Nang bumalik ako sa kwarto ay nabigla ako sa aking namalas. Naghubad ng kanyang suot na sando si Ethan at isinukbit nya ito sa suot niyang short. Pawis na pawis si Ethan pero talagang kapansin pansin ang kanyang napakakisig na katawan. Napatitig lang ako sa kanya at nahagyang napalunok. Sa loob-loob ko, parang nanunukso yata itong Ethan na ito ah. “Sobrang init talaga dito sa Pinas Chad, nakasando na nga ako pero parang init na init pa rin ang pakiramdam ko” wika ni Ethan habang pinapahiran ang tumulong pawis sa kanyang noo, leeg at katawan. Iba ang mga tingin nya sa akin na tila nang-aakit. “Hmmm..Sino yung tumawag sa’yo? si Adam yun ‘no?” usisa ni Ethan. “Ah… oo, may tinanong lang sa akin” maiikli ko namang sagot. “Iba na talaga ang may boyfriend, there’s always someone checking on you” pabulong na wika ni Ethan. “I told you he is not my boyfriend, kaibigan ko lang yun si Adam” mabilis ko namang pangangatwiran. “oh, oh,wag ka masyado defensive.. fine kung kaibigan lang, eh di kaibigan lang talaga, sabi mo eh” pabirong sagot ni Ethan na tila nanunuya. Sa kabila nang pag-uusisa niya ay hindi ko talaga mapigilan ang sarili na masdan ang kaakit-akit na katawan ni Ethan. Patuloy na hinalungkat ni Ethan ang mga boxes. Marami pa syang nakitang mahahalagang bagay tulad ng photo album, scrapbooks, school certificates, medals at marami pang iba. Ako naman ay muling naupo sa tabi ng mga box upang tingnan ang mga old photos na nakita ni Ethan. Nakita ko ang mga litrato namin nung elementary at high school kami. Kapag nakita mo sya noon ay hindi mo aakalain na magiging ganito kakisig at kagwapo si Ethan. Kung noon ay mukha syang malnourished na bata dahil sa sobrang kapayatan, ngayon naman ay tila isa syang modelo sa sobrang kakisigan. Nakita ko rin ang mga litrato ng mga outing at field trips namin. Those were the happy days that I will never forget. Habang busy ako sa pagbrowse ng mga pictures, hindi ko namalayan na nakapwesto at nakaluhod na rin pala sa likod ko si Ethan at tinitignan din ang mga litrato. Nagtataka lamang ako kung bakit parang tahimik lang siya habang tinitingnan din ang litrato. Maya-maya pa ay parang nararamdaman ko na ang mainit na hininga nya sa aking batok at tainga na medyo nagpakiliti sa akin. Hindi ko lang ito pinansin. Ilang segundo pa ay ipinatong naman nya ang dalawa niyang kamay sa aking balikat. Marahan itong bumababa sa aking braso. Nararamdaman ko ang dahan-dahang pagdampi ng malalambot nyang labi sa aking leeg. Sa loob-loob ko, talaga yatang sinusubok at tinutukso ako nitong si Ethan ah, kung kaya’t ay agad na akong tumayo at patay malisya ko syang muling kinausap. “Ahh… halika ka na Ethan, parang mainit na talaga dito sa kwarto mo. Dalhin na lang natin yan’ mga gamit mo sa bahay at doon mo nalang tingnan yung iba” yaya ko sa kanya. Mababakas sa mukha ni Ethan ang panghinayang dahil hindi nya naisakatuparan ang gusto nyang mangayari. Hindi ako bumigay sa kanyang patibong. “Ah..okay… tama ka sobrang init na nga ng pakiramdam ko, sige tara na” sagot ni Ethan na tila iba ang pakahulugan sa sinabi nya. Sinuot na muli ni Ethan ang kanyang sando. Binuhat naming dalawa ng mga kahon palabas ng kanilang bahay. Tahimik lang kami habang naglalakad pabalik sa aming bahay. Nagtitinginan kami ngunit hindi kami nag-uusap. Marahil ay iniisip pa rin ni Ethan and naudlot nyang plano. Nang makarating kami sa bahay ay agad na akong umakyat sa kwarto upang maligo dahil nga sa sobrang init ng panahon. Habang naliligo ay nagmuni-muni ulit ako tungkol kay Ethan at sa aming relasyon. Ano na nga ba ang tunay kong feelings towards him? As I said ay pakikitunguhan ko naman sya ng maayos habang nandito sya sa Pilipinas alang-alang na rin sa aking Mommy at kay Tita Margaret. Pipilitin ko na hindi sya pakitaan ng hindi maganda