Ilang minuto pa ng pagmumuni-muni ay nakatulog na ako.
Kinabukasan., muli akong ginising ng malakas na pagtunog ng aking alarm clock. Pagmulat ng aking mata ay naulinigan ko ang pagbuhos ng ulan na syang lalong nagpalamig sa kwarto. Agad kong inabot ang remote control ng air con sa side table upang patayin na ito. Tinatamad pa akong bumangon sa kama dahil sa “bed weather”, as many people call it, at lalong nakakatamad maligo dahil sa lamig ng panahon.
Pero just the thought of seeing Adam again energized me. It got me excited kaya bumangon na agad ako upang maligo. Pagbangon ko ay nakaramdam ako ng konting sakit ng katawan, lalo na sa bandang likuran ko. Marahil ay dahil ito sa very intense na sex namin ni Adam kagabi. Naramdaman ko rin ang konting hapdi sa aking pwet dahil sa aking first time “anal sexperience”.
Tumungo na ako sa banyo upang maligo. Habang naliligo ay bigla ko namang naalala si Ethan at ang sulat na iniwan nya kagabi. Muli akong napaisip kung dapat ba na makipagkita pa ako sa kanya. Hindi pa ako makapagdesisyon because I’m still uncertain on what he really wants to tell me, moreover kung ano ang gusto nyang mangyari. I’m a little doubtful dahil baka kung ano nanaman ang pinaplano ni Ethan.
Matapos maligo at makapagbihis ay bumaba na ako ng bahay at umalis patungo sa waiting shed. Dahil sa may kalakasan ang ulan ay hindi ko naiwasan na mabasa ang ibabang parte ng suot kong slacks. May limang minuto pa siguro bago ang usual na oras ng pagdating ng bus ay nakatanggap ako ng text mula kay Adam.
“Chad, wait for me at the shed sa labas ng subdivision nyo. Do not ride the bus. Just wait for me”.
Nagtaka ako sa text message na iyon ni Adam. Dahil kaya tinanghali sya ng gising at ayaw nya na hindi kami magkasabay sa bus? That’s sweet and thoughtful, kaya nga lang kapag na-miss namin iyong bus na iyon ay 30 minutes pa ang hihintayin bago ang kasunod and most likely, mata-traffic na kami at baka ma-late na ako. May meeting pa naman ako ng umagang iyon.
Then, after a few minutes ay dumating na ang bus. Dahil sa request ni Adam ay hindi ako sumakay sa bus, instead I waited for him. Sa loob-loob ko, bahala na kung ma-late ako, idadahilan ko na lang ang masamang panahon kapag na-late ako sa meeting. Maya-maya, siguro after 5 minutes mula ng makaalis ang bus ay may pumarada na kotse sa harap ng shed. Isa itong kulay itim na Altis. Dahil heavily tinted ang bintana at ang wind shield ng sasakyan ay hindi mo maaninag kung sino ang nakasakay sa loob.
Maya-maya pa ay bumaba ang bintana sa may driver’s seat ng sasakyan. I was surprised to see Adam. “Chad, sakay ka na!” sigaw ni Adam. Agad ko namang binuksan ang aking payong at sumakay sa passenger’s seat ng kotse.
“good morning Hon…” bati ni Adam habang dahan-dahang iniaabante ang sasakyan. “hindi nga good ang morning eh dahil ang lakas ng ulan” sagot ko naman. “Para sa akin good pa rin ang morning ko dahil nakita na kita” nakangiting sagot ni Adam na nagpakilig nanaman sa akin. “Ang aga-agang bola nyan ah” wika ko sabay sundot sa kanyang tagiliran”. “Oh.. wala man lang bang morning kiss?” tanong ni Adam”.
Agad naman akong humalik sa kanyang mga labi. As always, very handsome and charming si Adam sa suot nya na pink polo shirt na tinernohan nya ng khaki na tight-fitted pants. Kahit parang hindi pa nakapagsuklay si Adam at basang-basa pa ang buhok nya ay napakagwapo pa rin nito. Napakabango din ang kanyang perfume.
“Oh bakit naisipan mo na magdala ng kotse ngayon, at bakit iba itong dala mo na kotse, hindi yung pula na ginagamit mo” usisa ko kay Adam. “Naisip ko lang na magdrive naman ngayon, tutal umuulan at mahirap ang mag-commute. This is my mom’s car, ito na lang muna ginamit ko kasi ipapa-repair yung kotse ko” pagpapaliwanag ni Adam.
