Pagbaling ko sa kabilang side ng kama ay napansin ko na tulog na tulog pa si Ethan. Para itong sanggol na himbing na himbing sa pagtulog. Naupo ako sa kama at pinagmasdan sya habang natutulog. Habang minamasdan sya ay muli kong naalala ang kanyang mga ikinuwento nya kagabi. I still feel sorry for what had happened to him and his family. I also felt na parang nahusgahan ko agad sya noon kahit hindi ko pa alam ang buong story why he had to leave.
After a while, naalala ang kahon ng mga sulat na ibinigay nya sa akin kagabi. Agad ko itong hinanap sa kwarto. Nakita ko ito na nakalapag sa sahig ng kwarto malapit sa closet. Bumaba ako sa kama upang kunin ito. Nang buksan ko ang kahon ay muli kong narealize how thoughtful he is all along. Nagkamali ako nang isipin ko na kinalimutan na nya ako after he left for the States. I randomly picked an envelope sa kahon. When I opened it, it was a letter dated October 12, 2009. The letter reads:
Dear Richard,
Today is a very sad day. I’m all alone here in our house. I do not have classes today and my mom and siblings left to visit my dad in the hospital in Chicago. I’m not in the mood to go out. All I really want is to see your face, to hear your voice. I really hope I could do that but I cannot.
Maybe I’ll just spend the day thinking about you. I’ll think about our happiest memories together. Think about your smile, the sound of your laughter. Think about how you make me smile whenever I’m sad. Richard, I truly miss you very much. I just hope that I could see you very soon. Mahal na mahal pa rin kita.
I’ll see you in my dream tonight.
Loving you very much,
Ethan
After reading that letter, para akong nanlamig. I cannot imagine that I’m reading Ethan’s letter to me three years ago. I realized na noong mga panahong iyon ay isinusumpa ko na sya. I feel guilty for what I felt for him in the past five years. I don’t think he deserved all the bad words and curses na binitiwan ko sa kanya, because all along pala he still loves me very much. Halos maluha ako sa sulat na iyon.
Maya-maya ay biglang gumalaw si Ethan. Tila nagising na ito kung kaya dali-dali kong ibinalik ang sulat na hawak ko sa kahon at itinago ang kahon sa ilalim ng kama. Nagtungo ako sa closet upang ihanda ang aking isusuot nag araw na iyon. Maya-maya napansin ko na bumangon si Ethan at agad itong bumati sa akin “good morning Chad…”. “good morning din Ethan..” sagot ko. Tila medyo nagkailangan kaming dalawa ni Ethan. Hindi kami makatingin sa mata ng isa’t isa. Marahil dahil ito sa mga nangyari ng gabing iyon. Minabuti ko na lang lumabas ng kwarto at magtungo sa banyo upang maligo
Matapos maligo at makapagbihis ay bumaba na ako upang mag-almusal. Naroon na rin si Ethan na ipinagtimpla muli ako ng aking paboritong blend ng coffee. Pagkaupo ay agad na nag-open ng conversation si Ethan. “So Chad.. what will you do pala sa Saturday?” tanong ni Ethan. “Ahh.. wala naman.. dito lang siguro ako sa bahay. Bakit mo naman naitanong?” pabalik kong tanong sa kanya. “Ahh.. naisip ko kasi na mamasyal sa Mall of Asia, hindi pa kasi ako nakapunta doon.. ehh.. gusto sana kitang yayain.. yun ay kung okay lang naman sa’yo” sagot ni Ethan.
Napaisip ako dahil baka magyaya naman itong si Adam on that day, but then again, I remember Adam told me yesterday na may aatendan sya na birthday party at ayaw naman nya akong isama, kaya I think okay lang na sumama ako kay Ethan. “Ahh.. sige.. okay ako on Saturday” sagot ko kay Ethan. “Great!” maikli niyang sagot. Maya-maya ay may tumatawag sa cellphone ko, si Adam. Agad ko itong sinagot.
“Hello Chad, pasensya na, hindi na kita naitext last night. I had to go sa car repair shop dahil may kailangan daw na bilhin na piyesa. Medyo natagalan na ako doon, paguwi ko nakatulog na agad ako…” paglalahad ni Adam. “Ahhh,, ganun ba..hindi okay lang yun.. I understand” sagot ko naman. “So nakapag -breakfast ka na ba? I’m now on my way to your house” wika ni Adam. “to our house???” tanong ko sa kanya. “Yes, dyan na kita susunduin sa house nyo. I’ll bring my mom’s car again. Wait for me ha, I’ll be there in a few!” wika nya. “Ahhh.. eehh.. wait” hindi ko na natapos ang sasabihin ko at pinutol na ni Adam ang tawag nya.
