And laman ng folder ay palitan ng text messages ni Adam at ng isang tao na ang nakaregister na pangalan ay “HoNeyKO”. I randomly selected one item in the folder at binasa ko ang exchanges nila.
Adam: HoNeyKo…
HoNeyKO: Yes.. Adam-baby??
Adam: punta ka here sa house… I think I’m sick :-(
HoNeyKO: Y? ano nararamdaman mo?
Adam: masakit ng katawan ko…
HoNeyKO: alam ko na ang cure jan..
Adam: what??
HoNeyKO: kiss-pirin at yakap-sule :-D
Adam: corny :-D hehehe. pero yes.. i think I need that.. punta ka na ngayon..
HoNeyKO: okay.. wait for me baby… I’ll be there in a few
Another message reads:
HoNeyKO: Adam-baby… thanks for the wonderful night, am rily very happy
Adam: glad you enjoyed it… Ako din I’m very happy to spend the night with you..
HoNeyKO: kung pwede lang na hindi na matapos ang gabing ito..
Adam: oo nga.. don’t worry.. uulitin natin ito…
HoNeyKO: sana soon… :-) thanks din sa gift mo sa akin…
Adam: ako din.. salamat sa gift… I’ll always wear it..
HoNeyKO: I love you baby…
Adam: I love you too honey… forever
At first ay hindi ko agad na nakuha kung sino ang tinutukoy na “HoNeyKO”. But after reading some more messages and by applying logic, I figured out that the moniker “HoNeyKO” is HONEY and NIKO combined. I was very surprised to find out that he is still keeping all text messages to and from Niko.
It seems that hindi pa nga talaga kayang kalimutan ni Adam si Niko. And I’m pretty sure that he still loves Niko. Well, sinabi ko naman sa sarili ko noong una pa na hindi magiging madali para kay Adam ang kalimutan si Niko. Based on the messages that I’ve read, they really love each other very much. Kaya nga lang, this leaves me wondering, if Niko is still in Adam’s heart, totoo kaya ang nararamdaman nya towards me? Or is he just diverting his attention to me for him to be able to somehow forget Niko?
Sobrang gulo ng isip ko dahil sa mga pangyayari ng araw na iyon. This has been another roller coaster day for me. After few more minutes of contemplating, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
The following day…
(KRRRRRRIIIIIIIINNNNNNGGGGG..)
Sa napakalakas na hudyat ng aking alarm clock ay nagising ako. Halos hindi ko pa maimulat ang aking mata dahil sobrang antok. Latang-lata ang aking pakiramdam na tila hindi ako natulog. Wala akong gana pumasok, ayoko pang tumayo. Lalo na ng maalala ko ang aking mga natuklasan kagabi.
Ang unang bagay na pumasok sa aking isipan ay ang katagang “HoNeyKO”. Muling bumalik sa aking alaala ang mga sweet messages na nabasa ko sa cellphone between Adam and Niko. Mas lalo yatang ayoko ko nang bumangon at gusto ko na lang magmukmok sa bahay. Tila ayoko ko rin muna na makita si Adam dahil hindi ko alam kung paano ko sya haharapin matapos kong malaman na nagsinungaling pala sya sa akin. Kung hindi nga lang may kaylangan akong tapusin na report sa trabaho ay hihilata na lang ako sa kama buong maghapon.
Pagbaling ko sa kabilang side ng kama ay nakita ko na wala na roon si Ethan. Marahil ay maaga itong nagising. Bumangon ako mula sa kama at nagtungo na sa closet upang kumuha ng towel at ang damit na aking susuotin. Habang namimili ng damit ay may narinig ako na music at boses na kumakanta. Taimtim kong pinakinggan kung saan nagmumula ang tinig na iyon. I realized na nagmumula ito sa terrace. Dahan dahan akong nagtungo doon at sumilip.
Nakita ko si Ethan, nakasuot lang ito ng itim na sando at pulang boxer shorts. Nakaupo ito sa bench sa terrace, tumutugtog ng gitara at umaawit.
