Bus Seatmates Turned Lovers Chapter 4 ( Bi Love Story)

“Mahal kita.. Mahal kita Niko..”
 “Mahal kita.. Mahal kita Niko..”
 “Mahal kita.. Mahal kita Niko..”

 Ito ang katagang paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isip ng gabing iyon. Halos hindi na ako nakatulog sa kaiisip kay Adam at sa misteryosong pangalang kanyang binanggit.

 Kinabukasan, ginising ako ng isang malakas na katok sa aking pinto. “Chad, gising na male-late ka na” sigaw ng aking nanay. Napabalikwas ako at pagtingin ko sa orasan ay 5:15 na. Dali-dali akong nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos na magbihis ay deretso na akong lumabas ng bahay. Hindi na ako nag-almusal pa. Halos tumakbo na ako papunta sa waiting shed upang abutan ko ang bus. Esksakto at pagdating ko sa shed ay nandoon na ang bus. “Mukhang tinanghali ata kayo Sir ah” wika ng konduktor. Agad na dumako ang aking mata sa upuan kung saan madalas nakaupo si Adam. Wala sya roon. Bagkus isang matandang babae ang nakaupo rito. Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin si Adam nagbabaka-sakaling sa iba sya napaupo. Ngunit wala sya. Umupo na lamang ako sa pinakadulong parte ng bus. Nakadama ako ng lungkot. Nasaan kaya si Adam? Maya-maya pa ay may nagtext sa akin. Si Adam. “Chad, I’m sorry, kagigising ko lang. hindi ko na inabutan yung bus. Nakasakay ka ba?”. I replied “Yup, nakasakay ako. Okay lang. Will see you na lang bukas.” Muli syang nag-text back “bakit bukas pa? hindi ba pwede mamaya na lang after work?”. “Sorry, hindi ako pwede mamaya. May dadating kasi kaming bisita sa bahay”, I replied. “Ah ganun ba? Okay sige. Take care.” Sagot ni Adam.

 Medyo matamlay ako pagdating ko sa office. Marahil ay dala na rin ng puyat sa kaiisip kay Adam at hindi ko pa sya nakita ngayon. Around 11:00am, nakatanggap ako ng tawag mula sa reception ng office. “Sir Chad, may naghahanap po sa inyo dito sa lobby. Delivery daw po”. Nagtaka ako dahil hindi naman ako nagpadeliver ng food. Wala rin akong inaasahan na delivery mula sa suppliers. Pagdating ako sa lobby, nagulat ako ng makita ko si Adam. Nakasuot sya ng checkered long sleeves na blue na medyo hindi nakabutones sa may dibdib at light brown na pants na hapit na hapit sa kanya. Kitang-kita nag matipuno nyang katawan. Nakapang-aakit din ang amoy ng kanyang pabango. “O Adam, you are here. Paano mo nahanap yung office ko? wika ko sa kanya “ Wala ka bang pasok?” Sumagot siya “Hindi naman mahirap hanapin itong office nyo eh. Nag-leave na lang ako ngayon. Birthday leave, total na late na rin naman ako kanina eh.” “Ahh ganun ba?” maikili kong sagot. “So, lunch break na kayo? Let’s have lunch sa Serendra.” “ahhh…eh….” napaisip ako. “Sige na.. please. Treat ulit kita…” pangungulit ni Adam. At dahil sa nag-effort naman sya na hanapin ang office ko, pumayag na rin ako sa kanya. Bumalik ako sa aking room para kunin ang aking cellphone at wallet. Mabilis rin akong nagtoothbrush at nagpabango.

 “Let’s go” wika ko sa kanya. “Ang bango mo naman, ang sarap mo tuloy halikan” pabirong sabi ni Adam sa akin. At kinilig naman ako dun. Habang nasa taxi ay hinalungkat niya ang kanyang dalang backpack. May kinuha sya ritong isang maliit na kahon “Chad, for you” wika nya habang iniaabot ang maliit na kahon. “Ano ‘to? Hindi ba ikaw ang may birthday bakit ako ang may regalo?” tanong ko sa kanya. “Basta, tanggapin mo na lang. Para talaga sa’yo yan” sabi ni Adam. Pagbukas ko ng kahon ay may laman itong silver necklace na may pendant na letter “A” for Adam. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa regalo nyang iyon sa akin. At bigla na lamang bumalik sa aking isipan ang nga katagang binanggit nya sa akin kagabi –“Mahal Kita… Mahal kita Niko”. Natigilan ako ng ilang segundo. “Nagustuhan mo ba? tanong nya. Hindi pa man ako nakakasagot ay isinuot niya sa aking leeg ang kwintas. “Yan, bagay na bagay sayo” wika ni Adam. “Meron din ako nyan” dagdag niya habang ipinapakita ang kaparehong kwintas na may pendant naman na “C” for Chad. Ang tanging naisagot ko sa kanya ay “Thank you”.