Mukhang seryoso si Adam na sunduin ako sa bahay namin. Kaya lang, kinabahan na naman ako dahil muling magkikita sina Adam at Ethan. Baka kung ano nanaman ang mangyari. But on the other hand, I think this is also the right time to introduce Adam to my Mom.
Ilang minuto ang lumipas ay may nagdoorbell. Alam ko na si Adam na iyon kaya dali-dali akong nagtungo sa gate upang papasukin sya. “Hey.. Adam!” bati ko. “Good morning Hon!” bati ni Adam sabay akmang hahalik sa aking pisngi na iniwasan ko naman. “Ohh.. huwag na dito baka may makakita..” pabulong kong katwiran. “Bakit naman?” tanong ni Adam. “Basta.. halika ka na nga, ipapakilala na kita kay Mommy” sabi ko sa kanya. Agad ko namang pinatuloy si Adam sa aming humble home.
Pagpasok na pagpasok ni Adam ay agad itong bumati sa aking Mommy “Good morning po Tita.” magalang nyang pagbati sabay abot ng kamay. “Good morning naman Hijo” sagot ni Mom then she shook Adam’s hand. “Ahh.. Ma.. siya po si Adam, yung sinasabi ko po na kaibigan ko… Adam, this is my mom Cathy” pagpapakilala ko. “ahhh, so ikaw pala si Adam…” wika ni Mom. Napansin ko na tumingin si Mom kay Ethan na tila may ibang pakahulugan. “Tuloy ka hijo.. at maupo ka na, sabayan mo na kami sa pag-aalmusal” wika ni Mom.
Malugod namang pinaunlakan ni Adam ang paanyaya ni Mommy. Umupo ito sa tabi ko. Nasa tapat naman namin nakaupo si Ethan. “good morning Bro!” bati ni Ethan. “good morning” maikling sagot ni Adam kay Ethan. Naramdaman ko na may kaunting friction between the two of them. “Oh.. magkakilala na kayo nitong si Ethan?” tanong ni Mommy kay Adam. Mabilis namang sumabad si Ethan. “Yes Mommy, nagkasabay na kami sa bus nung sinamahan ako ni Chad sa office ni Daddy”.
Medyo naging awkward ang “feel” sa bahay namin. Bukod sa nagkita muli sina Adam at Ethan, ay nandoon pa ang Mommy ko. Weird talaga ang feeling.
Dahil sa may pagkamadaldal ang Mom, ay nagsimula itong magkwento kay Adam “Alam mo ba Adam, itong si Chad at Ethan… magkababata yan, halos sabay na silang lumaki. Halos araw-araw magkasama, ayaw maghiwalay. Kulang na nga lang dito na tumira itong si Ethan sa amin.” Habang nagku-kwento si Mommy ay matamang nakatingin at nakikinig si Adam. Ako naman ay kinakabahan sa kung ano pa ang ikukwento ni Mom. As I said ay may pagkamadaldal kasi talaga ang Mommy ko. “At alam mo ba Adam.. noong naging sila na.. ay naku.. lalo nang hindi mo mapaghiwalay, araw at gabi magkasama” dagdag ni Mommy.
Nang bigkasin ni Mom ang katagang iyon ay kapansin pansin ang pagka- “uneasy” ni Adam. Ngumingiti ito pero halatang hindi na ito komportable. Kung kaya’t pinutol ko ang pagku-kwento ni Mommy at iniba ang topic. “ahhh… Ma.. naalala ko pala, nakuha nyo na po ba yung package na pinadala ni Kuya doon sa isa nyang katrabaho na umuwi from UK?” tanong ko. “Ahh… oo sinamahan nga ako nitong si Ethan noong kunin ko. May pinadala pala na t-shirt sa’yo, kunin mo na lang sa kwarto ko mamaya.” sagot ni Mommy.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na ako na aalis na kami ni Adam “Ma.. mauuna na kami ni Adam.. baka ma-traffic na po kasi kami”. “Okay, sige mag-ingat kayo. Ah.. teka Adam.. ihahatid mo ba ulit si Chad pauwi mamaya?” tanong ni Mommy. Mabilis namang sumagot si Adam.. “Ahh.. yes po Tita.. bakit nyo po naitanong?” “Dito ka na rin magdinner. Magluluto ako ng specialty ko” wika ni Mommy. Saglit na natahimik si Adam at panandaliang nag-isip. “Oh.. huwag mo akong tatanggihan hijo… at baka hindi na kita pabalikin dito” pabirong wika ni Mommy. “Naku Tita, of course I’ll be here..” nakangiting sagot naman ni Adam sabay hagod sa likod ni Mom. Matapos ang paalamanan ay tumuloy na kami ni Adam.