(guitar playing/Ethan singing “Let’s Just Fall in Love Again” by Jason Castro)
Let’s pretend baby, that you've just met me
And I’ve never seen you before
I’ll tell all my friends, that I think you're staring
And you say the same to yours
And oh, well dance around it all night
And then I’ll follow you outside
And try to open up my mouth
And nothing comes out right
And I wanna fall in love with you again
I don't have to try
Its so easy, who needs to pretend?
But because its so funny
Let’s just think about it, honey
Let’s just fall in love again
Taimtim akong nakikinig sa kanya habang siya ay tumutugtog at umaawit. Ethan has very beautiful and soothing voice at bukod sa gitara ay marunong din sya tumugtog ng piano. Kaya lang, dahil may pagkamahiyain ay hindi nya naipamalas sa marami ang kanyang talento. Ako lang ang madalas nyang tugtugan noon. Actually, isa sa mga nagustuhan ko kay Ethan ay ang pagiging musikero nya at ang malamyos nyang boses .
Matapos nyang umawit ay tuluyan akong lumabas sa terrace at lumapit kay Ethan “Uy…ang galing mo pa rin talaga tumugtog ah! at nakapaganda pa rin ng boses mo Ethan!” pagpuri ko sa kanya sabay tapik sa balikat nito. “ahhh.. kanina ka pa ba nakikinig? Naku, hindi naman masyado, ngayon nga lang ulit ako nakatugtog ng gitara eh. nakita ko lang itong gitara dun sa ibabaw ng aparador mo” sagot ni Ethan sabay kamot sa ulo na tila nahihiya. “Actually, kay kuya yang gitara na yan, regalo ko sa kanya noon kaya lang hindi na nya nadala sa UK ” sagot ko.
“Ahhh… Chad, oo nga pala… pasensya ka na pala kagabi ha.. baka iniisip mo na sinadya ko na tapunan ng cake si Adam.. hindi ko sinadya yun.. sorry talaga.. sana hindi ka galit sa akin” wika ni Ethan. “Hmmm.. hindi mo ba talaga sinadya???” nakangiti kong tanong kay Ethan. “hindi.. hindi ko talaga sinadya.. pero mabuti na rin yun…” sagot ni Ethan sabay tawa. “ikaw talaga.. kilala kita.. alam ko kapag sinadya mo ang isang bagay or hindi… pero kahit sinadya mo… okay lang din yun.. hindi rin naman nagalit si Adam” sagot ko sa kanya. Ngumiti lang si Ethan sa akin.
“Oh sige.. tumugtog ka nga ulit” pakiusap ko kay Ethan .Muling tinipa ni Ethan ang kwerdas ng gitara. “Chad, natatandaan mo pa ba itong kantang ‘to? Lagi ko itong tinutugtog noon (plays the guitar and sings “Because of You” by Keith Martin)
If ever you wondered if you touched my soul yes you do
Since I met you I'm not the same
You bring life to everything I do
Just the way you say hello
With one touch I can't let go
Never thought I'd fall in love with you...
(Ethan staring at me while singing)
Because of you, my life has changed, thank you for the love and joy you bring
Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you
Because of you, my life has changed, thank you for the love and joy you bring
Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you
Habang inaawit ni Ethan ang kantang iyon ay muling bumalik sa aking isipan ang masasayang alaala ng nakaraan namin ni Ethan. I remember vividly yung instance when he sang that song. It was in the coffee shop, and if I’m not mistaken, it was our 4th monthsary. Hindi pa nga nya saulado yung chords at lyrics kaya may kodigo sya. Tapos after nyang kantahin sa akin yun noon, he gave me a silver bracelet as a gift, which I think naiwala ko na ata.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti habang pinapanuod sya na tumutugtog. Nakadama rin ako ng kilig when he stared at me as if he is serenading me. Matapos umawit ni Ethan ay nagkatitigan kami. His eyes are literally magnetic na parang kusang nagpapalapit sa akin towards him. I felt a spark in my heart na nagbabilis ng tibok ng puso ko. I saw how his face slowly moves towards my face. I think he’s gonna kiss me now and I think I’m ready to give in… then bigla kong naalala… “Shocks!!! hindi pa pala ako nagsisipilyo. Dyahe kung hahalikan nya ako at bad breath pa ako”
Kaya agad akong napatayo sa aking kinauupuan. “Ahhh.. Ethan… ahh… maliligo na pala ako.. baka ma-late kasi ako sa work..” pagpapalusot ko kay Ethan. Si Ethan naman ay halatang nabitin sa naudlot nanaman naming halikan. I think madaming beses na atang naudlot ang mga”moments” namin ni Ethan. “Ahh.. sige.. bababa na rin ako to have breakfast..” wika ni Ethan.
