Bus Seatmates Turned Lovers Chapter 15 ( Bi Love Story)

Pagkatapos nang aking paghalik sa labi ni Adam ay bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto at maririnig ang isang malakas na sigaw ---- “DADDY ADAM!!!!”


 Isang batang lalaki na sa wari ko ay nasa 7 years old and nagmamadaling tumakbo patungo sa kama kung saan nakahiga si Adam. Nang makita ito ni Adam ay mababakas sa mukha nya ang excitement at pagkatuwa. “Baby Keeno… how are you baby?” wika ni Adam sabay abot ng kamay sa batang sabik na sabik kay Adam.“Daddy Adam… I’m okay naman po… Grandma said you are sick daw po?” wika ng batang lalaki. “Yes… Keeno.. I’m sick.. look at Daddy oh.. I have bruises and wounds in my face..” paawang wika ni Adam. “why Daddy, what happened? Did anyone punch you?” patakang wika ng bibong bata. “Yes, Baby.. some bad guys punched me and kicked me..” sagot naman ni Adam.

 Habang nag-uusap ang dalawa ay takang-taka na naman ako sa aking mga nasasaksihan. Si Adam, daddy na? May anak na sya? Why? How? Ito ang gumugulo sa aking isipan. Hindi ko naman sya matanong agad sa harap ng bata. Maya-maya pa ay muling bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Tito Anthony, si Tita Amor at Clarice kasama and isang babae na sa wari ko ay nasa early 40s pa lang. Matangkad ito at napakaganda ng itsura na masasabing mong parang beauty queen. Lumapit ito kay Adam.

 “Adam hijo, how are you? Are you feeling better now?” tanong ng magandang babae. “Feeling a little better now Tita.. but I’m still on pain killers” sagot naman ni Adam. Still surprised and clueless. I just sat sa chair na nasa tabi ng kama. “Naku, Sands… ewan ko ba dyan kay Adam.. nagpunta-punta pa kasi doon sa bar na iyon.. eh marami daw palang mga loko-loko doon” malakas na wika ni Tita Amor. “Oh God Adam.. you should be careful next time.. mahirap na talaga ang panahon ngayon” wika ng babaeng tinawag na Sands. “ You are right, buti nga iyan lang ang inabot nya” sagot naman ni Tito Anthony.

 I realized na maaring yung magandang babae na tinatawag ni Tita Amor na Sands ay yung Tita Sandra na laging tumatawag kay Adam. Then, I suppose she is Niko’s mom. Eh sino naman kaya itong bata na tinawag ni Adam na Baby Keeno?

 “Oh my.. Hijo.. sorry for being rude…”wika ni Tita Amor sabay tapik sa aking balikat. “Sandra.. this is Chad, Adam’s friend.. Chad this is Sandra, Niko’s mom” pagpapakilala sa aming dalawa ni Tita Amor. Tama nga ang hinala ko, siya nga ang mommy ni Niko. Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo at iniabot ang kamay upang makipag-handshake. Ngunit hindi agad iniabot ni Tita Sandra ang kanyang kamay ay tumingin muna ito sa akin mula ulo hanggang paa. Iniabot nya naman ang aking kamay ngunit agad ding inalis at tumalikod na sa akin.

 May pagkasuplada ang babae at may pagkamapagmataas. Hinayaan ko na lang ito ay muling naupo. Muli kong pinagmasdan si Adam na aliw na aliw na kinakausap ang batang si Keeno na ng oras na iyon ay nakaupo na sa tabi niya Mababakas sa mukha ni Adam ang pagkasabik na makita ang bata. Si Tita Amor at Tito Anthony naman ay busy sa pakikipag-usap kay Tita Sandra. Naiwan ako na nakatulala lamang at nagmamasid.

 Maya-maya ay bumukas ang pinto ng CR at lumabas si Clarice. “Uyy.. Chad.. okay ka lang dyan?” usisa ni Clarice. “Yeah.. okay lang ako..” sagot ko naman. “Halika samahan mo muna ako sa cafeteria sa baba.. Let’s buy something to eat.” paanyaya Clarice na hindi ko naman tinanggihan bilang nakatunganga lang naman ako doon sa room. Hindi na kami nagpaalam ni Clarice at lumabas na lang ng kwarto. Ni hindi nga lumingon man lang si Adam.