 Hindi pa rin ako umiimik hanggang makababa kami ng taxi. Tinanong nya ako “Chad, may problema ka ba? Kagabi ka pa ganyan ah”. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ko sya. Mata sa mata ay tinanong ko sya “Adam, sino si Niko?” Natigilan sya at bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa tanong kong iyon sa kanya. “Sino sya? Boyfriend mo ba sya?” muli kong tanong sa kanya. Matagal na nag-isip si Adam bago siya sumagot. “Paano mo nalaman ang tungkol kay Niko?” Sumagot ako “Tinawag mo ang pangalan nya nung hinahalikan mo ako kagabi. So sino ba si Niko?” Matagal muling nag-isip si Adam. Napapayuko pa sya na tila hindi malaman kung paano sya magpapaliwagan. “Okay, ganito na lang. Kumain muna tayo and then I’ll explain to you everything. Okay?” At dahil mukha namang sincere ang pagkasabi nya ay pumayag na rin ako.

 Sa isang Japanese restaurant naman kami kumain. Halos hindi kami nag-iimikan habang kumakain. Sumusulyap-sulyap lang sa isa’t isa. Parehong tumatakbo ang aming isipan. Ininisip ko, sino nga kaya si Niko? Matapos naming kumain ay nagyaya naman sya sa isang coffee shop na malapit roon. Hindi ko na inalintana ang aking trabaho. Ang nais ko lang may malinawan na ang aking agam-agam tungkol kay Niko. Nang maka-order na kami ng kape ay nagsimula nang magkwento si Adam. “Yes, Niko was my boyfriend. We were together for three years. We love each other very much na lahat ng pagsubok at hadlang sa amin ay kinaya naming i-overcome. Nandyan na halos itakwil na sya ng kanyang parents at iwan sya ng lahat ng mga kaibigan nya. Ganun din ako, lahat ng kaibigan ko ay tutol sa relasyon namin ni Niko.” Habang nagkwekwento sya ay mababakas sa kanyang mga mata ang nangingilid na luha . “Niko was a very special person. I consider him as my soul mate. Marami kaming masayang memories together. Trips sa Pilipinas and abroad. We are already planning for our future together. Hanggang ….” Natigilan si Adam sa pagke-kwento nang tuluyan nang tumulo sa kanyang pisngi ang luha. Ako naman ay taimtim na nakikinig sa kanya. Hindi ko mawari kung ako nag dapat kong maramdaman. Tinanong ko sya “Are you okay?” he briefly replied “yes, yes, I’m okay sorry if I’m being emotional”. “So ano na ang nangyari?” usisa ko sa kanya..

 “This happened two years ago. magkasabay kami na pumapasok sa school. Sumasakay kami ng bus, actually the same bus na sinasakyan natin. We were asleep dahil sa puyat sa pagre-review, final exams kasi namin that time. While our bus is crossing an intersection, suddenly a truck was fast approaching. Maririnig mo yung malakas na busina ng truck. Bumangga yung truck sa bus na sinasakyan namin. Dun pa mismo sa side kung saan kami nakaupo ni Niko. I saw how Niko tried to protect me. Niyakap niya ako nag mahigpit, then nawalan na ako ng malay. Nung magising ako, I was already in the hospital. I broke my right arm and some ribs.” Pinakita ni Adam ang mga peklat nya sa kanang braso niya. “Pero si Niko…” muling natigilan si Adam at naluha. “Niko did not survive. He incurred serious injuries sa kanyang back and skull dahil sa prinotektahan nya ako. He died on the spot” bumuhos ang luha ni Adam matapos nyan magkwento. I tried to console him. Hinahagod ko yung likod nya. I offered some water to him. Then after a few minutes he continued “Chad, I’m sorry. I lied to you about my birthday. Hindi ko naman talaga birthday yesterday. Actually 5th anniversary na dapat namin ni Niko kahapon. I’m really sorry if I lied to you”. Nagulat ako sa tinuran nyang iyon. Napaisip ako. Mabigat ang aking loob sa mga ikinwento nya at lalo pa itong bumigat ng aminin nya na hindi naman nya talaga birthday. Hindi ako alam kung paano mag-rereact sa kanya.I’m completely speechless. Muli syang nagsalita “Chad, I’m really sorry. Hindi ko gusto na magsinungaling sayo”. Hindi pa rin ako umimik.
 Matapos ang ilang minuto ng hindi pag-iimikan ay nagpaalam ako kay Adam “I’m sorry but I have to go. Kailangan ko na bumalik sa office.” Sumagot siya “It’s okay. You can just leave me here. I will text you na lang later. Take care”.

 Habang ako ay nasa taxi pabalik sa office ay iniisip ang mga ikinuwento nya sa aking tungkol sa kanila ni Niko. Pakiramdam ko ay nagamit ako ni Adam upang punan ang kanyang pangungulila kay Niko. Narealize ko na ang lahat pala ng kanyang ginawa ay dahil sa pangungulila nya sa kanyang pinakamamahal na si Niko. Ngunit sa kabilang banda ay naawa rin ako kay Adam dahil sa sinapit ng kanilang pagmamahalan.