“So, how was your sleep Hon? Hmmm.. nakatulog ka ba ng maayos? hindi na ba masakit yung…” tanong ni Adam sabay nguso sa aking pwetan. “ahh.. ayos naman yung tulog ko, pero actually medyo sumakit ata yung katawan ko, napagod ako ng sobra.. at oo, medyo masakit pa yung pwet ko.. kasi naman..” sagot ko. “Oh.. nag-enjoy ka naman right? Sa una lang yan masakit. Alam mo kung anong gamot dyan? Kaylangan sundan agad” sagot ni Adam habang nakangiti na tila may ibang ipinahihiwatig.
“oh.. sundan ka dyan agad.. ang sakit kaya..” malakas kong sagot kay Adam.“Oh.. binibiro lang kita.. syempre hindi muna ngayon….. (pauses for a while)… bukas na lang” sagot ni Adam sabay tawa ng malakas. “Sira ka talaga.. anong bukas.. next month na!” pasigaw kong sagot. “ohh.. wait. anong next month.. ang tagal noon ah.. 3 days lang.” sagot naman ni Adam. “bahala ka, ang sakit kaya!” sagot ko na tila nang-aasar.. “pero masarap naman” mabilis nyang sagot. “Well.. you have a point” wika ko. Sabay kaming tumawa ng malakas ni Adam. Hindi namin alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan. Masaya kami na muli kaming magkasama.
Wala kaming ginawa ni Adam sa byahe kung hindi ang magkulitan. Napakasaya pala nyang kasama. He has a good sense of humor. Mahilig syang mang-asar pero sya naman itong pikon. I think our personalities are compatible. It is too early to say, but I think we complement each other well.
“oh.. Hon.. malapit na tayo sa office nyo.. kiss mo na si junior” wika ni Adam. “sinong junior?” patay-malisya kong tanong. “si junior…” sagot ni Adam sabay nguso sa kanyang alaga na nang oras na iyon ay bakat na bakat sa suot nyang pantalon. “kiss ka dyan… ang libog mo talaga..” natatawa kong sagot.
Nang huminto ang kotse sa tapat ng opisina ay agad na humalik si Adam sa akin. “Bye hon.. sunduin kita mamaya dito. Just text me kapag nakapag-out ka na, okay?” wika ni Adam. “Okay.. sige.. I’ll text you later.. ingat ka sa pagdrive, madulas ang daan” paalam ko sa kanya. Hanggang makapasok ako sa opisina ay hindi pa rin maialis sa aking labi ang ngiti. I am really inspired and happy and “Inlove”. Yes., I think I’m already inlove of Adam. Sa palagay ko ay mahal ko na talaga sya.
Habang nagtatrabaho ay para akong lumulutang sa kaligayahan. Lahat ng masalubong ko ay binabati ko, kahit ang guard at utilityman na noon ay hindi ko naman binabati ay binati ko na rin. Hindi na ako makapaghintay na muli kaming magkita ni Adam.
Lunch time, I got a call from the receptionist sa office. May nag-iwan daw ng package for me. Hindi naman daw ito nagpakilala at basta ipinabibigay lang daw ang package. Naisip ko na baka si Adam lang iyon at may surprise gift nanaman sa akin. Excited akong pumunta sa lobby para kunin ang package. Pagkaclaim ng package ay dali-dali akong bumalik sa table upang buksan ito.
Wala man lang sulat ang labas ng maliit na kahon to signify kung sino ang nagpadala nito. When I opened it, isang familiar na bagay ang aking nakita. Isang box na kulay pula at sa loob nito ay may kwintas na may heart shaped pendant na may naka ukit na initials na R&E. I was shocked to see that necklace again. Ang kwintas na iyon ay regalo ni Ethan sa akin on my birthday before he left. Ibinalik ko yun sa kanya when he told me na aalis na sila to migrate sa State.
I told myself “Ano ba talaga ang ipinahihiwatig ni Ethan? Ano ba talaga ang gusto nyang mangyari? Gusto ba talaga nya na makipagbalikan sa akin?”. Chineck ko muli ang kahon kung ano pa ang laman nito. May isang maliit na papel with a hand written note:
“Richard, I’ll wait for you at our meeting place tonight. Please be there - Ethan”
Ilang minuto akong napaisip. Dapat ba akong makipagkita? Well, for the sake of “closure”, I think I should go. My only concern is kung sasabahin ko ba ito kay Adam. Baka hindi ito pumayag, pero kung hindi ko naman sasabihin ay malaman nya, baka magtampo ulit ito sa akin. Hay! Bahala na. I’ll just cross the bridge when I get there.
Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon ay nagtext na ako kay Adam: “Adam, I’ll be out in 30 minutes. Will see you later”. Nagreply naman si Adam “Okay Chad.. I’ll be there by 5:00pm. See you later ;)”
Eksaktong 5:00pm ay dumating si Adam sa tapat ng aming opisina. Agad naman akong sumakay. “Hi Honey!” masayang bati ni Adam sabay halik sa aking pisngi. “I bought you something to eat, kunin mo na lang dyan sa likod” wika ni Adam. Paglingon ko sa back seat ay may dalawang paper bag ng burger, fries at softdrinks na nakapatong sa upuan. “Nag-abala ka pa, eh malapit na ang dinner” wika ko. “Ayaw ko kasi magugutom ang honey ko eh..” sagot ni Adam sabay hawak sa aking baba. “hindi nga ako magugutom, tataba naman ako” pabiro kong sagot.
Habang nasa byahe, I was contemplating kung paano ko sasabihinkay Adam na gusto makipagkita sa akin ni Ethan ngayong gabi. Iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag ito sa kanya nang hindi sya magseselos or mag iisip ng hindi maganda. Hindi ako makahanap ng tyempo dahil ang saya-saya ng mood nya at baka masira lang kung sasabihin ko ito sa kanya. Pero I think I really should tell him about it.
Maya-maya ay bigla namang nagring ang cellphone ni Adam. Agad nya itong hinugot mula sa kanyang bulsa at sinagot. Seryoso ang boses ni Adam habang kinakausap ang tumawag sa kanya.
“Hello Tita. Good evening po.” (lady on the other line talks)
“I’m sorry Tita kung hindi po nasagot yung text message nyo kanina, I’m just really busy.”
“Of course, hindi ko naman po nakakalimutan iyon.”
“Yes, Tita, I’ll definitely be there on Saturday.”
“Yes, po. Salamat po sa pagtawag. Kamusta na lang din po kay Tito Nick”
“Okay, bye po.”
Matapos ang tawag ay tila naging seryoso ang itsura ni Adam. Hindi rin ito umiimik. “Hey Adam, if you don’t mind…. sino yung tumawag?” pag-uusisa ko. Natahimik si Adam ng ilang segundo bago ito sumagot “Ah.. wala yun.. kapatid ng Mommy ko. Birthday kasi ng pinsan ko on Saturday, iniinvite lang ako” sagot niya. “Ahhh.. ganon ba? if you like I can come with you, kung okay lang sa’yo” sagot ko sa kanya. “ahhh.. huwag na lang.. saglit lang naman ako dun..” maikli nyang sagot. Medyo nagtataka ako dahil unlike the previous instance na gustong gusto nya na isama ako sa family affairs nya ay ayaw naman nya akong isama ngayon. I know na nagdahilan lang sya kung bakit ayaw nya akong isama.
“Saglit lang Chad, magpapagasolina muna tayo” wika ni Adam sabay liko sa isang gasoline station. Kapansin-pansin pa rin na tahimik si Adam at tila malalim ang iniisip. “Full tank” wika ni Adam sa gasoline boy. Binunot ni Adam ang kanyang wallet mula sa likod na bulsa ng pantalon nya. Pagbukas nito ay nagulat ako nang makita ko na nakalagay pa rin sa wallet ang litrato nilang dalawa ni Niko na magkaakbay. Hindi ako maaring magkamali dahil alam na alam ko ang suot nyang damit sa litratong iyon.Hindi ako nagpahalata na nakita ko ang litrato sa wallet nya. Patay malisya rin syang tumingin sa aking upang icheck kung nakatingin ako habang kumukuha sya ng pera sa wallet. Pagkakuha ng pera ay agad na ibinalik ni Adam ang wallet sa kanyang bulsa.
Nang makita kong muli ang litrato na iyon ay tila may mabigat na bagay na muling dumagan sa aking dibdib. Napaisip ako “What does that mean? All along I thought he’s already trying to move on and forget Niko. Inalis na nga nya ang mga litrato nito sa kwarto nya di ba? Pero bakit hindi pa rin nya naalis ang litrato sa kanyang wallet? Nakalimutan lang kaya nya ito na tanggalin? Or baka naman hindi pa nya talaga kayang kalimutan si Niko.