 Habang naglalakad ay agad kong tinanong si Clarice. “Clarice, that lady is Niko’s mom right?” pag-uusisa ko kahit ipinakilala naman ito ni Tita Amor na sya ngang nanay ni Niko. “Yes.. Tita Sandra is Niko’s mom” mabilis na sagot naman ni Clarice. “How about the kid? Anak ba sya ni Adam?” deretso kong tanong kay Clarice. Hindi agad sumagot si Clarice at tila nag-isip muna. “Ahh…si Keeno!” wika ni Clarice. “Yeah.. that little boy.. is he Adam’s son?” muli kong pag-uusisa.

 “Yes.. anak nya nya yun.. I mean.. hindi pala..” magulong sagot ni Clarice. “Ano? Parang naguluhan ata ako sa sagot mo” pataka kong tanong kay Clarice. “pasensya kana.. mahaba kasi yung kwento noon eh… ganito kasi yun.. si Niko kasi bago pa man sila naging magboyfriend nyan Adam ay accidentally nakabuntis ng classmate nya sa high school. Tapos yung girl, passed away while giving birth dahil nga sobrang bata pa noong nanganak.. nagkaroon pa ng complications.. Dahil hindi naman mayaman yung family nung girl, yung parents ni Niko insisted na sila na ang magpapalaki sa bata” seryosong paglalahad ni Clarice.

 Pagdating sa cafeteria ay naupo muna kami upang ipagpatuloy ni Clarice ang kwento nya. “Tapos yun nga.. lumaki yung bata sa family ni Niko.. ang tawag nya kay Niko.. Daddy, then noong naging magBF na sina Adam at si Niko.. Daddy na rin ang tawag nya kay Adam.. itinuring na rin ni Adam na parang anak na nya yung si Keeno dahil napalapit na sa kanya… Kaya nga lang nung mawala na si Niko.. sobra ang pangungulila nung bata.. nakakaawa kasi iyak ng iyak at hinahanap si Niko.. ito namang si Adam devastated din kaya hindi nila maasahan na aalagaan si Keeno. kaya ang ginawa nila TIta Sandra.. dinala na muna sa Australia kung saan nakatira yung isa pang kapatid ni Niko. Actually kababalik lang nung bata last week in time for Niko’s birthday” pagsasalaysay ni Clarice.

 Matapos ng paglalahad ni Clarice ay natahimik ako at tila pino-process ng aking isipan an mga isinalaysay nya. Then I realized, there is still something that will connect Niko and Adam now, and that would be Keeno, Niko’s son. “Ohh.. are you okay Chad?” tanong ni Clarice. “Yes.. I’m okay…” matipid kong sagot. “Oh sya.. let’s buy some food na.. medyo gutom na rin ako eh..” wika ni Clarice. Matapos makabili ng pagkain ay muli na kaming umakyat ni Clarice sa kwarto ni Adam.

 Pagpasok sa room ay wala na roon sina Tita Amor, Tito Anthony at Tita Sandra. Tanging si Adam at Keeno na lang ang naiwan na nagkukulitan pa rin sa kama. “Ohh.. Adam.. where’s mom and dad and Tita Sandra?” agad na tanong ni Clarice. “Ahh.. umalis muna to go to church.. iniwan muna si baby Keeno sa akin.. san ba kayo nagpunta?” wika ni Adam. “bumili lang kami ng food ni Chad.. nagugutom na kasi ako eh kanina pa” sagot ni Clarice.

 Naupo na lamang ako sa sofa na malapit sa pinto ng kwarto. I thought I should give Adam and Keeno some time. I was actually already contemplating on leaving at babalik na lang ako mamaya. “CHAD!” malakas na tawag ni Adam. “Why are you seating there? Dito ka sa tabi ko, akala ko ba aalagaan mo ako?” palambing na wika ni Adam. Agad naman akong lumapit sa kama Adam. Si Clarice ay naiwan sa may sofa na kumakain ng binili naming burger.

 Muli akong naupo sa silya sa tabi ng kama. Ngumiti lamang ako kay Adam at kay Keeno na busy sa pagkalikot ng cellphone ni Adam. “Ohh.. honey but dyan ka umupo.. tabi ka dito sa kama..” muling paglalambing ni Adam. “Hindi na dito na lang ako.. masisikipan ka na dyan” wika ko. “hindi.. halika ka na dito, I want you beside me” pangungulit ni Adam. Pinaunlakan ko na ang pangungulit nya at umupo ako sa tabi nya sa kama.