kahit na sa loob ko ay mayroon pa rin akong natatagong sama ng loob sa kanya dahil nga sa mga nangyari sa amin noon. Pero when I think about it, dahil sa mga sinabi nya kagabi, parang hindi naman talaga ginusto ni Ethan na iwan ako noon. At parang willing at sincere naman sya na ayusin ang lahat sa amin habang nandito sya sa Pilipinas. Ang tanong, kaya ko na ba syang patawarin? But still, nasaktan pa rin nya ako at hindi lang yun basta sakit na nawala lang overnight. Ilang gabi ko rin syang iniyakan nang umalis sya at hindi na nakipagcommunicate sa akin. At ang isa pang consideration ay ang brewing relationship namin ni Adam which I think is on the right track as of this moment. Even though bago pa lang kami magkakilala ay nakikita ko na maganda ang tatakbuhin ng aming relasyon. Baka gumulo lang lalo ang sitwasyon kapag nagkaayos kami ni Ethan. Well, I think I just have to take it one step at a time. Matapos kong maligo ay nagbihis na rin ako upang samahan si Mommy sa pamimili. Napansin ko na nakahiga na muli sa kama si Ethan at natutulog. Marahil ay hindi pa rin ito nakakapag-adjust sa oras at siguradong may jet lag pa ito. Iniwan na lang muna namin sya sa bahay upang makapagpahinga sya. Hapon na rin nang makabalik kami mula sa pagsa-shopping. Minsanan lang kasi kung mamili ng grocery si Mommy kung kaya’t napakarami ng kanyang pinamimili. Good for one month na siguro. Pagdating namin ay agad na sumalubong si Ethan upang tumulong buhatin ang aming mga pinamili. Halatang kagigising lang nya. “Oh, Ethan hijo, kinain mo ba yung iniwan ko na lunch dyan sa mesa? Parang ngayon ka lang nagising ah?” usisa ni Mommy. “Yes, Mommy, kagigising ko nga lang po, medyo nag-aadjust pa kasi sa time zone. At opo, kinain ko na po yung hinanda nyong lunch sa table, ang sarap nga po eh” sagot naman ni Ethan. “Mabuti naman, sige dyan na muna kayo at aayusin ko na itong mga pinamili namin, magluluto pa rin ako ng dinner natin. Naupo na muna ako sa sofa at binuksan ko ang TV, habang si Ethan naman ay busy sa paglalaro sa kanyang laptop. Hindi ko talaga maiwasan ang mapansin ang kagwapuhan ni Ethan. Tinititigan ko sya habang seryoso sya sa paglalaro sa laptop. Napansin ko na hindi pa rin nya naialis ang habit nya ng pagkagat ng mga labi kapag may seryoso syang ginagawa. “Ah, Chad, what time do you leave for work in the morning?” tanong ni Ethan. “Ah, around 5:30, why?” sagot ko naman. “Sasabay kasi sana ako sayo, balak ko kasing magpunta dun sa dating office ni Daddy sa Makati. May mga pinaayos pa kasi si Mom sa akin doon” sagot nya. Napaisip ako dahil kung sasabay sya sa akin ay makikita sya ni Adam at baka kung ano pa ang isipin ni Adam tungkol sa kanya. And for obvious reasons, ayoko na magkakilala sila. “ahh.. baka naman masyado kang maaga kung sasabay ka sa akin. If you like, you can leave at 6:00am, may dumadaan naman na bus dyan sa labas ng subdivision” pagdadahilan ko kay Ethan.“Hmm.. baka naman abutin na ako ng traffic nyan. Sabay na lang ako sa iyo saka hindi ko na kabisado sa Makati eh. matagal din akong nawala, right?” muling sagot ni Ethan. “Chad, samahan mo na si Ethan at baka maligaw pa iyan. Maganda pa nga kung ihatid mo muna sya doon sa office ni Tito John mo bago ka pumasok” sigaw ni Mommy na nakikinig pala sa usapan namin. “Sige na Chad, samahan mo na ako” pakiusap ni Ethan. Tila hindi ko na yata talaga maiiwasan pa na magkita sila ni Adam. Sige na nga bahala na. “okay, sige, samahan na kita” sagot ko. “Great! Salamat talaga ah” wika ni Ethan sabay tapik sa aking hita. Pagkatapos na makakain ng dinner ay umakyat na ako sa kwarto upang magpahinga na dahil nga maaga pa ang pasok bukas. Excited na rin kasi ako na makita si Adam muli. Nakakapagtaka na hindi tumawag o nagtext man lang si Adam. Hindi ko tuloy alam kung nakauwi nakabalik na ba sila mula sa kanyang pamamasyal sa Tagaytay. Sinubukan ko na tawagan sya pero hindi sya sumasagot. Inisip ko na lang na baka nakatulog na sya sa sobrang pagkapagod. Nahiga na lamang ako at nakinig ng music gamit ang aking cellphone. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok na rin si Ethan sa kwarto. Bagong paligo pala ito at nakatapis lang ng tuwalya nang pumasok sa kwarto. Naaninag ko nanaman ang mala-Macheteng katawan ni Ethan. Hindi ko ipinahalata na gising pa ako at nagkunwaring nahihimbing na ako. Madilim na ang kwarto at tanging ang ilaw lang mula sa lamp shade ang nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Bahagyang nakamulat ang aking mata at naaaninag ko na nagtanggal ng tapis na tuwalya si Ethan. Hindi ko gaano naaninag ang buong katawan nya dahil sa kadiliman ng kwarto. Maya-maya ay papalapit si Ethan sa side ng kama kung saan ako nakahiga. Tila may hinahanap ito. Binuksan nya ang lamp shade na nakapatong sa side table. Muntik akong mapamulat at mapamura ng maaninag ko ang kanyang alaga. Sa loob-loob ko “What the fuck, ang haba at ang laki ng ari ni Ethan at napakakinis pa nito. Sa tanya ko ay 6 six inches na ito kahit hindi pa matigas. Ang puti pa nito na mapula-pula ang ulo. Maninipis lamang ang nakapalibot na buhok dito”. Matagal na nakatayo at naghahanap si Ethan sa side table, samantalang ako naman ay pasimpleng tinititigan ang kanyang ari. Hindi ko mapigil na tumigas ang aking alaga sa aking namamalas. Matapos ang ilang minuto ay pinatay na muli nya ang lamp shade. Nagsuot na ito ng boxer shorts at tumabi na sa kama. Hindi pa rin maialis sa aking isip ang nagsusumigaw sa laking ari ni Ethan. “Shit, paano naging ganoong kalaki at kahaba ang alaga ni Ethan. Nung natatandaan ko nung teenagers pa kami, sa tuwing mag-jajackol kami ay hindi naman iyon gaanong kalaki at kahaba. “Chad, magpigil ka. this is just part of Ethan’s ploy to tempt you. Isipin mo ang mga nagawa sa’yo ni Ethan noon. Iniwan ka nya, hindi ka nya pinahalagahan. At higit sa lahat, think of Adam. He is the right one for you” pagkumbinsi ko sa aking sarili. Paulit-ulit ko itong sinabi sa sarili ng gabing ‘yon hanggang sa makatulog na ako. The next day --- (Krrrrriiiiiiinggggg……) Nagising ako sa napakalakas at paulit-ulit na pagtunog ng aking alarm clock. Agad ko itong inabot mula sa side table at pinatay. Pagtingin ko sa wall clock at eksaktong 4:45 ng umaga. Agad ko ring chineck ang aking cellphone upang tingnan kung nagtext si Adam. Hindi ako nagkamali, nagtext nga sya at around 2am--- “Hey Chad-honey, sorry hindi na ako nakapagtext sa’yo. Sobrang pagod ko kasi pagkabalik from Tagaytay at nakatulog na agad ako. Nagising lang ako ngayon. Kita na lang tayo sa bus tomorrow.” Tatayo na sana ako sa kama ng maramdaman ko na nakapatong pala sa aking katawan ang braso ni Ethan. Dahan-dahan ko itong inalis sa aking katawan. Nang makatayo ako ay hindi ko maiwasan na tingnan si Ethan. Tunay na napakagwapo nya. Hindi ko rin naiwasan na tingan ang kanyang alaga na ang oras na iyon ay bakat na bakat sa kanyang suot na boxer short at halatang matigas na ito marahil ay dala na rin sa lamig ng air-con. Hindi ako nagkamali, mahaba nga ang alaga ni Ethan kapag matigas. Sa wari ko ay mahigit 7 inches ito. Naaalis lamang ang aking pagkakatitig sa alaga ni Ethan nang magising ito at bumangon “Good morning Chad” wika ni Ethan. “ahh.. Good morning din” sagot ko naman. “Ethan mauuna na akong maligo sa’yo ha” pakiusap ko kay Ethan. “Sure, I will just have coffee muna downstairs” sagot nya. Nagtungo na ako agad sa banyo upang maligo. Pagkabalik ko sa kwarto ay nandoon na muli si Ethan at nakatapis na lang din ng tuwalya. “Oh Ethan it’s your turn, maligo ka na . I will just wait for you downstairs. We’ll leave at 5:25 para abutan natin