Agad naman akong nagtungo sa banyo upang maligo na. Hindi nanaman ko makapaniwala sa muntik nang mangyari ilang minuto lang ang nakalipas. Matapos makaligo at makapagbihis ay sumunod na ako sa dining room para magbreakfast. As usual, ay ipinagtimpla na ako ng kape ni Ethan. Kapansin pansin na panay ang pagsulyap ni Ethan sa akin na tila minamasdan ako ng maiigi. Tuwing mahuhuli ko sya na nakatitig sa akin ay ngingitian lamang niya ako na tila may nais sya na ipahiwatig. Kung ano yun ay hindi ko rin alam.
Maya-maya pa ay may narinig ako na bumusina sa tapat ng aming gate. Tiyak ko na si Adam na iyon. Nagpaalam na ako kay Ethan at sa aking Mommy. “I’ll go ahead Ma.. Ethan..” wika ko. “Okay Hijo mag-ingat ka!” wika ni Mommy. “Take care Richard! See you later” nakangiting wika ni Ethan.
Habang papalabas ako ng bahay ay muli kong naalala ang aking mga natuklasan kagabi. Muli akong nakaramdam ng lungkot at kaunting sama ng loob dahil sa pagsisinungaling ni Adam sa akin tungkol sa party na pupuntahan nya sa Sabado. Pagbukas ko ng gate ay nakita ko ang pulang kotse ni Adam na nakabukas na ang pinto sa pasenger’s seat. Nakita ko rin na kumaway si Adam ng makita ako.
Bago pa man ako sumakay sa kotse ay huminga ako ng malalim. Sa loob-loob ko.. hindi ko ipahahalata na may natuklasan ako tungkol sa kanya. Pagkaupong pagkaupo ko ay agad na humalik sa aking pisngi si Adam. Sinuklian ko naman ito ng matipid na ngiti. Wala nang inaksayang sandali si Adam at pagkahalik nya ay agad na nitong hiningi sa akin ang kanyang cellphone “Ahhh.. honey.. nasaan na nga pala yung phone ko??” tanong ni Adam. Agad ko naman itong iniabot sa kanya.
And as expected he immediately checked the messages that came in especially the ones that came from a certain “Tita Sandra”. Siguro it took him around 5 minutes just checking his phone bago kami umalis. I was just silent all the time kahit may natuklasan na ako sa kanya. And just to test if he will still lie to me about the party na pupuntahan nya bukas I asked him “Ah.. Adam.. I remember.. di ba nasabi mo na may pupuntahan kang birthday party tomorrow? Sino na nga yung may birthday?” pag-uusisa ko. Hindi agad sumagot si Adam at tila nagulat sa aking pag-uusisa.
“Ahhh.. I told you it’s my cousin’s birthday, right?” matipid na sagot ni Adam. “Ahhh… pwede ba akong sumama?” tanong ko sa kanya kahit alam ko na hindi nya talaga isasama dahil It’s Niko’s party and not his cousin’s., “Chad.. di ba nga sinabi ko na huwag na lang dahil saglit lang ako doon.” sagot ni Adam. “So what kung saglit ka lang? baka naman ayaw mo lang talaga ako ipakilala sa kanila” patampo kong sagot. “Hindi naman sa ganoon.. kaya lang kasi…” naputol ang pagsagot ni Adam at tila nag-isip ito. “Kaya lang ano…???” pangungulit ko sa kanya.
“basta… huwag na lang kasi.. next time na lang, promise!” sagot ni Adam. Hindi ko na kinulit pa si Adam na isama nya ako dahil I’m 100% sure that he will never do that. Dahil sa mga sinagot nyang iyon ay lalo lang ako nalungkot. I’m sad that he lied to me, not only once pero inulit pa nya ngayon. Pero ano ba ang magagawa ko? Dapat ba akong magalit sa kanya? I don’t think I have the right to. Well, I think I just have to deal with it.