 “By the way, si Keeno nga pala, anak ni..” bahagyang natigilan si Adam. “Yes. don’t worry...alam ko na, ikinuwento na ni Clarice sa akin…” wika ko kay Adam. Tumingin naman si Adam kay Clarice, at si Clarice naman ay nag-peace sign noong marinig ang sinabi ko na wari nag-sosorry dahil sa pagku-kwento nya tungkol kay Keeno.. “talaga itong si Clarice.. ang daldal talaga..” pabulong na wika ni Adam.

 “Baby Keeno..” pagtawag ni Adam sa bata. “Yes, Daddy..” bibong sagot ni Keeno. “Keeno , I’d like you to meet Chad..” pakilala ni Adam sa akin. “Hello po” magiliw na wika ng bata. “Baby, from now on, you will call him Daddy Chad..” masayang wika ni Adam. Ngumiti naman ako kay Keeno pagkasabi nya noon. “Daddy Chad?? NO!!! I only have two daddies, Daddy Adam and Daddy Niko!” malakas na sagot ni Keeno. Nagulat naman ako sa sagot na iyon ng bata. Napatingin sa aking si Adam. “Baby Keeno.. why naman? Don’t you like to have three daddies?” palambing na wika ni Adam kay Keeno. “NO!!! I want two daddies only” malakas na sagot ng bata habang busy pa rin sa paglalaro ng cellphone ni Adam.

 “Ayy.. baby.. masa-sad si Daddy Adam if you will not call him Daddy Chad... do you want me to be sad?” paawang sagot ni Adam. Nag-isip ang bata ng matagal bago sumagot. “No Daddy..I don’t want you to be sad.. but why do you want me to call him daddy? Are you replacing Daddy Niko with him?” deretsong tanong ng batang napakatalino. Hindi rin agad nakasagot si Adam at tumingin ito sa akin. “No baby.. I’m not replacing Daddy Niko… Daddy Chad will just be an additional Daddy so you would have three Daddies.” sagot ni Adam kay Keeno.

 Mukhang nag-isip muli si Keeno. “Daddy.. Can I just call him Uncle.. I just want two daddies eh.” pag-insist ni Keeno na tila ayaw talaga akong tawaging Daddy. Upang hindi na makipagtalo pa si Adam sa bata ay ako na ang sumagot. “Yes, Keeno you can just call me Uncle Chad” wika ko sa bata sabay tingin kay Adam na ipinahihiwatig na okay lang na iyon ang itawag ng bata sa akin. “Okay Uncle Chad..” wika ni Keeno.

 Lumapit na si Clarice sa kama upang kunin muna sandali si Keeno at pakainin. “Keeno, come with me first, I bought some french fries, let’s eat muna” yaya ni Clarice sa bata. Agad namang pumayag ang bata ay sumama kay Clarice patungo sa sofa.

 “Adam.. bakit mo naman pinipilit yung bata? Ikaw talaga, ayaw nga eh.. pinipilit pa..” wika ko kay Adam. “Wala lang.. gusto ko lang kasi na from now on kilalanin ka na nya na Daddy nya rin.” sagot naman niya “Wala namang kaso sa akin yun eh.. ikaw talaga.. at saka kakikilala lang namin alangan namang tawagin na agad akong Daddy ni Keeno” wika ko sabay pisil sa ilong ni Adam “AHH..” malakas na sigaw niya. “ohhh.. sorry.. sorry Adam.. hindi ko sinasadya masakit pa nga pala yung mukha mo” pagpapaumanhin ko sa kanya. “Ikaw Honey ah.. ginagantihan mo na ata ako ahh..” pabirong sagot ni Adam. “hindi naman… ikaw talaga.” wika ko sabay halik sa ilong niya.

 Makalipas ang isang oras ay dumating na muli ang parents ni Adam. Hindi na nila kasama si Tita Sandra. “Oh hijo.. are you feeling much better now?” tanong ni Tita Amor. “Yes Ma.. especially that Chad is already here.” sagot Adam sabay hagod sa aking likuran. “Ahhh.. sus… if I know nagpabugbog ka talaga para magkabati na kayo nitong si Chad” pabirong sagot naman ni Tito Anthony. “Hindi naman Dad… kayo talaga.. at isa pa.. I’m happy that Keeno is also here.. by the way.. where is Tita Sandra?” tanong ni Adam. “Ahh.. hindi na sumama ulit dito.. babalik na lang daw tonight para sunduin itong cute na baby na ito…” wika ni Tita Amor sabay pisil sa mag pisngi ni Keeno na ng oras na iyon ay naglalaro ng Ipad kasama si Clarice.