Masaya ako dahil maganda ang naging first meeting ni Mommy at ni Adam. Mukhang magkakasundo naman sila, I hope. Ayos din at hindi nagkaroon ng anumang tensyon sa pagitan ni Adam at Ethan. Mukhang itinigil na ni Ethan ang pang-aasar sa aming dalawa ni Adam.
Habang nasa byahe ay napansin ko na medyo tahimik pa rin itong si Adam at tila may iniisip. “Hey.. why are you so quiet.. may problem po ba? kahapon ka pa ata tahimik ah..?” tanong ko kay Adam sabay hawak sa hita nito? “ahh.. wala naman Chad.. I just realized…” sagot ni Adam.. “ realized what?” pabalik kong tanong. ”I realized kung gaano ka ka-close kay Ethan. And also your mom is super close sa kanya” wika ni Adam sa seryosong tono.
Honestly, I do not how to answer Adam sa sinabi nyang iyon dahil actually that’s the reality – naging very close talaga ang family namin kay Ethan and he really became part of our family. “Ahh.. well.. that’s true, he became very close sa amin.. basically because best friends ang mga nanay namin..” sagot ko kay Adam. “Pero alam mo Chad.. iba eh… I felt na may ibang connection na sila.. hmm.. I just can’t explain.. basta…” sagot ni Adam.
Tumingin ako kay Adam ay hinawakan ang kanyang kamay “Alam mo Adam… it does not matter kung close si Ethan sa Mom ko… what’s important is for you to be able to build a good relationship with her as well.. at saka.. gaya ni Tita Amor, mabait at understanding din yung nanay kong iyon.. hindi yun mahirap pakisamahan.. kaya lang medyo madaldal at minsan tactless yun..” wika ko sa kanya sabay tawa. I think na assure ko naman si Adam at napangiti na ito matapos marinig ang mga sinabi ko. Humalik din ito sa aking pisngi. Naghiwalay kami that morning with peace in our hearts.
The whole day went by as usual. I sometimes feel nga na routine na ang ginagawa ko sa office araw-araw. Pero everytime I feel bored, I just think of the happy memories that Adam and I have shared so far at ginaganahan na ulit ako na magtrabaho. Kaya lang at the back of my mind ay naaalala ko rin Ethan. Of course, mas matagal naman ang pinagsamahan namin ni Ethan at obviously mas marami kaming masasayang memories together. This has become my struggle now.
If I will do a “heart-check” now, I think lamang pa rin naman si Adam because he is someone that really makes me happy. Everytime na makikita at makakasama ko sya, I feel a high-level of joy in my heart. At nararamdaman ko rin that he really cares for me at I think totoo naman that he loves me. The only thing na medyo hindi pa ako certain about him is his “past”. I think even if he is trying to move on from his past with Niko, ay hindi ito nagiging madali sa kanya. But so far so good ang relationship namin.
On the other side, kay Ethan naman, kung noong una ay zero na talaga ang nararamdaman ko dahil sa mga hindi magandang nangyari sa amin noon, after na magpaliwanag sya yesterday about what really happened before and after he left me, I think unti-unting nagkakaroon ng puwang muli sa puso ko si Ethan. And I must say, nakakatulong dito ang pagpapa-alala nya sa mga magagandang memories namin noon when we are still together. Through the photos, the songs, the letters, I think slowly he is trying to win back my heart.
Well, I think we just have to wait and see kung ano ang maaring mangyari in the coming days. Kahit ako, Im still not certain sa nararamdaman ko towards the both of them.
The clock struck five in the afternoon. I immediately shut down my computer and rushed to the lobby para hintayin ang pagdating ni Adam. After a few minutes ay nagtext na ito na nasa labas na ito ng building. Pagkakita ko sa kotse nya ay agad na akong sumakay. Pagkaupong-pagkaupo ko ay humalik agad si Adam sa aking cheek.“Hi Hon.. how’s work?” tanong ni Adam. “Okay naman.. just the same” sagot ko.
Kapansin-pansin na nag-iba ang suot ni Adam at nakaporma ito. He is wearing a black long sleeves polo na naka-unbutton yung dalawang butones sa itaas, at maong pants na hapit sa kanya. He is also wearing a black Ray-ban shades at naka wax ang buhok nito. He literally looks like a celebrity.
“Ohh… pormang porma ka ata.. sa bahay lang naman tayo pupunta ah.. “ tanong ko sa kanya. “Bakit? hindi mo ba nagustuhan? Binili ko pa naman ito sa mall kanina.” sagot niya. “hindi naman sa hindi ko gusto.. actually gwapong gwapo ka nga eh.. kaya lang.. hindi mo nanaman kailangan pumorma pa” sagot ko sabay pisil sa pisngi nya.. “hmmm.. mahirap na… (pauses for a while) nandoon ang karibal ko eh..” pabulong na wika ni Adam na siya namang nagpangiti sa akin. Well, in a sense, totoo ang sinabi nya.