I can’t help but compare him to Ethan. Noong kami pa, Ethan never lied to me and trust was never an issue. Kung magsisinungaling man si Ethan, hindi ito nakakatiis at sya na rin agad ang magsasabi ng totoo sa akin. I can attribute his honesty and openness sa magandang pundasyon ng aming relationship which started nung mga bata pa kami. Well, as I said what can I do? Maybe papalampasin ko na lang muna ito and I just hope na hindi na maulit pa.
Tahimik lang ako throughout our trip while Adam looked a little bothered. Maybe he is still thinking about the party tomorrow. When we arrived sa office, I immediately alighted the car and just waved Adam a quick goodbye. Agad ding umalis si Adam pagkatapos kong magpaalam sa kanya.
Pagkaupo ko sa aking desk ay agad kong binuksan ang aking desktop computer. And when I checked my e-mail, kinabahan ako ng makita ko ang isang e-mail na galing sa aming big boss, ang HR Director. The e-mail reads:
SUBJECT: Urgent!
“Chad, see me in my office at 9:00 am sharp. I need to talk to you about something very important.”
Ang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa e-mail na iyon. Naisip ko na baka dahil ito sa report na hindi ko pa naisu-submit. Baka pagagalitan ako nito dahil lately ay hindi maganda ang aking performance or worse, baka sisantehin na ako. Hindi ko talaga maipaliwanag ang sobrang kaba na aking nararamdaman.
Admittedly, nang mga nagdaang araw ay nawala ang aking focus sa pagta-trabaho. Obviously, this is because of Adam and Ethan at ang magulo kong buhay pag-ibig. Pero ano naman kaya ang dahilan para masisante ako? Hindi naman sa inaangat ko ang sarili kong bangko, but I can say that I’m very devoted employee. I always see to it na nagagawa ko ang aking deliverables in a very timely manner. Hindi rin naman ako pala-absent at bihira pa ako ma-late. Maayos din naman ako makisama sa aking mga officemate.
Halos hindi na ako mapakali dahil sa pag-iisip sa dahilan kung bakit ako ipinapatawag ng big boss namin. Kahit tanungin ko ang officemates ko ay wala raw silang maiisip na dahilan kung bakit ako ipininatawag. Pagpatak ng alas nuebe ng umaga ay nagtungo na ako sa office ng HR Director. Agad naman akong pinapasok ng secretary nya.
“Good morning Ms. Yna” kabado kong pagbati. “Good morning Chad, please have a seat” sagot nya sabay sarado ng pinto ng kwarto. Umupo naman ako sa upuan sa tapat ng table ni Ms. Yna. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng aking dibdib at nanlalamig ang aking kamay. “Chad, as I said in my e-mail, pinatawag kita this morning to discuss with you a very important matter. This is regarding your work and your role in the company” paglalahad ni Ms. Yna. Lalo na akong kinabahan dahil tila tama nga ang hula ko na tungkol ito sa performance ko sa trabaho.
“Chad, for the past three years of your service to the Company, we saw how you have grown from being just an average fresh graduate into becoming a devoted young professional. Your work ethics is unquestionable. Indeed, your have become an important part of our department and also of this Company. Malaki ang naitulong mo sa mga projects natin sa department which fortunately have been very successful. We even received commendations from the Management Board because of the project that you spearheaded” wika ni Ms. Yna. Habang nagsasalita ang boss ko ay pinagpapawisan ako ng malamig. So far, parang magaganda naman ang sinasabi nya pero kinakabahan pa rin talaga ako.
“Having said that Chad, there would be changes in your role in the company. Nakausap ko na rin si Marco (my supervisor) about this. I would need you to immediately vacate and leave your cubicle..” wika ni Ms. Yna. Matapos na bigkasin ni Ms. Yna ang mga katagang iyon ay natigilan ako. Tama ba ang aking narinig? Pinaalis na ako sa cubicle ko? does it mean tanggal na ako sa trabaho? “Ahh… Ms. Yna.. what do you mean leave my cubicle?” kabadong tanong ko sa kanya.