 “Ouch.. that hurts Grandma” daing ng bibong batang si Keeno. “Ohh naku.. I’m sorry Baby.. I’m sorry” pag-aalo ni Tita Amor sabay halik sa pisngi ni Keeno. Ilang minuto pa ang lumipas ay may kumatok sa pintuan. Nagpadeliver pala sila ng pagkain for lunch. “Okay.. food is here.. Clarice, nasaan ba si Manang? pakitawag naman para maihanda na itong pagkain” utos ni Tito Anthony kay Clarice. “Inutusan ko kasi si Manang na umuwi kanina to get some stuff of Adam.. ako na lang ang maghahanda nyan.” sagot naman ni Clarice. “Chad.. pwede pabantayan na muna si Keeno.. ayusin ko lang yung food natin” pakiusap ni Clarice sa akin. “Sure.. akin na sya.. dito na muna sya sa amin ni Adam.” wika k okay Clarice. Agad naman na dinala ni Clarice si Keeno papunta sa akin.

 “Keeno.. what are you playing?” pag-uusisa ko sa bata. Hindi agad ito sumagot sa akin dahil sa sobrang pagfocus sa paglalaro. “Keeno..Uncle Chad is asking you.. answer him” wika ni Adam sa bata. “I’m playing Fruit Ninja Uncle Chad” sagot ng bata. “paano ba nilalaro yan?” muli kong tanong kay Keeno. “You just need to slice all the fruits” sagot ng bata. “ahh.. ganun ba? Can I try it?” wika ko. “Sure Uncle..” magiliw na sagot ni Keeno sabay abot ng Ipad. Habang naglalaro ay taimtim na pinanunuod ako ni Keeno. “No Uncle Chad.. you should not slice the bombs.. that will kill you.. and it will be game over” pagtuturo ni Keeno sa akin. “Ahhh .. I didn’t know.. sige I’ll try it again” sagot ko.

 Unti-unti kaming nagkapalagayan ng loob ni Keeno. Hindi na sya naiilang sa akin at sa katunayan nga ay kumandong pa ito sa akin.. I saw that Adam is happy that we are getting along very well.. Ilang sandali pa ay nakahain na ang food sa isang maliit na table sa loob ng room. “Okay everyone… Lunch is served.” sigaw ni Tita Amor. “Chad.. sige na.. kumuha ka na ng food… iwan mo na muna si Keeno sa akin” wika ni Adam. “Eh ikaw.. paano ka? kumain ka na rin..” sagot ko. “Ikuha mo na lang tayong tatlo ng food, tapos subuan mo lang kami ni Keeno, okay bay un?” palambing na sagot ni Adam. “okay.. your wish is my command” pabiro kong sagot.



 Tumayo na ako upang kumuha ng food. Sina Tita Amor, Tito Anthony at Clarice ay pumwesto sa tabi ng table. “Sige na hijo.. sabayan mo na kami dito..I’ll just ask the nurse to feed Adam” wika ni Tita Amor. “Hindi na po Tita.. ako na po ang magpapakain kay Adam at kay Keeno.” sagot ko. “Okay.. if that’s what you want..” sagot ni Tita. After makakuha ng pagkain ay bumalik na ako sa kama. Nakaupo na si Adam at nakaupo naman sa harap nya si Keeno.

 “Okay Keeno… Let’s eat first.. you put down the Ipad first.. you can play again later after we eat.. okay Baby?” malambing na pakiusap ni Adam kay Keeno. Sumunod naman ang bata at inilapag na muna ang Ipad. “Okay.. Keeno.. what do you like… do you want spaghetti?” tanong ko kay Keeno. “Yes Uncle” sagot naman ng bata. Then sinubuan ko na ang spaghetti si Keeno. “Wow, it’s yummy Uncle Chad..” magiliw na wika ng bata.