“Oo nga pala Chad, I bought some flowers for your mom, do you think she will like it?” tanong ni Adam sabay turo sa isang bouquet of assorted flowers na nakapatong sa back seat ng kotse. Mukhang mamahalin ito at napaka-elegante. “Oh.. she will definitely love it.. paano mo nalaman na mahilig sya sa flowers?” balik kong tanong sa kanya. “ah.. napansin ko kasi kanina na maraming kayong paintings ng flowers na nakadisplay sa sala so I assumed na mahilig sya sa bulaklak at hindi nga ako nagkamali” sagot ni Adam.
Mag-aalas syete na ng gabi ng makarating kami sa bahay. Bago bumaba ng kotse ay tumingin muna sa salamin si Adam upang icheck ang kanyang itsura. Kinuha din nito ang kanyang perfume mula sa kanyang bag at nagspray. “Ikaw talaga.. pa-pogi ka pa dyan.. halika ka na baba na tayo!” yaya ko sa kanya.
Pagpasok sa bahay ay sinalubong kami ni Mommy. “Good evening po Tita, flowers for you” bati ni Adam sabay abot ng bouquet. Nanlaki ang mata ni Momy ng makita ang mga bulaklak. “Ohhh.. what a lovely bouquet.. salamat Adam.. I really love it…” wika ni Mommy sabay halik sa pisngi ni Adam. Abot tainga naman ang ngiti ni Adam dahil sa reaksyon ni Mommy. “ Don’t mention it Tita.. if you like I’ll send you flowers everyday” wika ni Adam. “Ikaw naman hijo, binobola mo ako…” sagot ni Mom na tila kinilig. “ si Mommy parang bata.. Naku Adam.. huwag mong sasanayin yan si Mommy at baka mawili” pabiro kong wika. “Ito namang si Chad.. nagmamagandang loob lang itong kaibigan mo..” sagot ni Mommy.
“Ohh.. maupo na muna kayo sa sala.. ihahanda ko lang yung pagkain. At hintayin na rin natin si Ethan at may bibilhin lang daw sya sa mall sandali “ wika ni Mommy. Agad naman kaming naupo ni Adam sa sofa. Habang naghihintay ay napansin ni Adam ang mga picture frames na nakapatong sa TV rack. Tumayo ito at seryoso nyang pinagmasdan ang mga litrato.
“Chad, is this your Dad?” wika ni Adam sabay turo sa aming family picture na kinunan noong nasa grade school pa lang ako. “Ahh.. yes..”sagot ko. “Eh nasaan sya ngayon? Is he out of the country?” tanong ni Adam. “Nope, he passed away when I was still 9 years old. Actualky yan na ang last family picture namin na kasama sya” sagot ko. “I’m sorry to hear that.” wika nya. “Hindi… okay lang yun.. by the way.. this one is my Kuya Reily, nasa UK sya ngayon with his family, he works a nurse… tapos ito naman si Pamela.. pinsan ko yan na lumaki sa amin.. naulila na kasi sya kaya parang inampon na namin sya.. 1st year college na sya sa UP Manila.. once a week lang sya umuuwi dito dahil nagbo-board na sya. And finally, this is my Mom” paglalahad ko kay Adam
Nakangiti lang si Adam habang pinagmamasadan ang mga litrato. Bahagya pa nga itong natawa ang makita ng college graduation picture ko. “oh.. bakit natatawa ka dyan?” tanong ko sa kanya.. “Wala.. ang cute mo kasi sa grad pic mo eh..” natatawang wika ni Adam. “Wag ka nga.. alam ko ang pangit ko dyan sa grad pic ko..” wika ko sabay takip ng kamay sa picture frame.
Lumipat naman si Adam sa kabilang side ng rack kung saan nakapatong ang mga litrato namin during our outings and trips. Nakangiti siya habang minamasdan ang mga frames pero maya-maya ay may napansin sya na litrato na tila nagpaiba ng reaksyon sa kanyang mukha. Nang tingnan ko kung aling litrato ang nakita nya, yun pala ay isa sa mga litrato namin ni Ethan. Hindi ko alam na may litrato pala kami ni Ethan na dinisplay ni Mommy.