“Yes, I need you to leave that cubicle because you are moving to your new room. Chad, congratulations! The board has decided to promote you as Associate Manager. You will be particularly handling Recruitment and you will now take the role of Marco, who is leaving the Company to pursue further studies abroad. Congratulations!” wika ni Ms. Yna sabay kinamayan ako nito. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. I was promoted as an Associate Manager?! This is surreal.
“Really Ma’am??” maikli kong sagot. “Yes, Chad.. this is real! And aside from having your own room, we will be sending you to Singapore for a three-day training. Hindi lang yon, as an incentive, you can bring along one more person , either your mother, friend or special someone, and you can stay for two more days after the training. All expense paid ang business and leisure trip na ito, meaning airfare and hotel accommodation are free. And we will give you a pocket money pa of USD 500. So what do you think?” nakangiting bigkas ni Ms. Yna.
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga binanggit ni Ms. Yna. I was not expecting this. Not at all. I was literally speechless. Napalitan ng sobrang kasiyahan ang aking kaba kanina. “Ms. Yna.. I can’t believe that this is happening. I’m very happy! Thank you very much po!!” wika ko sa kanya. “You do not have to say thank you, you deserve it!” wika ni Ms. Yna. By the way, the schedule of the trip is by the end of the month which just a week from now. Just coordinate with our travel desk para maayos na yung trip mo and kung sino yung isasama mo, okay? Way to go Chad, keep it up!” dagdag pa ni Ms. Yna. “Thank you very much po talaga!” sagot ko.
Abot tainga ang aking ngiti paglabas ko ng room ni Ms. Yna. Ang nakakagulat pa ay ang mga pagbati ng mga officemates ko. In-announce na rin pala through e-mail ang promotion ko habang kinakausap ako ni Ms.Yna. Panay pa nga ang kantyaw ng iba na magblowout daw ako. Sobrang saya talaga ng feeling ko that time. This is the best way to end the week.
Kaya lang bigla naman akong napaisip. Sino nga pala ang isasama ko sa trip to Singapore? si Mommy ba? pero parang ayaw ko ata na kasama sya at isa pa takot sumakay sa eroplano yun. So this leaves me with two options – Would it be Adam or Ethan? “Holy Crap!!! Sino sa kanila ang isasama ko???. Well, I still have few days para makapag-isip at magdecide. I-enjoy ko na muna ang napakasayang araw na ito!
Dahil na rin sa kantyawan ay napilitan ako na mag-blowout ng lunch sa office. Nagpadeliver na lang ko ng ilang boxes of pizza. Panay pa nga ang biruan dahil “Sir” na ang tawag nila sa akin dahil boss na raw nila ako. But for me, I don’t care about the title or position, what’s more important is the value na naibibigay mo sa trabaho mo, sa Company at sa mga officemates mo. That for me is more fulfilling.
Sumapit ang alas singko ng hapon. Matapos magligpit ng mga files at magshut down ng computer ay bumaba na ako ng lobby. Papalabas na sana ako ng building para hintayin si Adam nang tawagin ako ng receptionist. “Sir Chad, may naghihintay po sa inyo kanina pa.” wika ng receptionist sabay turo sa isang lalaki na nakaupo sa sofa sa lobby. I was surprised to see Ethan. Agad ko itong nilapitan.
“Hey Ethan, what are you doing here? Kanina ka pa daw dito?” tanong ko kay Ethan. “ahh.. yes.. may pinuntahan kasi ako na kaibigan somewhere in Makati, eh naisip ko na dumaan na dito para sabay na sana tayo umuwi” sagot ni Ethan. “Ahhh.. ehhh.. kasi… si Adam kasi.. ano… susunduin kasi nya ako eh..” pautal-utal kong sagot kay Ethan. “Ahh.. ganun ba?? oo nga pala.. nakalimutan ko. sige.. I’ll just go ahead..” sagot ni Ethan na tila nanghinayang. Nakonsensya naman ako dahil mukhang matagal syang naghintay sa akin. “Ahh.. wait Ethan.. ganito na lang.. sumabay ka na lang din sa amin.. Ako na bahala kay Adam..” sagot ko. “Naku.. wag na Chad.. nakakahiya naman kay Adam.. at saka baka bad trip pa yun sa akin dahil natapunan ko sya ng cake.. okay lang.. uuwi na lang ako mag-isa” sagot ni Ethan.