 “How about me honey.. I also like spaghetti..” palambing na wika ni Adam sabay nganga na tila ipinahihiwatig na subuan ko rin sya. “Okay… here’s the spaghetti.. open your mouth baby..” pabiro kong wika sabay subo ng isang punong tinidor ng spaghetti. “Daddy Adam.. you are like a baby.. Uncle Chad is still feeding you..” wika ni Keeno sabay tawa ng malakas. “Yes Keeno.. your Daddy Adam is a big big baby..” wika ko kay Keeno na sya namang lalong nagpatawa ng malakas sa bata. Ito namang si Adam ay lalo pang umarte na parang baby na nagkunwari pang umiiyak na parang baby “Wahhhh.. Daddy Chad.. baby Keeno is laughing at me ohhh… Daddy… wahhh….” pa-baby na iyak ni Keeno na lalo pang nagpahalakhak kay Keeno. “Daddy Adam.. is a cry baby.. (laughs loudly)..cry baby” panunukso ni Keeno kay Adam. “wahhh.. Daddy Chad….” Muling pa-baby na iyak ni Adam.

 Aliw na aliw si Keeno habang nag be-baby-babyhan si Adam. Natapos kami ng pagkain nang tawa ng tawa at nagkukulitan. Masaya din sina Tito at Tita na nakikitang masaya na muli si Adam at gayun din si Keeno. Lumapit si Clarice sa amin na may dalang cellphone. “okay… picture picture muna.. picture muna ang one happy family..” wika ni Clarice. “Okay.. one.. two…three.. say Cheese..” sigaw ni Clarice. Umakbay si Adam sa akin samantalang si Keeno naman ay nakaupo sa harapan namin ni Adam. “Okay.. maganda sana yung picture kaya lang ang pangit ng itsura ni Adam ehh.. puro pasa…(laughs loudly)” panunuya ni Clarice. “Wag ka nga Clarice.. nang-aasar ka pa dyan.. kunan mo pa kami ng isa pa..” wika ni Adam. “Okay..isa pa.. Keeno stand ka naman between Daddy Adam and Uncle Chad.. then put your hands on their shoulders (Keeno stands as instructed).. okay.. that’s right.. okay.. one.. two.. three.. smile!!!” muling sigaw ni Clarice. “Okay.. this is a better shot” wika ni Clarice matapos kunan ang litrato.

 Matapos magkuhaan ng litrato ay muli nang naglaro ng Ipad si Keeno. Kami naman ni Adam ay patuloy na nagkukulitan habang pinapanuod si Keeno na naglalaro. Mababakas sa mga mata ni Adam ang lubos na kasiyahan. Ako rin ay totoong nag-eenjoy nang oras na iyon.. Lumipas ang buong maghapon sa ospital. Maya-maya pa ay nakatulog na si Adam at Keeno marahil dahil sa sobrang kapaguran sa pakikipagkulitan. Sina Tito, Tita at Clarice naman ay umuwi muna sa kanila upang makapagpalit at sinabing babalik na lamang sila sa gabi. Naiwan ako na nagmumuni-muni tungkol sa mga nangyari.

 I’m happy that Adam and I are okay, again. I realized na baka blessing in disguise din ang nangyari na ito kay Adam dahil kung hindi ay baka hindi pa rin kami nagkaka-ayos. Kaya nga lang, sa kabila nag pagkaka-ayos namin ni Adam ay naalala ko naman si Ethan at ang nangyari sa amin kagabi. I know that after what happened between us last night, Ethan will definitely think that there is a big chance na magkabalikan muli kami. I just realized that the situation is starting to become more and more complicated. And I must admit na may kasalanan rin ako kung bakit humantong ito sa ganito. And my struggle now is how I can manage the situation.

 Ayaw ko magsinungaling kay Adam, kaya nga lang, hindi ko naman kayang sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Ethan kagabi. And I know it will be unfair for him dahil nagalit ako sa kanya dahil nagsinungaling sya, tapos ako naman pala ang magsisinungaling sa kanya. I think I owe it to him to tell the truth, but I do not think this is the right time and venue.

 I think, this really puts me in the position to decide, once and for all, kung sino na ba talaga ang pipiliin ko between the two of them. I think I should decide on this matter very soon para hindi na lalong gumulo pa ang sitwasyon. Pero sino nga ba sa kanilang dalawa??? Sino ba talaga ang mas matimbang? ang hirap talaga…

 Makalipas ang isang oras, alas sais na ng gabi, dumating na muli si Tita Amor at si Clarice. “good evening po Tita, Clarice” bati ko. “Good evening naman hijo.. oh.. nakatulog na pala yang mag-ama mo..” pabirong wika ni Tita. “Oo nga po eh.. ang kulit din kasi nitong si Adam.. parang bata.. mas makulit pa kay Keeno.” natatawa kong sagot. “Hayy naku hijo.. sa totoo lang.. ngayon lang ulit naging ganyan yan si Adam.. kaya nga malaki rin talaga ang pasalamat ko sayo dahil kung hindi sayo, baka miserable pa rin yang si Adam” seryosong wika ni Adam. Nakakataba naman ng puso ang mga tinurang iyon ni Tita Amor. And in all honesty, I think may impact ang sinabi na iyon ni Tita sa pagdedesisyon ko.