Ang litratong iyon was taken during an outing sa beach sa Batangas. Nakapasan ako sa likod ni Ethan at nakahalik sa pisngi. I honestly do not know what to say to him and how to explain the picture. Maya-maya ay bigla nalang may nagsalita sa likuran namin. “Uyyyy… nakadisplay pa rin pala yang picture na yan Chad. Sa Calatagan yan di’ba?” malakas na pagsabad ni Ethan. Dumating na pala ito. Hindi ako nakaimik, gayon din si Adam na tila nailang nanaman. “oo.. naalala ko na.. sa Calatagan nga yan.. di ba yan yung muntik ka nang malunod.. buti na nga lang nakita kita kung hindi baka…” paglalahad ni Ethan.
“Ahh.. ang talas naman ng memory mo Ethan.. hindi ko na kasi naaalala yan eh..” pagpapalusot ko na lang kay Ethan. Minabuti ko na putulin na usapan dahil napansin ko na hindi na komportable si Adam. Ayaw ko na mailang sya habang naroon sya sa bahay namin. “Ohh.. punta na tayo sa dining table.. mukhang ready na ata yung dinner… halika ka na Adam” yaya ko. Sumunod naman si Adam ngunit halatang medyo nainis ito sa mga sinabing iyon ni Ethan. Si Ethan naman ay nakangiti pang nagtungo sa hapag kainan na tila binabalak nanaman asarin si Adam.
Kwardrado ang aming dining table which can seat up to 6 people. Magkatabi kami ng dalawa ni Adam, si mommy sa kabisera at si Ethan lang sa kabilang side ng table. Nakaupo sya directly sa tapat ko. “Oh.. mga hijo.. here’s my specialty dish.. spicy chicken caldereta..” wika ni Mommy sabay lapag ng isang bandehado. “WOW.. my favorite” malakas na wika ni Ethan. Si Adam naman ay halatang natakam din sa ihinaing ulam ni Mommy. “ Ohh.. sya.. kain na… “ paanyaya ni Mommy. Agad ko namang nilagyan ng kanin ang plato naming dalawa ni Adam.
Nagpresenta naman si Adam na lagyan ng ulam ang aking plato. Pinili nya ang breast part ng chicken for me. I politely said thank you. Kaya lang bigla namang sumabad itong si Ethan na pinagmamasdan pala kaming dalawa. “Naku Adam (chuckles).. ayaw nyan ni Chad ng breast.. mas gusto nya yung leg part… oh Chad ito yung legs” wika ni Ethan. Medyo kumunot ang noo ni Adam sa ginawang iyon ni Ethan. Sa loob-loob ko..”Shit.. mukhang magpapaandar na naman itong si Ethan ah..”.
“Ahhh.. thank you Ethan.. pero mas gusto ko na kasi ang breast ngayon.. mas lean kasi, as you know diet ako ngayon eh..” wika ko kay Ethan na tila napahiya dahil sa sinabi kong iyon.. “Ah ganun ba? okay..sige akin na lang itong legs..”. Napansin ko na medyo napangiti si Adam sa sinabi kong iyon. Nakita ko naman na nagkatinginan ang Mom at si Ethan. Napatuloy lang kami sa pagkain. Walang umiimik sa aming tatlo kung kaya’t nagsimula nang magkwento ang madaldal kong nanay.
“Adam hijo.. saan ka nga nakatira.. malapit lang ba ang bahay nyo dito?” tanong ni Mom. “Yes, Tita.. dyan lang po kami sa Executive Village, makalampas lang po ng hospital” magiliw namang pagsagot ni Adam. “Ahhh.. malapit nga lang.. itong si Ethan naman.. bago sila nagmigrate sa States.. dito rin yan sa subdivision namin nakatira.. ilang kanto lang ang layo dito sa amin… walking distance ba..” paglalahad naman ni Mommy.
“Eh Hijo.. saan ka naman nag-gradute ng college?” muling tanong ni Mom. “Ahh.. sa La Salle po..” mabilis na sagot ni Adam matapos lunukin ang pagkain sa bibig. “Ahh.. itong si Ethan sa New York University ito nagtapos.. doon na kasi sya nagpagpatuloy ng pag-aaral” wika ni Mom.
“Eh saan ka naman nagta-trabaho ngayon?” muling usisa ni Mommy. “Ahh.. sa isang insurance company po sa Makati.. management trainee po ako doon” nakangiting sagot ni Adam. ”Ganun ba? itong si Ethan naman.. ano yan.. yung pharma consul.. cons.. ano na ngayon anak?” pagtatanong ni Mom kay Ethan. “Phama consultant po Mommy.. kayo talaga..” sagot ni Ethan.. “Ayyunn.. pharma consultant…” wika ni Mommy..
With the line of questioning ng nanay ko, parang may nahahalata yata ako.. every time na may itatanong siya kay Adam, after sumagot ni Adam ay ibibida naman niya si Ethan.. Hmmm.. I smell something fishy.. kasabwat ba ni Ethan ang nanay ko??? I think I have do something.