 Nadala ko ang bigat ng aking pakiramdam hanggang makauwi ako sa bahay. Pilit ko pa rin inuunawa ang lahat ng mga pangyayari. Maya-maya pa ay nagtext si Adam “Chad, I’m really sorry. I hope you are not mad at me. Please reply”.

 Hindi ko alam kung paano ko sasagutin and text ni Adam. Mabigat ang aking loob dahil sa mga ikinuwento nya at sa kanyang pagsisinungaling. Ngunit hindi ko rin magawang magalit sa kanya because I do not think I’m in the right position to be mad at him. In the first place ay hindi naman kami at hindi pa naman talaga kami lubos na magkakilala.

 Matapos ang ilang oras ng pag-iisip at pagmumuni-muni, I replied to his text message.

 “Hi Adam, sorry sa late reply. First of all, I appreciate that you shared your story with me this afternoon. And I feel sorry for what happened kay Niko. May his soul rest in peace. Pero to be honest with you, I felt a little offended when you told me na hindi mo naman talaga birthday yesterday and it’s your anniversary. But I’m not mad at you, I understand that you really miss him a lot. Adam, Pero I do not think lahat ng sinabi mo at nararamdaman mo towards me, are real. Una sa lahat, hindi pa naman talaga tayo magkakilala. And I know na even after two years, ang laman pa rin ng puso at isip mo ay si Niko. I do not think you’re heart is ready to be in a relationship, and neither am I.”

 Mabigat pa rin ang aking dibdib ng isend ko kay Adam ang text message na iyon. Naghintay ako ng reply sa kanya, 5 minutes, 30 minutes, 1 hour… hindi nagreply si Adam. Nakatulog na ako sa paghihintay sa kanyang reply. At bandang ala-una ng madaling araw ay nagising ako dahil sa pag-ring ng aking cellphone. Tumatawag si Adam. Nagmadali akong lumabas sa terrace ng aking kwarto upang hindi marinig ang malakas na ringtone ng cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ni Adam. “Hello… Hello”.. Wala akong naririnig “Hello… Hello…” Maya-maya pa ay nagsalita si Adam, nanginginig ang kanyang boses na tila umiiyak at lasing “Chad.. I’m really sorry. Hindi ko sinasadya. Mahal kita.. Mahal kita Chad” Nabigla ako sa kanyang mga tinuran. Sumagot ako “Adam, lasing ka ba? hindi ako galit sa’yo, hindi ako galit” Muli syang nagsalita habang umiiyak “ Chad… mahal kita. Hindi ko na kaya kung mawawala ka pa…”.. Muli akong sumagot ng may pag-aalala “ano bang sinasabi mo? lasing ka na.. nasaan ka ba? pupuntahan kita”. “Nandito ako sa may beerhouse malapit sa subdivision nyo.”. Nagmamadali akong nagbihis at dahan-dahang lumabas ng aming bahay. Sumakay na ako ng tricycle para madaling makarating sa beerhouse . Pagdating ko roon at hinanap ko agad si Adam. Nakita ko sya sa isang sulok , nakayuko maharil dahil sa sobrang kalasingan. Nilapitan ko sya.

 “Adam, Adam” habang tinatapik ang kanyang likuran. “Adam, okay ka lang ba? lasing na lasing ka” Tumingin si Adam sa akin. Namumugto ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. “Chad!” sabay yakap sa akin ng mahigpit. “Chad, mahal kita, wag ka nang magalit sa akin, wag mo ako iwan”.. Napalingon ako sa paligid upang tingnan kung may nakatingin sa amin, pero lahat ay busy sa pag-inom at panunuod ng show ng mga babaeng nakahubad. Sinagot ko si Adam “Ano ka ba? Lasing na lasing ka. Halika na.. Ihahatid na kita pauwi sa inyo.” Sabay hawak sa kanyang braso na isinukbit ko sa aking balikat. Halos hindi makagulapay si Adam sa sobrang kalasingan. Ako na rin ang nagbayad ng lahat ng kanyang inorder sa beerhouse. Nang makalabas kami ay napasuka na si Adam sa sobrang kalasingan. Langong-lango si Adam sa alak kung kaya’t hindi ko matanong kung saan nga ba siya nakatira. Pumara ako ng tricycle upang maihatid ko na sya, tyempo naman na ang napara kong tricycle ay kilala raw si Adam. “naku lasing na lasing si Sir ah.. Alam ko na ho ang bahay nyan, dun sa executive village, maraming beses ko na ‘yang naihatid sa kanila. Madalas kasi yan dyan sa beerhouse dati eh” wika ng tricycle driver.

 Natanto ko na ang dahilan kung bakit sya madalas sa beerhouse ay ang pagkawala ni Niko. Na realize ko na lubos nya talaga itong dinamdam kung kaya’t hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nya ito makalimutan.


 
 TO BE CONTINUED…

CLick the Button Next Below to COntinue...

Penulis : Unknown ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Bus Seatmates Turned Lovers Chapter 4 ( Bi Love Story) ini dipublish oleh Unknown pada hari . Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Bus Seatmates Turned Lovers Chapter 4 ( Bi Love Story)
 

0 comments:

Post a Comment

Leave Me a Comment Below. Thanks :)