Isang normal na araw para sa mag kaibigang Pen-pen at Serafin. Mag kasabay papasok ng eskwelahan at mag kasabay din uuwi halos mula kinder at hanggang ngayong grade six ay mag kaklase pa rin sila madalas silang tuksuhin ng:
“Pen pen de Serafin de kutsilyo de almasen…” Yan din ang tukso ng isang grupo ng batang nadaanan nila habang pauwi na sila sa kanilang bahay.
“Mga walang magawa” sabi ni Serafin kay Pen-pen habang sinusuntok nito ang kanyang sariling palad “Uupakan ko na ang mga to” dugtong pa nito.
“Diba ngayon tayo bibinyagan? Tayo tayo batang magbibinata” sabay hila nito sa kamay ni Pen-Pen. Ang tinutukoy nito ay ngayon sila naka schedule sa doktor para tulian.
Kumunot lang ito at ngumuwi. “Hmm sa tingin ko tignan natin yung reaksyon ng mga batang lumalabas mula sa kwarto na yun” sabay nguso nito sa kwartong nabangit. Maya-maya isa isa ng lumalabas ang mga pasyente. May naka nguwi, may mga normal lang, may nakatawa, may alam mong kinubli lang ang sakit.
“Wag mo ng patulan” piit ni “Pen-pen habang sumisipsip sa gulaman na hawak nito. Lumakad na nga palayo ang dalawa mula sa grupo ng mangaasar na bata hindi na lamang nila ito pinansin.
Halos mag katapat lang ang kanilang bahay, mag kaibigan din ang kanilang mga magulang lumaki sila ng mag kasabay. Isang abogado ang ama ni Serafin habang ang kanya namang ina ay isang public school teacher malapit sa isa’t isa ang dalawang pamilya lalo na ng ipanalo ng ama ni Serafin ang kaso na sinampa ng ina ni Pen-pen sa isang swindler.
Ang ama naman ni Pen-pen ay isang OFW sa Australia habang ang kanyang ina ay namamahala ng kanilang negosyong hardware shop.
Peter Neil De Guzman ang totoong pangalan ni Pen-Pen habang Serafino Gutierrez Jr. naman ang kay Serafin.
Wala yatang araw na hindi sila nag laro wala silang kasawaan sa isa’t isa inuubos nila ang kanilang libreng oras sa pag lalaro at sabay din gumagawa ng araling pang bahay.
Isang hapon sa kanilang pagsusulit.
“Pen pen! Huy! Pen-pen!” pasimple at sobrang hina ang tawag ni Serafin sa kaibigan.
“Ano?” Mahina din ang tugon nito.
“Ano sagot sa number 10?”
“Naku! Di ka nanaman nag aral no?” Sisi nito sa kaibigan habang sinesenyas ang tatlong daliri na ang ibig sabihin ay Letter C.
Madalas na si Pen-pen ang nag tuturo ng tamang sagot kay Serafin sa tuwing kinakailangan nya ng tamang sagot hindi s’ya nabibigo kung si Pen-pen lamang ang kanyang kokunsultahin.
Madalas pag diskitahan ng dalawa ang ulap nalilibang sila sa pag buo ng mga imahe sa kanilang isip. Isang hapon gaya ng nakagawian ay nag abala nanaman sila sa pag buo ng mga bagay bagay sa pamamagitan ng ulap.
“Ayun o parang rabbit!” turo ni Serafin habang nakahiga sila sa kama ni Pen-pen tanaw mula sa kwarto nito ang ulap.
“Ayun naman parang eroplano” Turo muli nito.
“Nasan? Nasan?”
“Ayun o eroplano dumadaan”Tumawa ito ng malakas.
“Ewan ko s’yo” sabay kurot nito sa mag kabilang pingi ng kaibigan.
“Aray masakit Pen-pen!”
Tumayo na si Pen-pen at sumandal na sa kama.
“Magiging ano kaya tayo pag laki no? tanong nito kay Serafin.
Ngumuwi lang ito at tinaas ang balikat “Ewan ko wala pa kong pangarap eh”
“Ako? Gusto kong maging piloto”
Nakatingin ito mula sa malayo at mukang pinaplano na nya talaga ang buhay sa murang edad.
“Sus wag mo munang isipin yan malayo pa yun” sabay hampas ng unan ni Serafin sa kaibigan.
Kinabukasan. Huling araw na ng mag kaibigan sa elementarya maya maya lang sasampa na sila ng stage at tutuldukan na ang mundo bilang isang elementary student.
“Hindi ba uuwi papa mo Pen-pen?” tanong ni Aling Lourdes na ina ni Serafin habang inaabot sa katulong ang polo na isusuot ng anak.
“Naku baka five years from now pa yun tita, alam ko po kasi hindi sya pwedeng umuwi hanggang hindi pa nya tapos ang kontrata.”