“Ah… Adam.. why don’t you tell them about your family business? Hindi nyo naitatanong Mommy.. they have several businesses here and abroad…” wika ko. Nahihiyang sumagot si Adam “Ahh.. opo Tita.. my parents are into exporting po.. and they own several franchises of fast food chains..” Nabigla si Ethan at si Mommy sa tinuran ni Adam. “Naku, bigatin ka pala Adam.. hindi mo sinasabi mayaman ka pala…” wika ni Mommy.. “Naku.. hindi po ako mayaman.. yung parents ko lang po” mapagpakumbabang sagot ni Adam.
Dahil sa sinabing iyon ni Adam ay parang natahimik si Ethan at ang Mom ko. Tumingin naman ako kay Adam at ngumiti sa kanya. Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain. As expected, hindi rin tumigil sa pagku-kwento si Mommy na magiliw din namang pinakinggan ni Adam. Matapos kumain ay tumayo si Ethan at nagtungo sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong tray na may cake at coffee.
“Okay… desert time…this is your favorite Chad.. Sans Rival” wika ni Ethan. Yun pala ang binili ni Ethan sa mall when he left. Isa-isa namang isinerve ni Ethan ang platito with a slice of sans rival. Noong makarating na siya kay Adam ay bigla na lang natapon ang sans rival sa damit ni Adam. Agad naman akong kumuha ng paper towel sa kusina. Sa loob-loob ko, pakana nanaman kaya ni Ethan na tapunan ng cake si Adam?
Panay naman ang pag-so-sorry ni Ethan kay Adam “Naku Adam.. I’m really sorry.. hindi ko sinadya..” wika ni Ethan. “Ikaw naman kasi hijo.. hindi ka nag-iingat.. iyan tuloy nadumiham ang suot ni Adam” wika ni Mommy kay Ethan. “hindi po Tita.. Ethan.. okay lang…” sagot ni Adam.
Agad kong pinunasan ng basang paper towel ang damit ni Adam ngunit lalo lang itong kumalat sa bagong polo ni Adam. “Naku Adam.. magpalit ka na lang kaya ng damit.. Pahiramin na lang muna kita..” wika ko kay Adam. Pumayag naman si Adam kung kaya’t agad kaming umakyat patungo sa kwarto ko.
Nang makaakyat kami sa kwarto ko ay agad na hinubad ni Adam ang suot nyang polo. Ako naman ay naghanap sa closet ng shirt na kakasya sa kanya. Habang naghahanap ako ay naupo si Adam sa kama. “Alam mo Chad… pasalamat lang iyang si Ethan at nandoon si Tita Cathy.. kung hindi.. hmmm.. halatang halata naman na sinadaya nya yun eh..” naiinis na wika ni Adam. “Adam.. hindi naman nya siguro sinasadya yun.. pagpasensyahan mo na lang si Ethan..” wika ko.
“Eh halata naman na inaasar ako nun eh… buti na lang talaga hindi ko napipikon ngayon.. kung hindi papatulan ko na talaga sya..” pabalang na wika ni Adam..”Oh.. oh.. cool ka lang.. huwag mainit ang ulo… pumapangit ka eh..” pabiro kong wika kay Adam sabay abot ng isang t-shirt. “kasi naman eh…” wika ni Adam.. “Ohh.. tama na.. baka marinig ka pa..” wika ko sabay hawak sa mukha ni Adam.
“Sige na nga...” sagot ni Adam sabay taas ng dalawang kamay na tila ipinahihiwatig naisuot ko ang t-sirt sa kanya. “ohh.. hindi mo ba kayang isuot yang mag-isa? Para ka namang baby..” wika ko.. “Sige na Hon.. ikaw na magsuot sa akin..” palambing na wika ni Adam. “Okay..” sagot ko sabay suot ng t-shirt kay Adam. Pagkasuot ko ng t-shirt sa kanya ay bigla itong yumapos sa akin at humiga sa kama. Napadapa tuloy ako sa kanya.
“Hon.. pwedeng pwede pala dito oh…” bulong ni Adam na tila may ibang pakahulugan. “Oh.. iba na naman yang iniisip mo ah… hindi pwede dito..” sagot ko.. “hmm.. bakit naman?? Timing lang natin na wala sila..” sagot ni Adam. “Ikaw talaga.. kung ano-ano naiisip mo.. halika ka na nga bumaba na tayo at hinihintay na nila tayo doon sa baba” wika ko. “Saglit lang.. kiss mo muna ako.. para maalis na yung inis ko..” palambing na wika ni Adam. “Ikaw talaga.. ang kulit mo…” wika ko.. “Sige na please…” pakiusap ni Adam. Pinagbigyan ko na lang ito at hinalikan ko sya sa labi.
