sakit at kiliti.

 “Tama na! Tama na!” hindi malaman ni Rue kung tatawa o iiyak.

 “Bruha ka! Inunahan mo ako sa pagpost!” galit na sagot ni Zeky na patuloy sa pagsabunot dito.

 Natigil lamang ang lahat nang may mapansin si Zeky na isang guwapong lalaking nakangiti habang nakatingin sa kanila.

 “Gwapo alert, 2:00!” excited na sabi ni Zeky.

 Lumingon naman sina Makki at Berto habang si Rue ay namimilipit ang leeg para lamang masipat ang nasabing gwapo.

 “Pustahan ako ang type niyan.” Sabi ni Zeky.

 “Asa ka pa! Muscles ko ang tinitignan niyan!” si Makki.

 “Mas gusto ng guys ang may love handles.” Sabad ni Berto.

 “Mga adik kayo!” sigaw ni Rue dahil hindi pa rin niya makita ang sinasabi nilang guwapo.

 Pinakawalan nila si Rue. Naghanda ang tatlo sa pagpapacute habang si Rue naman ay hinahanap pa rin yung guwapo.

 Tumayo ang lalaki. Naglakad ito palapit sa kanila

 “Nasan na ba?!” inis na wika ni Rue. Hindi niya alam na nasa likuran na niya ang lalaking sinasabi ng tatlo.

 Biglang parang na-estatwa ang tatlo. Nanlaki ang kanilang mga mata. Walang kamalay-malay si Rue kung ano ang nangyayari.

 “Hoy! Para kayong nakakita ng aswang?!” sigaw ni Rue.

 “Aswang!!!” sigaw ng tatlo at nagtatakbo papasok sa barko.

 Nagtaka naman si Rue sa inasal ng tatlo. Pumihit siya patalikod. Nagulat na lamang siya nang makita ang isang guwapong lalaking nakangiti sa kaniya. Nginitian din niya ito at nagpacute. Lalong lumaki ang ngiti ng lalaki. Niyakap siya ni Rue. Gumanti ng yakap ang lalaki.

 Ramdam ni Rue ang pagdila ng lalaki sa kaniyang leeg. Sarap na sarap siya. Ngunit napansin niya ang isang pares ng paa na nakaupo sa isang silya sa malapit. Kinabahan si Rue.
 
 Kumalas ng yakap si Rue at pinagmasdan ang lalaki. Mula sa maamo at guwapo nitong mukha hanggang sa…. Baywang.

Click the NEXT BUTTON .....

Penulis : Grey ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Ang Probinsyan ( A Horror Story ) ini dipublish oleh Grey pada hari . Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Ang Probinsyan ( A Horror Story )
 

0 comments:

Post a Comment

Leave Me a Comment Below. Thanks :)