 Maya-maya ay nagising na muli si Adam. “Hmm.. oh.. nandyan na pala kau ulit Ma.. nasan si Dad?”pag-uusisa ni Adam. “Ahh..dinaanan na si Tita Sandra mo dahil wala raw maghahatid sa kanya papunta dito. Nag day-off na raw kasi yung driver nya.. padating na rin yun in a while.” sagot ni Tita Amor. “Ahh.. okay.. oo nga pala.. nakausap nyo na ba yung doctor? Kailan daw ako pwede makalabas ng hospital?” tanong ni Adam. “Oo nakausap ko na.. ang sabi nya.. they still need to run some test to check kung okay ka na makalabas.. kung maging okay na yung result.. baka pwede ka na raw lumabas ng Tuesday. “ sagot ni Tita Amor. “Okay.. ayoko ko na rin kasi dito sa ospital eh.. mas gusto ko pa magpahinga sa bahay..” sagot ni Adam.

 Ilang sandali pa ay dumating na si Tito Anthony kasama si Tita Sandra. “good evening po Tita." Bati ni Adam kay Tita Sandra. “good evening naman hijo.. so how are you feeling now?” tanong ni Tita Sandra. “Much better now… Especially that you brought Keeno here” sagot ni Adam “that’s good to hear.. anyway.. nakatulog na pala yang batang iyan.. uuwi na rin kasi kami in a while…” wika ni Tita Sandra. “Ganun po ba? Can he sleep here na lang tonight?” tanong ni Adam. “Naku hijo.. kung sa bahay nyo lang, no problem with me..kaya lang.. this is a hospital and baka makakuha pa ng kung anong sakit yang bata kapag dito natulog.. iniwan ko na nga sya maghapon dito kahit hesistant ako.. I think that should be enough.. I just bring him to you kapag nakalabas ka na ng hospital” sagot ni Tita Sandra na medyo may pagkasuplada. “Okay TIta.. I understand..” sagot na lang ni Adam.

 Maya-maya ay nagising na rin si Keeno. “Daddy Adam… Daddy Adam..” agad na tawag ni Keeno kay Adam pagkagising nito. “Why baby Keeno? Are you hungry?” usisa ni Adam. “No Daddy.. Daddy Niko spoke to me in my dreams..” paglalahad ng bata na syang nag pabigla kay Adam. “Daddy Niko?? What did he tell you?” pag-uusisa ni Adam. “Daddy.. he told me that he misses you already.. and that he is sad because of what happened to you..” pagku-kwento ng bata. Nakita ko sa mukha ni Adam ang pagkalungkot nang bigkasin iyon ni Keeno. “What else did he tell you Keeno?” muling pagtatanong ni Adam. “Ahhh.. Hmmm.. he told me that I should take care of you always.. he also told me that he loves your very much” pagsasalaysay ng bata. Nangilid ang luha ni Adam matapos sabihin yun ni Keeno. “Halika ka nga lapit ka kay Daddy..” wika ni Adam. Lumapit naman si Keeno, at niyakap ito ni Adam at hinalikan sa ulo.

 I know he was affected by what Keeno has said. As for me, I do not know how to react, kaya ang ginawa ko na lang ay lumayo muna at nagtungo sa CR. After a few minutes ay lumabas na ako ng banyo. Nagpapaalamanan na sina Adam at Keeno at si Tita Sandra. Uuwi na pala sila Keeno. “Bye baby Keeno.. dalawin mo ulit si Daddy Adam sa house ha!” wika ni Adam. “Yes Daddy.” matipid na sagot ng bata. Hinalikan ni Adam si Keeno sa magkabilang pisngi nito bago sila umalis.

 “Oh sya hijo, we’ll go ahead.. Amor, Anthony, Clarice.. mauna na kami. Just let us know kapag nakalabas na si Adam ng hospital.. okay?” pagpapapaalam ni TIta Sandra. “Okay Sandra… I already told our driver na ihatid kayo.. ingat.” wika ni Tito Anthony. Bago lumabas si Keeno ay lumapit din ito sa akin. “Uncle Chad.. ba-bye po.. laro po ulit tayo next time” malambing na wika ni Keeno. “Sure Keeno.. take care” sagot ko nalang. Matapos nito ay hinila na sya ni Tita Sandra na tila nagmamadali na.