Matapos noon ay bumangon na kami sa kama at bumaba. Nawala na nga ng tuluyan ang pagkainis ni Adam. Nakapagligpit na ng mesa si Mommy at tanging ang desert na lang namin ni Adam ang naiwan. Si Ethan at Mommy naman ay nasa sala na at nanunuod ng TV. “Oh.. hijo magdessert na kayo.. pasensya ka na ulit ito at may pagka-clumsy talaga itong si Ethan” wika ni Mommy. “Oo nga Adam.. pasensya ka na..” wika din ni Ethan. “Naku.. okay lang po yung Tita..” sagot ni Adam.
Muli kaming naupo ni Adam sa dining table upang tapusin ang pagede-dessert. Habang kumakain ay hindi tumigil ng pangungulit itong si Adam. Napansin ko naman na pasulyap-sulyap si Ethan sa aming dalawa. Matapos maubos ang dessert ay nagpaalam na si Adam na uuwi na. Medyo gabi na rin kasi ng oras na iyon.
“Ah.. Tita.. mauuna na po ako.. thanks a lot for the very sumptuous dinner” wika ni Adam kay Mommy. “Naku hijo.. wala iyon.. sa uulitin ulit ha.. balik ka dito sa amin” sagot ni Mommy. “definitely Tita.. I will go back here.. actually baka mas madalas na nga po eh.. (Adam looks at me with a grin on his face).. kasi ang sarap nyo po magluto..” sagot ni Adam..”Naku hindi naman.. oh sya.. mag-ingat ka sa pagmamaneho..” wika ni Mom. “Thanks po ulit Tita”.
Bago pa man matapos makapagpaalam si Adam kay Mom ay umakyat na itong si Ethan. Marahil ay nais nya talagang iwasan si Adam. Minabuti na lang ni Adam na tumuloy na. Inihatid ko si Adam hanggang sa gate. “Oh.. sya.. kita na lang tayo bukas.. ingat ka sa pagmamaneho.. text me when you are home” sabi ko kay Adam “Yes hon..I’ll see you tomorrow. Good night Hon” wika ni Adam “Sige na.. good night din po..” sagot ko.
Nang makaalis si Adam ay isinara ko na ang gate. Pagpasok sa bahay ay aakyat na rin ako sa kwarto upang magpahinga na after a long and tiring day. Si Mom naman ay naiwan pa sa kusina upang maghugas ng mga plato.
When I was about to go upstairs ay may narinig ako na tunog na nagmumula sa sofa. Familiar ang tunog dahil parang narinig ko na ito somewhere. Lumapit ako sa sofa upang hanapin ang tunog. Nakita ko ang isang cellphone and surprisingly upon checking, it’s Adam’s phone. Nagri-ring ito ng napakalakas. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, it is a certain “Tita Sandra”.
Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ang tawag dahil in the first place, it is not my phone. Secondly, hindi ko naman kilala ang tumatawag. At lastly as I said, hindi ako likas na pakialamero, minsan lang kung hinihingi ng pagkakataon. But in this instance, I chose not to answer the call. Hinayaan ko na lang na magring ang phone hanggang tumigil na ito. Nang icheck ko ito muli, mayroon nang 3 missed calls na at 2 messages.
I do not know kung ano ang gagawin sa phone. Babalikan kaya ito ni Adam? Or ako na lang kaya ang magsauli nito sa kanya? Maya-maya ay bigla namang nagring ang cellphone ko. Isang unregistered landline number ang tumatawag sa phone ko. Pagsagot ko, it is Adam.
“Chad.. Adam here.. I’m already home.. ahh.. I think I left my cellphone in your house.. can you please check kung nandyan nga yung phone?” bungad ni Adam. “Yes… nakita ko yung phone mo dito.. naiwan mo sa sofa..” sagot ko. “Gees.. buti na lang dyan ko naiwanan.. akala ko kasi kung saan na nawala..” wika ni Adam. “So what do you want me to do with it?” tanong ko sa kanya. “Ahh.. it’s already late para balikan ko pa dyan.. kindly just keep it for me.. I’ll just get it kapag sinundo kita tomorrow.. would that be okay?” wika ni Adam. “Okay.. itago ko na lang..” sagot ko.
“By the way Chad.. may nagtext ba or tumawag?” tanong ni Adam. “Ahhh… yes actually you have 3 missed calls and 2 text messages” sagot ko. “Hmm.. can you check kung sino yung tumawag at nagtext?” tanong ni Adam but I sensed na parang kinakabahan si Adam because of his heavy breathing . Muli ko namang tiningnan ang phone. Then when I checked all the 3 missed calls and 2 messages came from “Tita Sandra”. “Ah.. Adam.. all the text message and missed calls came from “Tita Sandra” wika ko. Sandaling hindi sumagot si Adam at narinig ko ang mahinang boses nya na nagsabi ng “Shit”.