yung 5:30 na bus” wika ko. “Noted Chad.” maikli nyang sagot. Matapos akong makapagbihis ay bumaba na ako at nag-coffee na rin. Ilang minuto lang ay sumunod na rin si Ethan. Amoy na amoy ang pabango ni Ethan na nakakapang-akit. Naalala ko bigla yung TV commercial ng isang brand ng bodyspray na yung lahat ng babae madaanan nung lalaki ay sumusunod sa kanya dahil sa nakakaakit na amoy. Natatawa ako sa sarili sa mga naisip kong iyon.Mukhang hindi malayong mangyari kay Ethan yun dahil sa sobrang kaakit-akit nyang amoy. Very American ang get up ni Ethan. Nakasuot lang ito ng plain white shirt at jeans accessorized with brown belt na may malaking buckle. Litaw na litaw rin ang kakisigan nya. Ang lalong nagpagwapo sa kanya ay ang suot nyang mamahaling shades. “So, let’s go?” yaya ni Ethan. “Okay, tara na” sagot ko naman. Nang makarating kami sa waiting shed ay hindi ko mapigilan ang kabahan at matense dahil sa nalalapit na pagkikita ni Ethan at Adam. Paano ko kaya ipakikilala si Ethan kay Adam? Ano kaya ang magiging reaksyon nya? Magseselos kaya sya? Ilang minuto pa ay dumating na ang bus. Sa isip ko “This is it. Bahala na si Batman”. Nauna akong sumakay sa bus. Hindi ganong kapuno ang bus kahit first day of the week. Marami pang bakanteng upuan sa bandang likod ng bus. Agad kong hinanap si Adam. As usual, doon muli nakaupo si Adam sa favorite seat nya. Kumakaway na ito agad nang makita ako. Si Ethan naman ay kasunod ko lamang. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib habang naglalakad patungo kay Adam. Nakangiting agad na bumati si Adam nang nakalapit ako sa kanya. Napansin ko na corporate ang suot na damit ni Adam. Nakalong-sleeves sya na kulay puti, naka-slacks at black shoes. Pero gwapong-gwapo pa rin si Adam sa attire nya na iyon. “Good morning Chad” bati ni Adam. Hindi ako agad umupo sa tabi ni Adam. Hinintay ko na makalapit si Ethan upang maipakilala ko sya kay Adam. “Ah.. Adam, I would like you to meet Ethan, siya yung sinasabi ko na family friend from the States na doon muna tumutuloy sa amin. Ethan, this is Adam” pakilala ko sa isa’t isa. Napansin ko na tiningnan ni Adam si Ethan mula ulo hanggang paa. Agad naman iniabot ni Ethan and kanyang kamay na sya namang kinamayan ni Adam. “Finally, na-meet din kita Adam. Ikaw pala yung “friend” na sinasabi ni Chad sa akin. Pleasure to meet you Bro!” wika ni Ethan. Ngumiti lang si Adam kay Ethan, pero halatang pilit ang ngiti nya. Umupo na ako sa tabi ni Adam. Dahil pangdalawahan lang ang mga upuan sa bus ay naupo na lamang si Ethan sa kabilang side ng bus pero kahilera pa rin ng kinauupuan namin ni Chad. Nung una ay halatang tahimik lang si Adam at hindi umiimik. Tila nag-iisip ito ng malalim. “Hey, Adam, are you okay? I got your text message last night. What time na ba kayo nakauwi from Tagaytay?” pag-uusisa ko kay Adam. “ mga 9pm siguro kami nakauwi” matipid nyang sagot. “Okay ka lang ba?” muli kong tanong sa kanya. “Okay lang ako” sagot muli nya. Nakakapanibago si Adam ng oras na iyon. “Ayos ang suot mo today ah, very corporate” biro ko sa kanya. “I have a presentation today, that’s why” seryosong sagot muli ni Ethan. “Okay ka lang ba talaga?” muli kong pag-uusisa. “Yes, of course, do not mind me”. Maya-maya ay lumapit na ang kundoktor upang maninggil ng pamasahe. Agad na bumunot ng wallet si Ethan upang magbayad. “Boss, magkano ba yung tatlo?” tanong nya sa kundoktor sabay abot ng isang libong piso. “Nako, Sir wala ho ba kayong barya lang, kababyahe ko lang ho kasi eh. 150 lang ho yung tatlo” wika ng kundoktor na napakamot sa ulo. “Pasensya na, wala ho eh” sagot ni Ethan. Bigla namang sumagot si Adam “Manong ito ho oh, tatlo na ho dyan” sabay abot ng eksaktong 150 pesos. “Naku, Bro, pasensya ka na, I’ll pay you later” agad na sagot ni Ethan. “No, It’s okay. It’s