“Ahh Mama mo nasan? Sabay sabay na tayong pumunta ng eskwelahan” masuyo nitong tugon sa kaibigan ng anak.
“Nasa Shop pa po, sige po sasabihin ko po na sabay sabay na tayo, nasan po si Serafin?”
“Naku nasa taas pa tulog na tulog ikaw na nga ang gumising at tatanghaliin ka’yo, pasuyo na lang”
“Sige po tita akyatin ko na po” Pag sang ayon nito habang umaakyat na sa kwarto ng kaibigan.
Sanay naman sila na gisingin ang isa’t isa lalo na si Pen-pen dahil sadyang makupad gumising si Serafin. Pero may kakaibang naramdaman ang binatilyo ng umagang yun.
“Bakit ganon?” Tanong nito sa sarili habang humahagod ng tingin sa kaibigan.
“Initiman pa din naman ang buhok nito, unat padin, kayumaggi padin naman ang kulay ng balat. Pero bakit ganon Tumatayo balahibo ko, nanlalambot ang tuhod ko”
Tanong nito sa sarili habang nakakunot ang noo.
“Uy Gising” sabay tapik nito kay Serafin.
“Ummhg..” Umungol lang ito tanda ng pag tugon.
“Tanghali na kaya uh? Malalate na tayo sa graduation natin”
“Susunod na ko” Sabay dantay nito sa sa kanyang unan. Sa pag kakataong yun humarap na ito sa kaibigan. Kakaiba ang kanyang nararamdaman ng mga oras na yun may halong pangingilabot, kaba, panghihina. Pilit nyang tinatanong ang sarili kung bakit nga ganun ang kanyang nararamdaman. Pero di padin nya Makita ang tamang kasagutan.
“Oh basta sumunod ka na lang” sabay talikod nito. Ano nga ba ang kanyang nararamdaman sa kaibigan? pilit padin nya itong iniisip habang bumababa ng hagdanan.
Nakakunot ang noo ni Pen-pen habang sumsampa ng sasakyan papuntang eskwelahan gaya ng napagusapan sabay sabay nga silang tumungo dito.
“Tignan mo naman Mareng Lourdes binata na mga anak natin” Masayang sabi ni Aling Paz ang ina ni Pen-Pen nakasanayan na nilang mag tawagan ng Mare at Pare kahit wala naman silang inaanak sa isa’t isa. Parehong only child lang nila sina Pen-Pen at Serafin kaya naman mataas ang pangarap nilang pareho sa kani-kanilang mga anak.
Tinignan lang ni Aling Lourdes ang dalawa gamit ang salamin na nasa bandang taas ng minamanehong kotse. Ngumiti lang ito at saka nag salita.
“Kelan nga ba ang uwi ni Pareng Lito? Nagbibinata si Pen-pen na halos di nya nakikita ah. Di naman sa pakikialam Mare ha? Di maganda sa bata lalo na sa lalaki ang walang nakikitang father image”
“Hindi ko nga alam eh. Pinipilit ko na nga yon na pagtulangan na lamang naming palaguin yung hardware shop at wag ng bumalik pa ng Australia. Ang katwiran nya eh mahirap daw ang buhay dito sa Pilipinas, Isang limang taon na lang daw pag bigyan ko na lang daw sya”
Sagot ni Aling Paz “Eh kung sabagay pag umuuwi kami sa Laguna niyang si Pen-pen halos tatay na rin ang turing nya sa mga tito nya doon” Dugtong pa nito.
“Kung sabagay mahirap nga naman talaga ang buhay” Pag sangayon ng ina ni Serafin.
Hindi halos kumikibo si Pen-pen sa totoo lang malayo rin ang loob nya sa ama minsan lang kasi nya makapiling ito, halos di na nya mabilang kung ilang pasko at birthday nya ang nag daan na wala ang ama sa tabi.
“Mukang di pa tayo gumagraduate malungkot ka na ah?” bati ni Serafin sa kaibigan na kanina pa nya napapansin na walang kibo habang tinatahak nila ang daan papuntang eskwelahan.
“A- Kasi may iniisip ako eh” sagot ni Pen-pen habang dumudungaw sa bintana ng sasakyan.
“Ano?”
“Iniisip ko kung ano regalo mo sa akin”sabay tawa nito ang totoo kanina pa nya iniisip kung bakit sa tinagal tagal ng panahon e ngayon siya naiilang kay Serafin.
“Hahaha Asa ka naman syempre wala akong regalo” Sabi nito habang tumatawa ng malakas nakikitawa na din sina Aling Lourdes. Tumawa na rin sya pero sadyang ang daming tanong ang nasa kanyang kaisipan.