“Hello Adam.. are you still there??” tanong ko. Ilang segundo pa bago muling nagsalita si Adam. “Ahh.. Chad… sige.. disregard mo na lang yung message.. it’s just my Tita who is inviting me sa party on Saturday…” wika ni Adam. “Okay”maikli kong sagot. “Ahh.. Chad.. can you just turn-off the phone please?” pakiusap ni Adam. “Turn it off???” pabalik kong tanong “Yes, pakipatay nalang kasi baka tumawag ulit si Tita Sandra dyan” wika ni Adam. “Ahh.. actually hindi na naman ulit tumawag si..” wika ko na agad namang pinutol ni Adam “Basta.. kindly just turn it off” wika ni Adam in a firm voice.
Ang sinabi nyang yun ay nagbigay sa aking ng kaunting agam-agam. Why would he want me to turn off his phone? Dahil lang ba para hindi na muling tumawag yung tita nya? Or baka naman may iba pang reason? Is he hiding something from me?.
“Okay.. fine. I’ll turn it off now..” wika ko kay Adam “Okay hon.. sige na po.. matulog ka na din po.. it’s late.. maaga pa tayo tomorrow. Hintayin mo na lang ako tomorrow ha” wika ni Adam “Okay good night po.. see you tomorrow. Bye” paalam ko kay Adam.
Lingid sa kaalaman ni Adam, ay hindi ko pinatay ang cellphone nya. I just felt na parang may something na itinatago si Adam kaya he wanted me to turn-off his phone. As I said, hindi ako pakialamero na tao pero if the situation calls for it.. hindi ako nagdadalawang isip na pakialaman ang isang bagay.
But before I read the messages that came in, I first checked if his phone has a feature pwede ko ulit i-mark an “unread” yung message after opening it. And luckily his phone has that feature. This way he will not know that I was able to read his messages. Habang ginagawa ko iyon ay sobra ang aking kaba. I just felt na parang I’m investigating Adam sa ginagawa kong iyon. Pero on the other hand, kung hindi ko naman ito gagawin ay baka hindi ako makatulog.
I nervously I opened the first message from “Tita Sandra”:
“Adam, are you busy? can I call you now? This is regarding the party on Saturday.”
Nang mabasa ko ang unang message, I felt a sigh of relief dahil totoo naman ang sinabi ni Adam na it’s about the party on Saturday. So I marked the first message “unread” again.
Then I opened the second message. But unlike the first message, I was a surprised sa nabasa ko:
“Well I suppose you are busy. Anyway, just would like to invite din sana sina Amor and Anthony, and also your sister Clarice sa gathering for Niko’s 23rd birthday. Hope they could also come. I’ll just see you at the memorial park on Saturday at 8am.”
After reading that ay natulala ako. My gutfeeling is correct, Adam is really hiding something and what’s worse is he also lied to me. Kaya pala ayaw nya akong isama on that party because it’s Niko’s birthday and not his cousin’s. I felt a little betrayed. Bakit kailangan pa nyang magsinungaling. Pwede naman nyang sabihin sa akin iyon and that would be fine with me. Sana hindi na lang sya nagsinungaling. Wala ba syang tiwala sa akin? Hindi naman ako possessive na tao para hindi sya payagan na magpunta doon. I just need him to be honest with me! I was really upset on what I found out.
Dahil sa pagkadismaya ay malungkot akong umakyat sa kwarto. Tulog na si Ethan nang datnan ko sya sa room. Minabuti ko na lang mahiga na rin sa kama. Hindi agad ako makatulog dahil sa pag-iisip sa natuklasan ko. I’m now thinking kung totoo na nga ba ang nararamdaman ni Adam towards me or is he just diverting his attention to me para makalimutan si Niko?
I was about to close my eyes nang may bigla akong maalala. I remember seeing a folder in Adam’s phone na may title na “forever”. And since pinakialaman ko na rin naman ang phone ni Adam, eh di lubos-lubusin ko na rin. Agad kong kinuha ang phone ni Adam sa ibabaw ng side cabinet. Fortunately, hindi ko pa ito napatay. I immediately looked for the said folder sa messages nya. BINGO! Nandoon pa rin ang folder.
Ang lakas ng tibok ng dibdib ko habang hawak ang phone nya. Pag-click ko sa “forever” folder ay nagulat ako sa aking mga nakita.
TO BE CONTINUED…
CLick the Button Next Below to COntinue...
0 comments:
Post a Comment