“Thanks Chad. See you”
Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang aking naranasan ng umagang iyon. Masaya ako dahil tila isang “prince charming” ang ngayon ay nagbibigay ng atensyon sa isang tulad ko. Halos hindi ko na mahintay ang oras ng aming pagkikita ni Adam. Hindi mawala sa isip ko ang napakagwapo niyang mukha at napakakisig na katawan. Hindi ko rin maialis sa isip ko ang kanyang pagkalalaki na sabik na akong matikman. Lumilipad ang aking isip habang nasa trabaho ako. Wala ako sa concentration kung kaya;t parang lutang ang aking isip. Halos hindi ako nakakain ng lunch dahil sa sobrang pagpapantasya kay Adam.
At dumating na ang oras. Eksaktong 5:30 pm ay umalis na ako sa opisina papunta sa aming meeting place.. Naisip ko na mas maganda na ang mauna ako sa kanya para I still have time to fix myself before we meet. Nakarating ako sa mall ng 6:15pm. Maya-maya pa ay nagtext sya “Let’s meet at Starbucks, I’m on my way”. I replied to him “Okay will see you there”. Dali-dali akong nagtungo sa CR room upang pagsipilyo, mag-ayos ng buhok, at magpabango. Then, I went straight to the coffee shop. After a few minutes, around 6:45pm ay dumating sya. I noticed na nagpalit na sya ng suot. He’s no longer wearing the white v-neck shirt na namantsahan ng ketchup. He now wears a red slim-fit round neck shirt pero bakat na bakat pa rin ang kanyang gorgeous body. Ang bungad nya “Kanina ka pa?” ang sabi ko “Nope, hindi naman mga 15 minutes”. He replied “Ahh… so saan mo gusto kumain?” Ang sagot ko naman.. “ikaw, ikaw nang bahala.”.. “Okay, sabi mo eh.. dun tayo sa Italian restaurant, favorite ko kasi ang pasta eh” he said. At umayon na lang ako sa gusto nya. Pagdating sa restaurant, ay binati agad sya ng lady attendant “Good Evening, Sir Adam, table for two?” He replied, “Yes please, pwede dun sa medyo private na lang”.. Binulungan ko sya “Kilala ka na dito ah, mukhang madalas ka talaga dito”. “Oo, sabi ko sayo favorite ko itong restaurant na ito” he answered.
Iniupo kami ng attendant sa isang sulok ng restaurant sa bandang dulo. Ibinigay na ng attendant ang menu. Nang tiningtingnan ko na ang menu at parang wala akong mapili dahil hindi naman ako ganung ka-familiar sa mga Italian dishes so binulungan ko na lang sya na “Ikaw na bahala umorder”. “Okay, sabi mo eh” he said. At idinikta na ni Adam ang order namin sa attendant “One Fried Calamari, One Pepperoni Pizza, One Fettuccine Frutti di Mare to share, and one bottle of red wine. We’ll order dessert later”. Matapos ulitin ng attendant ang order namin ay umalis na ito. I can’t help but look at his face since we are now seated face to face hindi kagaya kapag mag katabi lang kami sa bus na side view lang ang nakikita ko. He is really handsome, sa loob-loob ko. “Oh, baka matunaw na ako nyan” sabi nya sabay tawa. “ahh… sorry” ang nasambit ko na lang.. “Don’t be sorry, okay lang yun”. Bigla nanaman ako napaisip, bakit kaya ganito na lamang ang atensyong ibinibigay ni Adam sa akin. Una sa lahat, bagong kilala ko lang sya halos 3 araw pa lang, at pangalawa, sino ba naman ako, simple lang naman ako at hindi naman gwapo kagaya nya. Tinanong ko sya “Adam, hope you don’t mind, why are you doing this to me?” Nag-isip sya saglit bago sumagot “Alin? Yung Ilibre ka? Okay lang yun, birthday ko di’ba?” ”No, hindi lang ilibre ako, I mean, bakit mo ako binibigyan nag ganitong atensyon, halos hindi pa naman tayo magkakilala di ba?” sagot ko. Then he replied “Bakit ayaw mo ba?”. “No, do not get me wrong, I really appreciate everything that you are doing for me. Medyo nagtataka lang ako kung bakit ako?”ang sagot ko naman.
“Chad, let’s just say that I like you.” then hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa table at that time “Nung una pa lang na nakita kita sa bus, I know na gusto kita” pabulong nyang sinabi sa akin. Nabigla ako sa sinabi nya at biglang kong binawi ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak. Sabay dating naman ng waiter na inilapag sa mesa ang aming mga order. Pagka-alis ng waiter ay muli syang nagsalita “Chad, ayaw mo ba?” hindi ako nakasagot agad dahil sa pagkabigla sa mga pangyayari. Muli syang nagwika “May boyfriend ka na ba?”. After a few minutes of silence, I looked him in the eye and told him “Adam, I’m sorry pero parang ang bilis lang ng mga pangyayari. We barely know each other, I do not know you and you do not know me either. Baka nabibigla ka lang”. He quickly answered “Hindi Chad, hindi ako nagkakamali, gusto talaga kita. Kung hindi ka pa ready ngayon, hindi kita pipilitin. I’m willing to wait” Mababakas sa kanyang mata ang sinseridad nang bigkasin nya ang mga salitang iyon. And so I answered “Okay, ganito na lang, let’s give it a try. Pero wala munang commitment. Let’s be friends muna”. Sumagot muli si Adam “Okay, I can deal with that. Let’s be friends. For now. As I said, I’m willing to wait” Then he smiled “Oh kain na tayo, lalamig na yung food”. We enjoyed the food and enjoyed the night. We had the chance to get to know each other better. We shared stories, our likes and dislikes, our favorites, and almost everything under the sun. That night was a night to remember. After about an hour or so and two bottles of wine, tinawag na ni Adam ang waitress for the bill. He paid it through credit card. Habang kinukuha nya ang card nya sa wallet nya, I saw a picture of him and a guy an magka-akbay. I asked him “Sino yung nasa picture sa wallet mo?” he looked at me and answered “Alin? Yung picture? Ako lang yun” “hindi nakita ko may nakaakbay sayo na lalaki eh, sino yun?” usisa ko. “Ahhh… kapatid ko yun, nasa States na sya ngayon dun sya nag-aaral” sagot nya. Hindi na ako nag-usisa pa. Tumayo na kami at lumisan sa restaurant.