on me” seryosong sagot ni Adam. “Okay, sabi mo eh” sagot ni Ethan. Habang nagba-byahe ay tahimik lang talaga si Adam. Hindi ko maunawaan kung bakit sya ganoon. Nagseselos kaya siya kay Ethan? Pero wala naman syang dapat ipagselos hindi ba? “Ah.. Adam, are you not feeling well?” muli kong pag-uusisa sa kanya. Hindi umimik si Adam ng ilang minuto. Kinalabit ko sya. At tumingin sya sa akin. “Why? Don’t mind me. I’m okay” sagot nya. Upang lambingin si Adam ay hinawakan ko ang kanyang kamay. Pumayag naman ito at magkaholding hands lang kami habang nasa byahe. Napansin ko si Ethan na busy sa pagtinggin sa mga papeles na dadalhin nya sa office ng Dad nya. Maya-maya at kinalabit ako ni Ethan “Naku Chad, naiwan ko pala yung cellphone ko dun sa kama natin. Hindi ko pala nakuha bago tayo umalis. But anyway, Si Mommy lang naman ang tatawag sa akin” wika ni Ethan. Nang marinig ni Adam ang winika ni Adam ay bigla nitong inalis ang kamay sa pagkakahawak sa akin. Nagsalita ito ng pabulong “Kaya pala… kaya pala ayaw mong sumama sa akin kahapon, now I know”. Nagulat ako sa sinabing ito ni Adam. Shit, bakit pa kasi sinabi ni Ethan yun eh. Nananadya ba talaga itong si Ethan. Ito na nga ba ang iniiwasan kong mangyari eh. Matapos magsalita ni Adam ay tumingin na lamang ito sa bintana ng bus. Hindi na sya umimik at halatang na-bad trip na. Naintindihan ko na kung bakit ganoon ang reaksyon ni Adam. Alam ko na may ibang iniisip si Adam ng marinig nya na magkasama kami sa kwarto at magkatabi pa sa iisang kama. Kailangan kong magpaliwanag kay Adam pero I don’t think this is the right venue. Kung bakit kasi kailangan pang sabihin ni Ethan yun sa harap pa ni Adam. Hanggang makarating kami sa aming destinasyon ay hindi na kumibo si Adam. Kahit na anong pangangalabit ko sa kanya ay hindi sya tumingin or sumulyap man lang sa akin. Confirmed, nagseselos na nga sya kay Ethan. Nang pababa na kami ng bus ay nagpaalam ako sa kanya “Adam, bababa na kami. Ingat ka, will call you later” wika ko pero hindi na talaga umimik sa akin si Adam. “Bro, una na kami, ingat ka” paalam ni Ethan. Tumingin lang si Adam kay Ethan. Nang makababa kami ng bus ay bigla na lang umakbay itong si Ethan sa akin. Papaalis pa lang noon ang bus at sa pakiwari ko ay nakita ni Adam and ginawang pag-akbay na iyon ni Ethan. Sa pagkabigla ko ay nasiko ko si Ethan sa tyan at inalis ang kanyang braso sa aking balikat. “Ouch, bakit mo ako siniko, is there a problem?” tanong ni Ethan na wari walang alam sa kanyang ginawa. “Bakit ka umakbay sa akin? tanong ko kay Ethan. “Bakit? Masama ba?” sagot ni Ethan na parang nagmamaang-maangan. “Bakit magagalit ba yung Adam na yun? Akala ko ba hindi mo boyfriend yun?” dagdag pa ni Ethan. Hindi ko alam kung paano i-eexplain kay Ethan. Hindi ko alam kung sinadya nya ba na akbayan ako at kung ano talaga ang motibo nya. “alam mo Ethan… ano kasi.. bakit mo ba ginawa yun? Ano kasi…” pautal-utal kong sagot kay Ethan. Hindi ko naman masabi kay Ethan na kami na ni Adam dahil sa totoo ay hindi pa naman talaga kami, pero on the other hand Adam is special to me and I can say that I care for him. I respect the attention and trust that he is giving me. “Oh, bakit hindi mo pa kasi ako deretsohin na boyfriend mo na nga yun si Adam” wika ni Ethan. “Ethan, as I said Adam is not my boyfriend pero…” sagot ko kay Ethan. “Oh.. iyon naman pala eh, eh di walang kaso yun” muling nyang pangangatwiran. “Pero Ethan….” Hindi ko na naituloy ang pagpapaliwanag kay Ethan. Naisip ko na hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanya. Ang mas kailangan kong isipin ay kung paano ako mag-eexplain kay Adam. “Haist. halika ka na nga, ihahatid na kita doon sa office ng Daddy mo” pabalang kong sagot kay Ethan. Agad na akong pumara ng taxi at sumakay na kami. Hindi ko na kinibo si Ethan habang nasa taxi. Kahit na panay ang tanong nya sa akin ay hindi ako umiimik sa kanya. Naiinis ako sa ginawa nya. Marahil ay parte nanaman ito ng mga plano ni Ethan. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nyang mangyari. Nang makarating kami sa tapat ng office ng Daddy nya --“Oh, Ethan, dito na yung office ng Dad mo. Sige na at baka ma-late na ako sa office. Kapag pauwi ka na magtaxi ka na lang papunta sa bus terminal” wika ko kay Ethan na may kaunting pagkainis sa boses. “Okay, thanks Chad. I really appreciate it” nakangiting sagot ni Ethan sabay baba ng taxi. Sa loob-loob ko “Bakit ko pa kasi isinabay itong si Ethan eh, sabi ko na nga ba magkakaproblema kapag nagkita na sila ni Adam eh”. Panay ang text ko kay Adam habang nasa taxi pero hindi ito sumasagot. Hanggang makarating ako sa office ay hindi pa rin ito nagre-reply. Kahit tawagan ko sya ay hindi sya sumasagot– “Adam, Iet me explain. It just happened na wala nang available na room sa bahay namin kaya naki-share sa room ko si Ethan. I’m sorry kung hindi ko agad sinabi sa’yo. Please reply ka naman po” “Adam, please magreply ka naman. Sagutin mo naman yung tawag ko so I can explain to you” Nakaisandaang text at tawag ata ako sa kanya pero hindi talaga siya sumagot. Sumuko na ako sa pagte-text. Baka kailangan na personal na lang ako magpaliwanag sa kanya. Lumipas ang buong araw na wala akong ginawa kundi ang isipin kung paano ako magpapaliwanag kay Adam. Pagkatapos ng trabaho ay nagmamadali na akong umalis ng opisina. Naisip ko na magpunta na lamang sa bahay ni Adam upang personal akong magpaliwanag sa kanya. Hindi na ako dumaan pa sa bahay namin at dumeretso na ako sa bahay nina Adam. Pagdoorbell ko ay agad akong pinagbuksan ng kanilang kasambahay “Ate, good evening po. Dumating na po ba si Adam?” tanong ko sa kasambahay. “Good evening Sir Chad, opo kanina pa po dumating si Sir Adam. Tuloy po kayo” wika ng kasambahay. Agad naman akong pinatuloy ng kasambahay sa kanilang sala. Nagkataon naman na naroon si Tita Amor. “Good evening po Tita Amor, nandyan po ba si Adam?” wika ko. “Good evening hijo, yes he is upstairs, maaga nga syang dumating ngayon at parang mainit ang ulo. Nag-away ba kayo ni Adam?” pag-uusisa ni Tita. “Ah… parang ganoon na nga po Tita. Pwede ko ba syang makausap?” pakiusap ko. “Naku ang aga atang LQ nyan ah.. (laughs) sige, just go straight to his room” wika ni Tita Amor. “Salamat po” sagot ko. Umakyat na ako sa kanilang bahay patungo sa kwarto ni Adam. Kumatok ako ng ilang beses sa pinto ng kwarto niya. “Adam? Adam.. si Chad ‘to. Please let me in. Magpapaliwanag ako” malumanay kong salita habang kumakatok. Ilang minuto akong nasa pinto pero hindi pa rin talaga sumasagot si Adam. Nang hawakan ko ang door knob ay hindi naman pala ito nakalock kung kaya’t minabuti ko na ang pumasok. Madilim ang kwarto nya dahil nakapatay ang lahat ng ilaw. Kinapa ko ang switch sa pader upang buksan ang ilaw. When the lights turned on, nakita ko na nakakalat pa sa sahig ang pinaghubaran nyang damit. Si Adam naman ay nasa kama, nakatalukbong at tila nagtatago sa ilalim ng comforter. Lumapit ako sa kanyang kama. “Adam… Adam, gising ka ba?” wika ko. Hindi umiimik pero alam ko na gising sya dahil gumalaw si Adam ng hawakan ko sya. Minabuti ko na magtanggal ng suot kong sapatos at maupo na sa kanyang kama. “Adam, I know gising ka pa. Let me explain to you. I’m sorry kung hindi ko sinabi sa’yo lahat about Ethan’s stay sa house namin. Sorry kung hindi ko sinabi na makikishare sya ng room sa akin. Ilang weeks lang naman yun dito sa Pinas at babalik na iyon sa States. May inaayos lang kasi sya na mga papeles” pagpapaliwanag ko kay Adam. I know that I owe it to him na ikwento ang past namin ni Ethan dahil naging open and honest naman sya ng ikinuwento nya ang tungkol