Dahil sa insidenteng ay muling nagkaroon ng ng doubt sa aking isipan. Tunay na ba talaga ang nararamdaman ni Adam towards me. And the same way, napaisip ako kung ready na rin ba ako na maging kami. At isa pang nagpapagulo ng aking isipan ay si Ethan na pilit namang pumapasok sa eksena.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming bahay ay parang nag-iba na ang mood ni Adam. Compared sa mood nya this morning na napakasaya, ay tila medyo malungkot na ito mula ng matanggap ang tawag mula isang babae kanina. Inisip ko na hindi ko na lang din ipinaalam pa sa kanya ang pagkikita namin ni Ethan.
“Adam, okay ka lang ba? Kanina lang ang saya-saya mo, tapos ngayon parang lumungkot ka. May problema ba?”pag uusisa ko sa kanya. “Ahh.. wala naman.. don’t worry, siguro napagod lang ako sa work kanina” sagot nya sabay ngiti sa akin. “Okay.. sige, itetext na lang kita later. Ingat ka” paalam ko sabay halik sa kanyang pisngi. “Bye hon” maiikli nyang sagot. Pagkababa ko ng kotse ay agad na umalis na rin si Adam.
Alas-syete na ng gabi ng makarating ako sa bahay. Isang oras na ang lumipas sa takdang oras ng pagkikita namin ni Ethan. Nagpalit na lang ako ng damit at agad ding umalis upang tumungo sa “meeting place” namin. Ang lugar na iyon ay ang isang maliit na coffee shop sa loob ng subdivision namin. Walking distance lang ito mula sa aming bahay.
Nang makarating ako sa coffee shop ay agad na bumati si Bill, ang may-ari ng shop na sya ring nagsisilbing barista. Suki na kami ni Ethan sa shop na iyon dahil halos araw-araw kaming tumatambay doon noon. Pero bihira na akong magpunta doon buhat ng umalis si Ethan. “Uy Richard! Kamusta na? long time no see ah. Ngayon ka lang ulit naligaw dito sa coffee shop ko” wika ni Bill. “Oo nga, medyo busy lang sa trabaho” sagot ko sa kanya. “Ganun ba? Kanina pa naghihintay si Ethan sa’yo sa taas. Kababalik lang pala nya galing States” sabi ni Bill. “Ah, oo may inaayos lang sya. sige Bill puntahan ko na si Ethan” wika ko.
Pag-akyat ko sa second floor ng shop ay agad kong nakita si Ethan. Kapansin pansin na walang ibang tao sa second floor kung hindi sya. Nakaupo sya sa couch kung saan madalas kami nakaupo noon. Nakangiti sya habang papalapit ako. Nakasuot si Ethan ng blue na jacket over a yellow v-neck shirt at maong pants. “Akala ko hindi mo na ako sisiputin. Thank you for coming” bungad ni Ethan. “Ah, nakaorder ka na ba ng coffee mo? tanong ni Ethan. “Hindi, okay lang. Later na lang siguro” sagot ko naman. Napansin ko na nakadalawang order ng coffee si Ethan dahil sa paghihintay sa akin.
“Chad, I really appreciate na pumunta ka dito ngayon. What I really wanted is to explain to you everything, as in everything that happened before and after we left for the States” wika ni Adam. Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagsasalita sya. I told myself that I’ll give him all the time to talk and I will listen to him attentively and try to understand whatever he has to say.
“Chad, do you still remember the night that I told you about my Dad’s decision na mag-migrate na kami sa US?” tanong ni Ethan. Tumango naman ako sa kanya. “Chad, actually may mas malalim na dahilan kung bakit nagdesisyon si Dad na magmigrate kami. I’m only telling this to you just now, at walang ibang nakaalam nito, not even your Mom na bestfriend ng Mommy ko, knows about this.” paglalahad ni Ethan. Seryoso si Ethan habang nagsasalaysay.
“Sinabi ng Mom ko noon na may conference syang aatendan sa Singapore. Naghinala yung Daddy ko after na malaman nya sa officemate ni Mom na wala naman talagang conference ang Company nila , Kaya nagdecide si Dad na sumunod sya sa Singapore. Then nahuli nga ng Daddy ko si Mommy na may kasamang ibang lalaki sa isang hotel doon. Simply put, my Mom had an affair with another guy” paglalahad ni Ethan.