“Hindi.. ano ka ba Ethan.. okay lang yun sa kanya.. sumabay ka na sa amin.. baka matagalan ka pa kapag nag bus ka. hintayin lang natin si Adam. Padating na siguro yun” sagot ko kay Ethan. “Talaga? Okay lang naman kasi kung…” Agad kong pinutol ang pagsasalita ni Ethan “hindi na.. okay lang talaga yun.. ako na bahala.”wika ko.
Pumayag na rin si Ethan kalaunan. Makalipas ang ilang minuto ay nagtext si Adam sa akin. “Chad.. I’m here na.” Agad ko namang niyaya si Ethan upang lumabas. Paglabas ng building ay agad kong nakita si Adam na nakatayo sa tabi ng pula nyang kotse. Dahil hindi rin ako sigurado sa magiging reaksyon ni Adam kapag sinabi ko na sasabay si Ethan ay minabuti ko na maunang lumapit kay Adam at kausapin na ito.
“Ahh.. Adam..ano.. pwede ba nating isabay si Ethan? kasi may pinuntahan daw sya malapit dito eh naisip na nya na dumaan dito sa office.. okay lang ba?” pakiusap ko kay Adam. Hindi agad sumagot si Adam at tila nagisip ito, Tumingin ito kay Ethan na papalapit na rin sa amin. “eh ano pa bang magagawa ko? alangan namang ipagtabuyan ko pa sya.. sige na pasakayin mo na” pabulong na sagot ni Adam. “Salamat Adam” maikili kong sagot sa kanya.
Agad ko namang pinasakay si Ethan. “Ethan, sige na sakay ka na.”. Ako din ay sumakay na sa kotse. Mabilis namang bumati si Ethan kay Adam. “Good afternoon bro.. pasensya ka na kung makikisabay ako ha!” wika ni Ethan kay Adam. “Ah.. okay lang yun..” matipid na sagot ni Adam na tila napilitan lang talaga na pumayag dahil sa akin.
Para pakonswelo na rin kay Adam dahil sa pagpayag nya na isabay si Ethan ay niyaya ko na lang ito na magdinner ulit sa amin. Naisip ko rin na doon na lang inannounce ang tungkol sa promotion ko. “Ah.. Adam.. doon ka na lang ulit magdinner sa amin.. Itetext ko na si Mommy para magluto” paanyaya ko kay Adam. “hmmm… okay sige… sabi mo eh” wika ni Adam.
Habang nasa byahe ay nagpapakiramdaman kaming tatlo. Tila walang gustong magsimula ng usapan. Ito nanaman ang “awkward scenario” naming tatlo. Maya-maya ay nagsalita si Adam “Ahh.. Ethan.. di ba sa States ka na naka-base right? Citizen ka na rin ba?” tanong ni Adam kay Ethan na sya kong ikinagulat. For the first time ay nag-initiate ng usapan between them. Kaya lang parang kinakabahan pa rin ako sa kung ano ang pwedeng patunguhan ng usapang iyon.
“Ahh.. yes.. green card holder na rin ako..hmm.. bakit mo naman naitanong?” sagot ni Ethan. “ahh.. wala naman.. yung sister ko kasi doon din nakabase pero nandito sya ngayon for vacation.” Pabalik na sagot ni Adam. “Ahh.. ganun ba? anong state sya? Ako sa New York pero may bahay na rin kami sa Chicago” wika ni Ethan. “Actually Chicago sya naka-base.. well madami na rin talaga ang Pinoy doon” sagot ni Adam.Mukhang maayos naman ang tinatakbo ng usapan nila. They are at least “civil” with each other. Walang tension and I hope hindi na magkaroon pa.