sa kanila ni Niko. “I will be honest with you dahil naging honest ka din naman sa akin noong ikinuwento mo ang tungkol kay Niko at ang relasyon ninyo. Ang totoo, ex ko si Ethan. He was my best friend mula nung bata pa kami, we grew up together, classmates kami nung elementary at high school. Naging kami lang nung high school na kami. We loved each other very much pero tutol sa relasyon namin ang Daddy niya. At dahil dito they decided to migrate to the US para doon na mag-aral si Ethan. Mula nang umalis sya papuntang States ay hindi na muling nakipagcommunicate sa akin si Ethan. Walang text, call or e-mail man lang. At mula rin noon ay kinalimutan ko na sya. At wala na rin akong nararamdaman na kahit katiting sa kanya. Nagulat na nga lang ako dahil bumalik sya after five years” salaysay ko kay Adam. Hindi umiimik si Adam habang nagku-kwento ako sa kanya. Pero I know na nakikinig sya kahit nakatalukbong sya ng kumot. “Hey, Adam… kausapin mo nanaman ako” wika ko sabay kalabit sa kanya. Hindi pa rin ito umiimik. Marahil ay nagtatampo pa rin ito. Napagpasyahan ko na iwan na lamang sya upang mapag-isipan rin ang mga isinalaysay ko sa kanya. Tumayo na ako mula sa kami, nagsuot ng sapatos at naglakad patungo sa pinto ng upuan. Nang hahawakan ko na ang door knob ay biglang nagsalita si Adam “Eh bakit inakbayan ka nya kanina noong bumaba kayo ng bus?”. Nabuhayan ako ng loob at lumingon kay Adam. Tinanggal na nito ang pagkakatalukbong sa kumot at nakaupo na sa kama. Nakangiti akong sumagot sa kanya “Wala lang ‘yon, ganoon lang talaga yun, mahilig umakbay” paliwanag ko “bakit? nagselos ka ba?” sagot ko sa kanya. “Hindi ah” nagmamaang-maangang sagot ni Adam. “Uyy… nagseselos ka eh.. ikaw talaga” palambing kong sagot sa kanya. Muli kong inalis ang aking sapatos at umupo muli sa kanyang kama. “I’m really sorry, I should have told you about it kahapon pa” pagpapaliwanag ko sa kanya. Sandaling nag-isip si Adam “Hmmm… sige na, wala na iyon, sorry din kung naging childish ang ugali ko” sagot naman ni Adam. Parang nabuniutan ako ng tinik sa didbib dahil hindi na nagtatampo si Adam sa akin. “Pero may isa pa akong kondisyon para okay na talaga tayo” wika ni Adam. “Oh ano nanaman yan?” tanong ko. “Hmm.. kiss mo muna ako” wika nya. “yun lang ba? oh…” sagot ko sabay halik sa kanya sa pisngi. “Hmm.. mukhang ayaw mo naman talaga ata na magkabati na tayo eh.. sige na doon ka na sa Ethan mo..” sagot ni Adam na tila nagtatampo. “Ito naman, binibiro lang eh..pikon na agad” sagot ko. Hinawakan ko ang kanyang mukha at saka hinalikan ang kanyang labi. Agad na lumaban ng halik si Adam na tila uhaw na uhaw sa halik. Nakipagespadahan ang aking dila sa kanyang dila. Halos malunok na nya ang aking dila sa sobrang paghalik sa akin. Maya-maya pa ay gumagapang na ang kanyang mga kamay sa aking likuran at inalis sa pagkaka-tuck ang aking suot na polo. Sinimulan rin nyang halikan ang aking leeg na lalong nagpainit ng aking katawan.- “Oh.. wait.. wait Adam.. sabi mo halik lang.. eh parang iba na ata yang ginagawa mo eh.” sabi ko sa kanya “SIge na Adam.. let’s do it again..” pakiusap nya habang inaalis ang butones ng aking polo. Ipinahihiwatig nya na muli kaming magsex. Kahit nais ko na makipagniig muli sa kanya ay nagdalawang isip ako. “ahh.. Adam, wait,... huwag muna ngayon.. nakakahiya naman sa parents mo.. baka marinig tayo..” sagot ko sa kanya.. “hindi yan.. sound proof itong room ko.. sige na..” muli nyang pakiusap. “Ah,.. eh.. hahanapin na kasi ako sa bahay eh,.. ganito nalang.. I will just go home para magdinner at maligo na rin, then babalik ako. Okay ba yun?” wika ko. “Hmmmm… eh di mamaya pa yun.. ngayon na lang kasi.. kahit sandali lang” pakiusap ni Adam na parang bata. “Hahanapin nga kasi ako sa bahay eh.. ahh.. ganito lang .. kapag bumalik ako.. I will