I was really shocked nang marinig ang mga ikinwento na iyon ni Ethan. I cannot imagine na magagawa iyon ni Tita Margaret kay Tito John. She is just very sweet, maalaga at hindi mo pagiisipan na magagawa nya ang bagay na iyon. Although I know naman si Tito John na very strict at napaka dominante.
Nagpatuloy sa pagki-kwento si Ethan. “I know na mali ang ginawa ni Mom but I am not blaming my Mom for doing that. As you very well know, very abusive talaga si Daddy, sinasaktan nya si Mom, at alam ko na nahanap ni Mom ang pagkalinga at pagmamahal sa iba. But of course, my Dad will not just take that sitting down. Hindi nya palalampasin ang ginawang iyon ni Mom. He threatened my Mom at yung guy na idedemanda sila ng adultery. At syempre natakot doon si Mom at yung guy especially na may iniingatang reputation yung guy being a top executive sa isang Company. Pinakiusapan ni Mom si Dad na huwag nang ituloy ang pagdedemanda. Ang naging condition ni Dad para hindi na sya magdemanda ay ang magmigrate na kaming buong pamilya sa US.”
Habang naglalahad si Ethan ay maluha-luha ito. Ang kwento na iyon ni Ethan gave me a very different perspective on what really happened.
“Ethan… I’m sorry to hear about that… pero bakit ngayon mo lang sinabi ito sa akin?” tanong ko kay Ethan. “Chad, I know that I should’ve told you this noon pa. Pero… natakot din ako sa sitwasyon namin noon. I feared for my mom, for our family. Magulo talaga ang isip ko ng panahon na iyon. At isa pa, si Mom na mismo ang nakiusap sa akin na huwag ko ipaaalam kahit kanino dahil tiyak na malaking eskandalo yun kapag nagkataon” muling pagpapaliwanag ni Ethan.
“Pero Ethan, kilala mo naman ako, lahat nag sikreto mo walang nakaalam” wika ko. “Yes, I know that very well Chad, pero as I said napakagulo ng isip ko ng oras na iyon. I do not want na masira yung family namin, ayoko din na magkahiwalay ang parents ko” sagot ni Ethan.
“Pero Ethan, this is the question na matagal ko nang hinahanapan ng sagot…” wika ko in a broken voice. “Ethan, bakit hindi ka na nakipagcommunicate sa akin after you left. Not even a single call or e-mail, or kahit isang text message. Why?” tanong ko sa kanya. Tumingin si Ethan sa akin ng mata sa mata, hinawakan nya ang dalawa kong kamay.
“Chad, as I told you, the hardest decision I ever made in my life was to leave you. In my heart, hindi ko talaga gusto na umalis. Galit na galit ako sa Daddy ko dahil sa desisyon nyang iyon pero on the other hand, I do not want our family to crumble. I thought na iyon na rin ang best way para maisalba pa ang family namin” wika ni Ethan. Nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Nangingilid rin ang luha sa aking mga mata.
“Chad, paglapag na paglapag pa lang namin sa States, my Dad gave us an ultimatum na we should never ever communicate with anyone in the Philippines. Not even our relatives, not even our grandparents. Tanging si Dad lang ang pwede makipagcommunicate sa kanila. He wanted us to start a brand new life there. Sobra ang pagtutol ko sa desisyon nyang iyon. It’s really crazy. Pero natakot ako dahil pinagbantaan nya kami that once malaman nya na nakipagcommunicate kami to anyone in the Philippines, he will not think twice at iiskandaluhin nya yung naging lover ni Mom at itutuloy nya ang pagdedemanda sa kanila. And knowing my Dad and his connections, kaya nya talagang gawin yun. Of course, I do not want that to happen. “ paglalahad ni Ethan.
Lumapit pa lalo si Ethan sa aking tabi. Patuloy pa rin ang pagluha niya. Ako rin ay naluha na ng oras na iyon. “Chad, sobrang hirap talaga ng ginawang desisyon na iyon ni Dad. I told him that it’s impossible and insane. Pero bingi na si Dad sa mga petitions ko. Kung ano ang desisyon nya yun ang masusunod. Chad, God knows how I wanted to call you or e-mail or text you, pero dahil sa takot na malaman ni Dad, hindi ko magawa. I do not want to put our lives in jeopardy.”