“So Ethan.. how long pala ang stay mo sa Pinas? kailan ang balik mo sa States?” tanong ni Adam. Medyo nagulat ako sa tanong ni Adam na iyon dahil tila may iba itong konteksto. Kinabahan ako ng konti sa isasagot ni Ethan. “Ahh.. actually.. dapat two weeks lang talaga ako.. pero I think baka mag-extend ako.. may inaayos pa kasi ako” sagot naman ni Ethan na tila nakuha ang ibig ipahatid ni Adam. “Ah ganun ba? ano naman yun? if you don’t mind” patakang tanong ni Adam. Hindi agad sumagot si Ethan at tila inisip muna ang sasabihin. “Ahh.. pasensya na but I guess I’ll just keep it to myself” sagot ni Ethan. “okay…well.. good luck na lang.. I hope maayos mo na rin soon” makahulugang sagot ni Adam
Tila unti-unti na namang namumuo ang tensyon sa pagitan nila kaya minabuti ko na mamagitan. “Ahh.. guys.. oo nga pala.. I have a very important announcement mamaya..” wika ko. “Oh… ano naman yan Chad? “ tanong ni Ethan. “Basta mamaya.. malalaman nyo rin!” sagot ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa aming bahay. Nauna nang bumaba si Ethan habang hinintay ko na si Adam na ma-ipark ng maayos ang kotse bago kami bumaba. Halatang medyo iba nanaman ang dating kay Adam ng mga sinabi ni Ethan kanina. “So.. may inaayos pa pala si Ethan kaya hindi pa sya bumabalik sa US (pauses for a while) siguro ikaw yun ‘no?” wika ni Adam. “Ikaw talaga.. kung ano-ano yang iniisip mo… mga papales yun ng Daddy nya..” sagot ko na lang sa kanya kahit alam ko na ang tinutukoy talaga ni Ethan ay ang relasyon naming dalawa. “hmm.. halata naman.. but anyway.. hindi naman ako papayag eh..” seryosong wika ni Adam sabay baba ng kotse.Malaman ang mga binitiwang salita ni Adam na tila ipinahihiwatig nito na hindi nya papayagang magkabalikan muli kami ni Ethan.
Pagpasok ng bahay ay agad na sumalubong si Mom “Good evening po Tita” bati ni Adam sabay halik sa pisngi ni Mom. “good evening naman hijo” sagot ni Mommy. Agad na kaming umupo sa dining table. Si Ethan na nagpalit na ng damit ay umupo na rin. Inihain na ni Mommy ang kanyang nilutong dish na Beef Salpicao. Nagbiro pa ito habang inilalapag ang bandehado “Oh wala nang breast at leg part yan ha.. para wala nang away!” biro nito. Bahagya namang napangiti si Adam at Ethan.
Peaceful naman ang atmosphere habang kumakain kami. As usual bangka ulit ang nanay ko sa mga kwento nya tungkol sa buhay nya na sya namang nagpagaan ng mood namin. Matapos makakain ay naisipan ko na na simulan ang aking announcement. “Okay guys.. as I mentioned kanina.. I have an announcement to make.” Tiningnan ko muna sila isa-isa bago ako nagpatuloy. “Are you ready?” tanong ko. “Yes.. hijo.. wag mo na kaming bitinin” sagot ni Mommy”
“I got promoted!! Associate Manager na ako!” bulalas ko. “Naku Richard.. Congratulations anak! Nagbunga na rin ang hardwork mo sa trabaho!” pagbati ni Mommy na tumayo pa ay lumapit sa akin upang halikan ako. “Thank Ma!” sagot ko. Si Ethan at Adam ay natuwa rin sa aking announcement. Si Ethan ay tumayo rin at nagpunta sa aking likuran at niyakap ako “Congratulation Richard.. You deserve it” wika ni Ethan. “Salamat Ethan” matipid kong sagot.
Napansin ko na tila nagdadalawang isip si Adam na lumapit rin sa akin. Pero nang tumingin ako sa kanya ay tumayo na rin ito ay yumakap rin ito sa akin. “Congratulations Hon” bulong ni Adam na sya ko naman sinagot ng “Thanks Adam”. Matapos ang pagbati nila sa akin ay nagserve naman ng ice cream ang Mommy ko. Muli itong nagbiro habang nagi-scoop ng ice cream. “Ohh, mga hijo.. ako na ang magse-serve ah.. para wala nang matapunan sa damit” wika ni Mommy. “si Mommy talaga” sagot naman ni Ethan na tila tinamaan sa biro ni Mommy.