stay here until midnight.. basta ihahatid mo ako pag-uwi.. okay na ba yun?” sagot ko sa kanya… Sandaling nag-isip si Adam..” Okay, deal.. basta siguraduhin mo na babalik ka ah.. dahil pag hindi…” pabantang sagot ni Adam.. “Yes.. Sir.. sure po iyon.. I will be back here before you know it..” pagsisiguro ko sa kanya.. Sabay na kaming bumaba ni Adam. “Oh.. Hijo, nagka-ayos na ba kayo nitong sumpungin kong anak” bungad ni Tita Amor. “Ah.. opo.. konting lambing lang po.. bumigay na rin..” pabiro kong sagot. Ngumisi lang si Adam. “Ah, Ma, hatid ko lang si Chad hanggang sa labasan. Babalik na lang daw ho sya mamaya” sabi ni Adam sa kanyang mommy. “Okay hijo.. ingat ka sa pag-uwi” paalam ni Tita Amor. Inihatid ako ni Adam hanggang sa labasan ng kanilang subdivision. Doon na lang ako sumakay ng tricycle hangang sa amin. Hindi na ako nagpaghatid sa kotse dahil maaga pa naman noon. Nang makarating ako sa bahay ay kumakain na ng dinner si Mommy at si Ethan. “Oh, anak bakit ngayon ka lang.. late ka atang nakauwi ngayon.. natraffic ka ba? usisa ni Mommy. “Ah.. hindi ho, may dinaanan lang ho ako “ sagot ko.. “Ganun ba, oh saluhan mo na kami ni Ethan..maupo ka na” wika ni Mommy. Naupo na rin ako sa dining table at nagsimula nang kumain. “Ah.. Mom, aalis ho pala ako mamaya. May aatendan lang po ako na na party ng kaibigan ko. Baka medyo gabihin na ako ng uwi. Hwag nyo na ho akong hintayin at dadalhin ko na lang yung susi ng bahay” wika ko kay Mommy. “Ahh..sinong kaibigan ba yan? Kakilala ko ba yun?” usisa ni Mommy. “Baka si Adam yun Mommy” sabad naman ni Ethan. “Sinong Adam yun anak? Kilala ko ba iyon?” muling pag-uusisa ni Mommy. Hindi ko maintindihan itong si Ethan kung bakit nya sinabi yun. Talaga atang pinipikon ako nitong si Ethan. “Ah.. hindi nyo ho kilala yun. bagong kaibigan ko lang yun. don’t worry ipapakilala ko ho sya sa inyo some other time “ sagot ko. “Ganoon ba? oh sige ..basta huwag kang magpapagabi anak at alam mo naman na maraming nagkalat na masamang loob ngayon. Eh bakit hindi mo na lang isama itong si Ethan, para may kasama ka sa party. Para hindi naman sya mabore dito sa bahay” wika ni Mommy. “oo nga Chad, sasama na lang ako doon sa party mukhang masaya yun” sabi ni Ethan. Talaga atang mapipikon na ako dito sa mokong na ito. Konti na lang at bibingo na sya sa akin. “Ah.. hindi kasi pwede eh.. RSVP kasi yung party, by invitation. bawal ang mga “gatecrashers!” wika ko sabay tingin kay Ethan na may pagkainis. “Ah, ganun ba.. sige next time na lang siguro” wika ni Ethan na tila tinablan sa aking pagpaparinig. Matapos namin magdinner ay uamakyat na ako sa kwarto upang maligo at maghanda sa aking pag-alis. Maya-maya ay sumunod na si Ethan. “So nagka-ayos na rin pala kayo ng boyfriend mo?” deretsong tanong ni Ethan. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pagtatanong nya. “Alam mo Ethan, ano ba talaga ang problema mo? Bakit parang kanina mo pa ako iniinis. As I said, hindi ko boyfriend si Adam. Pero kung iyon ang gusto mong isipin, bahala ka” pasinghal kong sagot kay Ethan. “Oh.. relax Chad.. do not get mad at me.. I’m just asking kung nagkaayos na kayo ni Adam..Chill” sagot ni Ethan habang ngumingisi. “Bahala ka na nga dyan” sagot ko kay Ethan. Dumeretso na ako sa banyo upang maligo at para maalis na rin ang pagkainis ko kay Ethan. Medyo matagal akong naligo, siguro 30 minutes or more, and this is in anticipation of what will happen later.. Pagpasok ko ng kwarto, nagtaka ako kung bakit nakapatay ang lahat ng ilaw. Tanging ang ilaw lang nagmumula sa poste sa labas ng bahay ng nagbibigay ng liwanag sa kwarto. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa pader. Pagkabukas ng ilaw ay nanlaki ang aking mata sa aking nakita.
TO BE CONTINUED…
CLick the Button Next Below to COntinue...
0 comments:
Post a Comment