Habang nagsasalaysay si Ethan sa akin ay unti-unting nabubura sa king puso ang bawat sakit na idinulot ng paglisan nya noon. Ngayon ay mas nauunawan ko na ang dahilan kung bakit nagawa ni Ethan ang iwan ako. I felt the pain na pinagdaanan ni Ethan sa kamay ng Daddy nya who basically controlled their life like a dictator. Sa loob loob ko, totoo pala na pwedeng mangyari sa buhay ng isang tao ang ganitong mga bagay.
“Chad, lahat na ng possibleng paraan ay inisip ko kung paano ako makikipagcommunicate sa’yo, pero nanaig pa rin ang takot sa aking puso. The only thing na naisip kong gawin is to write letters to you kahit alam ko na hindi ko naman ito masesend sa’yo” wika ni Ethan habang inaabot ang isang malaking kahon. Nang buksan ko ang kahon ay tumambad ang napakaraming envelope. Nagulat ko sa sobrang dami nito na sa pakiwari ko ay daan-daan ang bilang.
“Chad, these are my letters to you. As you know me very well, “emo” ako, kaya halos every other day ay sumusulat ako sa’yo kahit alam ko na hindi mo naman mababasa. It is also my way para ilabas ang lahat ng mga nararamdaman ko, kapag masaya ako or kapag malungkot ako” salaysay ni Ethan. Tumutulo ang aking luha habang tinitingnan ang mga sulat na iyon. I realized na hindi kailanman ako nakalimutan ni Ethan.
“Chad, I am really very sorry. Hindi kita nagawang ipaglaban. Pero as I said, walang nagbago sa aking nararamdaman towards you. Hindi ka nawala sa isipan ko. I still love you very much” wika ni Ethan.
“No Ethan, you do not have to be sorry. Now I perfectly understand why you had to do that. Naiintindihan ko na ang lahat”. Pagkabigkas ko nito ay niyakap ko si Ethan ng mahigpit. Damang dama ko sa pagyakap ni Ethan ang sakit at ang hirap na pinagdaanan nya sa loob ng limang taon. Pareho kaming humagugol ni Ethan sa pag-iyak. “Chad, thank you. Thank you for understanding” wika ni Ethan.
Halos sampung minuto ata kami na magkayap ni Ethan. At sa sampung minuto na iyon ay parang nabura na ng tuluyan ang sama ng loob at mga hinanakit ko sa kanya. I know in myself that I have forgiven him.
“Chad, I’m really happy na nagkaayos na tayo ngayon. Actually, more than sa papers na pinaayos sa akin ni Mommy, ikaw talaga ang dahilan ng pagbalik ko dito sa Pilipinas after na mawala na si Dad. Sa totoo lang, as soon as mailibing namin si Dad noon, I immediately wanted to call you pero may apprehensions pa ako dahil alam ko nga na masama yung loob mo sa akin. Kaya ang Mommy mo na lang muna yung tinawagan ko” paglalahad ni Ethan habang pinapahid ang luha sa mata at pisngi.
“So, alam na pala ng Mommy ko na darating ka?” tanong ko kay Ethan. “Yes, a week before I arrived, alam na ng Mom mo pero I told her not to tell you dahil baka hindi ka pumayag na doon ako tumira sa inyo” sagot naman ni Ethan.
Maya-maya pa ay muling hinawakan ni Ethan ang aking kamay. Muli syang tumingin sa aking mga mata. “Chad, now that we are okay, I mean, now that you have forgiven me.. do you think we can be together again?” Nang tanungin ako ni Ethan ay iisa lamang ang pumasok sa aking isipan… si ADAM!
Ilang minuto akong natahimik at napaisip. Ano ang isasagot ko kay Ethan? How will this affect my relationship with Adam. Lalo atang gumulo ang sitwasyon ngayon.
“ahhh.. Ethan.. kasi.. ano….” pautal-utal kong sagot. “Yes, I know .. si Adam” sagot ni Ethan. Saglit akong natahimik. “Ano kasi Ethan.. I will be honest with you… Adam and I are dating. And I must tell you now that I think nagkakamabutihan na kami, but as I said hindi pa naman kami.. kaya….” salaysay ko kay Ethan. Mabilis na sumagot si Ethan “kaya may pag-asa pa ako?” patanong na bigkas ni Ethan. Hindi ako nakaimik sa sinabing iyon ni Ethan.