Habang nagkakasiyahan pa sila dahil sa mga jokes ni Mommy ay tumayo ako upang mag-CR. Nang isasara ko na ang pinto ay bigla na lang pumasok si Adam sa CR at bigla nyang isinara ang pinto. ”Hey Adam.. anong ginagawa mo? baka mahalata tayo nila Mommy” nag-aalala kong wika. “Hindi.. saglit lang ‘to.. I just want to give you a proper Congratulations for your promotion” wika ni Adam sabay halik sa aking labi. Hindi naman ako nakapalag pa dahil sa sobrang passionate na paghalik ni Adam.
Maya-maya, naputol ang paghalik ni Adam ng biglang nagring ang cellphone nya. Nang tingnan nya kung sino ang tumatawag, it’s that “Tita Sandra” again. Dahil dito, agad na lumabas sa CR si Adam upang sagutin ang tawag. Ako naman ay hindi agad lumabas. Naririnig ko ang tinig ni Adam na kausap ang babae.
Hello Tita. Good evening po. (lady on the other line talks)
Yes, nasabihan ko na po sina Mom at Dad at Clarice. Sasama daw po sila.
Yes, Tita. I’ll just see you tomorrow.
Nang marining ko na patapos na ang usapan nila ay lumabas na ako ng CR. Agad ko namang iniusisa si Adam. “Sino yung tumawag?” tanong ko. “Ahhh.. wala si Tita lang ulit.. kinukulit lang ako para sa party bukas” sagot nya. “ahhh… okay” matipid kong sagot. Naalala ko nanaman tuloy ang pagsisinungaling nya sa akin.
Habang nag-uusap kami ni Adam sa may bandang kusina ay biglang dumating si Mommy upang tawagin kami. “Mga hijo… halina kayo.. let’s continue the celebration.. its videoke time!!!” masayang wika ni Mommy. Agad naman kaming sumunod ni Adam patungo sa sala. Nakita namin na inaayos na ni Ethan ang videoke microphone. Umupo na kami ni Adam sa sofa. Magkatabi kami ni Adam sa mahabang sofa, while si Ethan at Mommy naman ay nakaupo sa pang-isahang sofa.
“Adam.. kumakanta ka ba? ikaw na ang maunang pumili” wika ni Mommy. “Ahh… ehh… mauna na po kayo.. mamaya na lang po ako” nahihiyang sagot ni Adam. “O sya.. si Ethan na lang ang mauna.. naku magaling kumanta yan…”pabidang sagot ni Mommy. “Hindi naman masyado Ma..” sagot ni Ethan.
Agad na pumili ng kanta si Ethan at ipinlay nya ito. Ang kantang pinili nya ay ang “The Reason” ng Hoobastank. “This song is dedicated to our new Asscociate Manager” bungad ni Ethan. Pumapalakapak naman ng malakas si Mommy. (Ethan singing):
I'm not a perfect person
There's many things I wish I didn't do
But I continue learning
I never meant to do those things to you (*Ethan looks at me*)
And so I have to say before I go
That I just want you to know
I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
And the reason is you
(*Ethan now staring at me while singing*)
I'm sorry that I hurt you
It's something I must live with every day
And all the pain I put you through
I wish that I could take it all away
And be the one who catches all your tears
That's why I need you to hear
I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
And the reason is you
And the reason is you
And the reason is you
And the reason is you
Matapos ang kanta ni Ethan ay tumitig ito sa akin na tila sinasabi na ang kantang iyon ang laman ng kanyang puso. The message of the song says it all. Natouch naman ako dahil sa mensahe ng kanta. Sinuklian ko na lamang ng ngiti si Ethan.
Ngunit napansin ko na nakita ni Adam ang pagtitig na iyon ni Ethan sa akin. Tila na-challenge ata ito kay Ethan kung kaya agad nitong hinihinggi ang song book at microphone kay Mom. “Tita… can I have the songbook and mic po? ” lakas loob na wika ni Adam. “Sure hijo” sagot ni Mom sabay abot kay Adam.
Anong kanta kaya ang itatapat ni Adam sa kanta ni Ethan?
TO BE CONTINUED…
CLick the Button Next Below to COntinue...
0 comments:
Post a Comment