Nang makalabas na kami sa mall ay pumara si Adam ng taxi. “Magtaxi na tayo para maabutan natin yung last trip sa bus” sabi nya. Napansin ko na parang medyo nalasing si Adam sa ininom namin na 2 boteng wine na halos sya ang nakaubos dahil hindi naman ako malakas uminom. Habang umaandar ang taxi ay bumagsak na ang kanyang ulo sa aking balikat. Tinanong ko sya “Adam, okay ka lang. Kaya mo pa ba? Tinamaan ka ata ah?”. Sumagot sya “ Kaya ko pa, hindi ako lasing, pero oo, tinamaan ako, tinamaan ako sayo” Napangiti na lamang ako at sinabi na “Ay lasing ka nga” sabay tawa.
Nang makarating kami sa bus terminal ay papaalis na ang last trip ng bus pa-Cavite. Wala nang masyadong nakasakay ng oras na iyon. Kahit maluwag ang bus ay pinili pa rin ni Adam na maupo sa paborito nyang pwesto, sa second to the last row ng left side ng bus. Matapos makapaningil ang kundoktor sa lahat ng pasahero at pinatay na ng driver ang ilaw ng bus. Dahil sa pagkalasing sa wine ay nakatulog na si Adam sa aking balikat. Masaya ang aking pakiramdam ng oras na iyon. Ngunit may agam-agam rin ako sa bilis ng mga pangyayari.
Sa kalagitnaan ng byahe ay nagising si Adam, tumingin sya sa akin at nagtanong “Nasaan na tayo?”. I replied “Matulog ka lang, gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo bumaba”. Imbis na matulog muli ay humarap sya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Chad, salamat dahil sinamahan mo ako ngayong birthday ko. It really means a lot to me.” I was touched sa sinabi nyang iyon. “Okay lang yun Adam, ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo dahil nilibre mo ako. Wala man lang nga akong regalo sa’yo”. “Ano ka ba? Wala yun” he answered. Then suddenly, inilapit nya ang mukha nya sa akin and whispered “I have just one favor to ask. Kiss me” And bago pa man ako sumagot ay inilapat na nya ang kanyang mga labi sa akin. Nabigla ako ngunit wala na akong nagawa. Malambot ang mapupula nyang labi. Pinilipit nyang ibuka ang aking labi at unti unti nyang ipinapasok nag kanyang dila sa aking bibig. Wala pa akong karanasan sa paghalik kung kaya’t nagpaubaya ako sa kanya. Ginaya ko lamang ang lahat ng kanyang ginawa. He almost swallowed my tongue sa sobrang paghalik. Maya-maya pa ay hinahalikan na ni Adam ang aking leeg.. at sa sobrang sarap ng aking pakiramdam ay napapahalinghing ako.. “hmmm… Adam.. ohhh…”’ I was in Cloud Nine at that time.. dinilaan nya ang aking kanang tainga at ipinasok ang kanyang dila rito.. nakakakiliti ngunit napakasarap ng pakiramdam… Bumulong sya sa akin.. “Mahal Kita… Mahal na mahal kita Niko..” Bigla akong natigilan sa aking narinig. Niko??? Sino si Niko??? At dahil sa pagkabigla ay napaurong ako at inilayo ako ang kanyang ulo sa aking leeg.. “Why? Is there a problem?” tanong nya na tila hindi nya alam na ibang pangalan ang kanyang nabanggit. Nagdalawang isip ako kung kukumprontahin ko ba sya sa nagawa nyang iyon. Una sa lahat, wala naman kaming relasyon at pangalawa ayoko na sirain pa ang masaya nyang kaarawan. Sumagot ako sa kanya “Wala, nakikiliti na kasi ako. At saka, malapit na rin tayo bumaba. Maya-maya pa ay bumukas na ang ilaw ng bus.. “O yung mga bababa po, lapit na sa pinto” sigaw ng kundoktor. Natahimik ako at hindi umimik ng ilang sandali’ Bumulong si Adam “Chad, okay ka lang ba? May problema ba?”. Hindi ako agad nakasagot. Iniisip ko parin ang pangalang kanyang binanggit. NIKO. Sino kaya sya? Boyfriend kaya sya ni Adam? Muli syang bumulong “Uy Chad, okay ka lang”. “yup, I’m okay. Pagod lang siguro ako” sagot ko sa kanya.. Paghinto ng bus sa aking babaan ay lumingon ako sa kanya at nagpaalam. “Thanks again Adam. Happy birthday Ingat ka”. Ngumiti sya and said “you are most welcome. Ingat ka din. I’ll see you tomorrow”.
Bumaba ako sa bus na iniisip pa rin ang lahat ng naganap ng araw na iyon. Hangang sa makarating ako sa bahay at mahiga sa kama ay laman pa rin ng isip ko si Adam at si Niko, ang misteryosong lalaki sa buhay ni Adam.
TO BE CONTINUED...
CLick the Button Next Below to COntinue...
0 comments:
Post a Comment