“Chad, naiintindihan ko naman na marami na ang nagbago after five years, I’m sure marami ka na ring nakilalang iba, ganoon din ako. Pero as I said, ikaw pa rin talaga ang laman ng puso ko. Walang nagbago.” seryosong pagalalahad ni Ethan. “Chad, ang hihilingin ko lang sa’yo is for your to give me one more chance. And I’ll prove to you that I deserve your love” dagdag pa ni Ethan.
Hindi ako muli nakaimik sa tinurang iyon ni Ethan. Naiisip ko pa rin si Adam. Paano ko sasabihin kay Adam na gusto muling manligaw ni Ethan sa akin. I suppose he is thinking na sya na talaga ang pipiliin ko dahil I told him na wala na akong nararamdaman pa kay Ethan.
“Ethan, ganito na lang.. huwag muna nating madaliin ang mga pangyayari. Let’s think this through. What’s important is I have forgiven you ay nagkaayos na tayo. Yung tungkol sa atin, maybe we can talk about it some other time. I also have to contemplate on this.” sagot ko kay Ethan. “I understand Chad hindi ako magmamadali” maikling sagot ni Ethan.
Matapos ang higit isang oras naming pag-uusap ni Ethan ay niyaya ko na syang umuwi. Malakas na pala ang ulan ng oras na iyon. Wala palang dalang payong si Ethan kung kaya’t nagshare na lang kami sa payong na dala ko. “Chad, ako na ang maghahawak ng payong, umakbay ka na lang sa akin para hindi ka mabasa” wika ni Ethan na sya ko namang ginawa.
Habang naglalakad ay dikit na dikit ang aming katawan sa isa’t isa. Amoy na amoy ko ang napakabangong perfume ni Ethan at nararamdaman ko ang hininga nya sa aking mukha. Hindi ko rin maiwasan ang tumingin sa kanyang mukha habang naglalakad kami.
Dahil nga iisa ang dala namin payong ay basang-basa kami ng makarating sa bahay. Agad kaming dumeretso sa banyo upang hubarin ang basang damit. “Holy Shit” napamura ako sa aking isipan ng walang kaabog-abog na naghubad ng suot na damit at pantalon si Ethan sa aking harapan. Tanging ang puting brief lamang ang naiwan. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa napakagandang katawan ni Ethan na ngayon ko lang napagmasadan ng malapitan.
“Oh.. Chad, hubarin mo na rin yang damit at pantalon mo, baka magkasakit ka pa” wika ni Ethan. Hinawakan ni Ethan ang laylayan ng aking suot na t-shirt at akmang huhubarin ito. “Saglit Ethan..ako na.” mabilis kong wika. “Oh.. wag ka na mahiya sa akin” natatawang wika ni Ethan. Mabilis kong hinuban ng suot kong t-shirt at pantalon at nagsuot ng bath robe. Nauna na rin akong lumabas ng banyo dahil baka mapansin ni Ethan na medyo tumigas ang alaga ko ng makita ang kanyang katawan. Agad na akong tumungo sa kawrto upang magbihis. Ilang minuto pa ay sumunod na rin si Ethan.
Humiga na ko sa kama at nagkumot dahil sa napakalamig na panahon. Maya-maya ay sumunod na rin na humiga sa kama si Ethan. “Chad, salamat ulit ha! I’m happy na nagkaayos na tayo” wika ni Ethan. “Masaya din naman ko na okay na tayo, sige na, matutulog na ako, maaga pa ang pasok ko bukas” wika ko. “Okay good night Chad, sweet dreams” sabi ni Ethan. Agad na rin itong nakatulog marahil sa pagkapagod. Samantalang ako ay hindi naman makatulog dahil sa pag-iisip sa mga naganap sa araw na ito.
What happened today will really change the game. I mean, kung noong una ay mukhang sure na ako na si Adam na ang para sa akin at tila kontrabida lang si Ethan, ngayon na nagkaayos na kami ni Ethan, ay parang naging equal na ang playing field. Patas na ang laban. And tanong lang ay kung sino ang mas matimbang sa aking puso? Si Ethan ba na mas matagal ko nang kilala at minahal ko talaga ng totoo, or si Adam ba na kahit saglit ko pa lamang nakikilala ay may espesyal na pitak sa aking puso. Ano ang aking gagawin? Sino ang aking pipiliin?
TO BE CONTINUED…
CLick the Button Next Below to COntinue...
0 comments:
Post a Comment