 Nang makaalis na sila ay muli na akong tumabi sa kama ni Adam. Naisip ko na umuwi na rin dahil may pasok pa nga pala ako bukas. “Ahh.. Adam.. mauuna na rin ako… may pasok pa kasi ako tomorrow right?” pagpapaalam ko kay Adam “Why? I thought aalagaan mo ako? Bakit ka uuwi?” patampoong wika ni Adam. “Ano kasi.. kailangan kong pumasok bukas.. di ba know naman that I just got promoted.. dyahe naman kung absent na agad ako” sagot ko kay Adam. Hindi umimik si Adam at sumimangot ito. “Uy… I have to go na po talaga.. promise. Dito na ako dederetso after work..” wika ko sabay hawak sa baba ni Adam.

 Hindi pa rin ito umimik at tila nagtatampo pa rin. “Uyy.. Adam wag ka na magtampo.. babalik naman ako bukas eh.” paglalambing ko habang hinahagod ang kanyang dibdib. Panandaliang nag-isip si Adam. “Sige na! umalis ka na.” mabilis pero patampong wika ni Adam sabay higa sa kama at talukbong ng kumot. “Uyy… bakit naman ganyan.. napaka-tampuhista naman ng baby na ito oh..” wika ko sabay yakap sa kanya. “sige na, iwan mo na ako dito…” nagtatampong wika ni Adam. “Oh sya.. ganito na lang.. tatawag na lang ako kay Mommy.. I’ll tell her na mga midnight na ako uuwi.. basta pahatid mo na lang ako sa driver nyo? Okay na ba iyon? “ sabi ko sa kanya.

 “Talaga??” sagot ni Adam. “Opo.. talagang talaga po.. ang lakas mo kasi sa akin eh.. kahit mapuyat na ako.. okay lang” sagot ko sa kanya. “Huwag na, napipilitan ka lang ata eh.. at saka baka may naghahanap na sa iyo doon sa inyo.. baka hindi makatulog ng hindi ka katabi”muling nagtatampong wika ni Adam. “Ahhh.. sus… nagselos na naman.. hindi nga po.. I’ll stay na nga until midnight eh.. sige ka baka magbago pa isip ko nyan” wika ko sa kanya. “hmmm…okay basta dito ka lang sa tabi ko ahh.. wag ka aalis..” wika ni Adam na tila bata na naglalambing. “Okay boss.. dito lang po ako sa tabi mo.. pero saglit lang tatawag lang muna ako sa bahay” sagot ko sabay tayo mula sa kama.

 Lumabas muna ako ng kwarto para tawagan si Mommy. “hello Ma.. mamaya pa po ako makakauwi, nandito pa ako sa ospital.. ayaw pa kasi akong pauwiin ni Adam eh” wika ko kay Mom. “Ganun ba? oh sige.. eh paano ka naman uuwi, baka wala ka na masakyan nyan?” tanong ni Mom. “Ipapahatid na lang daw po ako mamaya...” sagot ko. “Oh siya sige.. mag-iingat ka.. eh kamusta naman na si Adam? Okay na ba sya?” pag-uusisa ni Mom. “opo, medyo okay na pero ang dami nyang pasa at sugat sa mukha at katawan.. he is still being observed” sagot ko. “Oh sige.. ikamusta mo na lang ako sa kanya.. sabihin mo magpagaling sya at mag-vivideoke pa ulit tayo..” wika ni Mommy. “Okay sige na po. magte-text na lang ako mamaya.” wika ko. “uy.. teka pala. Itong si Ethan naman kanina ka pa itinatanong sa akin.. gusto ata na puntahan ka dyan.. ano sasabihin ko?” wika ni Mommy. “Basta.. sabihin nyo na lang na uuwi rin ako mamaya..sige na po.bye..” pagpapaalam ko kay Mommy.