Pagod na pagod ng makauwi si Pen-pen sa bahay sa wakas ay malalapat na nya ang kanyang likuran sa kama. Tapos na sila ng elementarya pero hindi bakasyon o eskwelahan sa pasukan ang nasa isip niya kundi si Serafin. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit ilang na ilang sya dito eh kung tutuusin ay wala naman bago sa kaibigan wala naman tong bagong damit o bagong gadget para hangaan niya at kung meron man alam nya na hindi ito sapat para maramdaman ang nararamdaman. Sa paningin nya ay nag mukang binata si Serafin na nag tataka sya dahil araw araw naman nya tong kasama. At kung sakali man na nag bibinata na sila bakit kailangan pa nyang mabagabag.
“Umiibig ba ko? Kay Serafin?” Tanong nito sa sarili habang minamasdan ang kanilang litrato na kuha kanina mula sa kanilang graduation. “Mali. Mali? Bakit?” pangalawang tanong nito sa sarili. “Kasi pareho kaming lalaki? Kasi magkaibigan kami? Tinadtad na nya ng tanong ang sarili. Kinamot ang sariling ulo at nag talukbong ng kumot. “Wirdo. Kakaiba talaga to.” Hindi na nya namamalayan natulog na siya sa kakaisip.
“Gising gising batang tulog!” maingay at may kalakasan ang boses na yun ni Serafin habang niyuyugyog siya nito sa sariling kama kinaumagahan. Naalimpungatan s’ya naaninag na nya ang mukha ng kaibigan. Pumikit uli ito.
“Ano ba yan ang taong kagabi ko pa iniisip, yun pa ang taong gigising sa akin” Sambit nito sa isip.
“Eto na eto na!” kunot nitong sinabi habang pinipilit na tumayo.
Halong kaba at excitement ang kanilang nararamdaman ng nasa klinika na sila.
“Masakit kaya?” Tanong ni Serafin sa kaibigan.
“Next!” Sigaw ng nurse habang naka dungaw sa pinto ng isang maliit na kwarto.
“Next? Next daw” sabi ni Serafin kay Pen-pen.
“Uh de ikaw na Number 12 kaya ako Number 11 ka”
“Ay oo nga no? Wish me luck!” unti unti ng nag lakad papunta sa maliit na kwarto ng klinika ang binatilyo pilit na pinapatapang nito ang sarili, magbibinata na s’ya ilang minuto na lang walang dahilan para matakot. “Go for Gold! Sigaw nito sa kanyang sariling isip.
May mahigit kalahating oras din ang nag daan naka nguwi ito ng lumabas sa kwarto habang nakatingin sya kay Pen-pen.
Hindi maintindihan ni Pen-pen pero naawa sya sa kaibigan hindi takot ang kanyang nararamdaman kundi awa kay Serafin. Ayaw nya na nakikitang nahihirapan ito. Habang papalapit si Serafin ay nag bago ang reaksyon ng muka nito ang kaninang pag kakanguwi ay pinalitan ng isang matamis na ngiti.
“Sus! Sisiw lang pala” sambit ng nag mamalaking binatilyo. “Kayang kaya mo” pag papalakas nito ng loob sa kaibigan. Hindi naman talaga sya natatakot sa totoo lang pero sa pag kakataon na yun ay parang ayaw na muna nyang marinig ang salitang “NEXT”.
“Next!” Sigaw muli ng nurse. Tumingin ito kay Serafin para kahit papano ay mabigyan sya ng kaunting lakas ng loob “Kaya ko ba?” Tanong nito sa kaibigan na kitang proud na proud na nalagpasan nya ang pinaka malaking hamon nang isang nag bibinata. Tumango lang ito bilang pag tugon. Tumayo sya para pumunta na sa kwarto “Kaya ko to’kaya ko to” Paulit ulit nitong kumbinsi sa sarili.
“Kamusta mga binata ko!?” Bati ni aling Lourdes sa dalawa ng makauwi na sila sa bahay. Nakapalda ang mga ito habang inaangat ang tela upang hindi madikit sa sugat.
“Masakit?” Tanong ng ginang.
“Sisiw” Sagot ni Serafin sa ina.
Hindi kumikibo si Pen-pen ang totoo unti unti na itong sumasakit dahil nawawala na ang pamanhid na itinurok ng doktor.
“Wag Ipapakita sa nga girls, Mangangamatis!” Biro ng ina kay Serafin matagal na nilang naririnig ang kasabihan na yun pero hindi sila naniniwala, kung totoo yun kanina pa siguro ito nangamatis dahil babae ang nurse na nag asikaso sa kanila kanina. Nag katinginan lang ang dalawa at saka tumawa.
“Para tayong bading” Sabi ni Serafin kay Pen-pen habang itinataas ang palda na suot.
Tumawa lang si Pen-pen at napatingin sa malayo. “Bading? Bakla? Binabae? Ako?” tanong nito sa sariling isip. Hindi nya maisatinig dahil ang totoo kinakatok na din s’ya ng kanyang sariling pag ka tao.
Itutuloy….
0 comments:
Post a Comment