 Matapos makausap si Mom ay pumasok na muli ako sa kwarto. Pagpasok ko ay nadatnan ko na nag-uusap usap silang apat, si Tito, Tita, Clarice at Adam. Nang mapansin nila ako ay saka lang sila natigil sa pag-uusap. “Ohh hijo.. nakausap mo na ba ang Mommy mo? don’t worry ipapahatid na lang kita sa driver mamaya.. pagbigyan mo na itong mokong kong anak at baka kung ano na naman ang gawin.” wika ni Tito Anthony. “Okay po Tito.. no problem” sagot ko sabay tapik sa binti ni Adam. “Aalis na rin kami maya-maya because I have an early morning appointment tomorrow. Iiwan na muna namin kayo dito” wika ni Tito Anthony. “Yes..Dad.. you can just leave us here..” wika ni Adam. “Naku hijo.. basta behave kayong dalawa dito ha!.. you know what I mean..” pabirong wika ni Tita Amor. “hhmmm.. that one I cannot promise” wika ni Adam sabay tawa ng malakas. “Ikaw talaga Adam.. ang ano mo!!!” sabat naman ni Clarice. Nagtawanan kaming lahat nang sabihin yun ni Clarice.

 Ilang oras pa ang lumipas, matapos na makakain ng hapunan ay umalis na rin sina Tita Amor, Tito Anthony at Clarice. “So.. paano ba yan Chad.. tayong dalawa na lang ang nandito.. ang lamig lamig pa..” wika ni Adam na tila may ibang ipinahihiwatig. “So ano naman? eh di magkumot ka.. nilalamig ka pala eh..” pabiro kong sagot kay Adam. “honey naman eh.. that’s not what I meant.. ano.. uy…” sabi ni Adam na tila nahihiya at hindi maderesto ang gustong sabihin. “Ikaw talaga Adam.. tama nga si Clarice.. ang ano mo.. puro pasa at bugbog ka na nga kung ano-ano pa ang iniisip mo..” sagot ko naman sa kanya.

 “Honey naman eh.. sige na.. tayo lang naman dito eh.. saka hindi na papasok ang mga nurses kasi pinasabihan ko na sila na huwag na akong istorbohin..” wika ni Adam. Dahil sa pangungulit ni Adam ay pinagbigyan ko na rin ito. Tumabi ako sa kanya sa kama at nahiga roon. Hindi naman kalakihan ang hospital bed nya, sakto lang kaming dalawa. Hindi naman naka-dextrose si Adam kung kaya malaya siyang nakakagalaw.

 “Sandali.. mag-babanyo lang muna ko.. medyo masakit na kasi yung tyan ko eh.” wika ni Adam sabay tayo mula sa kama. Inalalayan ko siya patungo sa banyo dahil medyo nahihirapan itong lumakad dahil sa natamong bugbog. Habang hinihintay syang lumabas ay muli akong nahiga sa kama.Ilang sandal ang lumipas ay biglang mag kumatok sa pinto ng kwarto. Malakas ang pagkatok kung kaya agad akong napatayo. Naisip ko lang, akala ko ba pinasabihan na ni Adam ang mga nurse na huwag na kaming istorbohin, pero bakit may kumakatok pa? Sino naman kaya ito? Sina Tito at Tita kaya ulit ito at may naiwan lang?

 Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Hinawakan ko ang door knob at binuksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay bumulaga sa akin ang napakaraming lobo na may nakasulat na “Get Well Soon”. Isang magandang babae na nakasuot ng pulang blouse and mini skirt and may hawak ng mga lobo.

 “Hmm… Good evening. Is this the room of Adam?

 TO BE CONTINUED…

CLick the Button Next Below to COntinue...

Penulis : Unknown ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Bus Seatmates Turned Lovers Chapter 15 ( Bi Love Story) ini dipublish oleh Unknown pada hari . Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 9 komentar: di postingan Bus Seatmates Turned Lovers Chapter 15 ( Bi Love Story)
 

9 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. san napo ung kasunod na chapter bakit diko mahanap, nabibitin po ako.

    ReplyDelete
  3. san napo ung chapter 16 onwards?

    ReplyDelete
  4. pakisend po sa email ko ung karugtong chapter 16 til final, slamat.
    gilbertgamas26@yahoo.com

    ReplyDelete
  5. San na yung 16 pls reply blogspotter :-(:-(:-(:-(:-(

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Yung next chapter po? Sobrang nakakakilig po yung mga story nyo nakaka inapire pa and i think napakatalino nitong author to write a story like this �� more powers po sana makagawa pa ng maraming story maghihintay po ako sobrang kinikilig po talaga ako sa mga stories nyo iloveyou po

    ReplyDelete
  8. By the way can I get your facebook account? Please author update me about the story who wrote and the story you'll be written

    ReplyDelete

Leave Me a Comment Below. Thanks :)