Si ETHAN, si Ethan ang aking best friend who later on became my “childhood” sweetheart. Magkababata kami at sabay kaming lumaki, magbest friend din kasi ang aming moms. Nasa highschool na kami ng marealize namin na may pagtingin kami sa isa’t isa, that we care for each other more than just being bestfriends. Siguro ay 14 or 15 years old kami ng panahon iyon. Maituturing ko si Ethan na aking “first love”.
Hindi naging hadlang sa aming relasyon ang aming mga nanay dahil natanggap na nila ang aming sexual preference. Sa totoo nga ay payag sila sa naging relasyon naming dalawa ni Ethan. Ulila na ako sa ama kung kaya’t walang problema sa family ko. Ngunit taliwas dito ang Daddy ni Ethan. Hindi nya tanggap ang tunay na pagkatao ni Ethan kung kaya’t pinili nya na magmigrate sila sa US upang doon na magpatuloy ng pag-aaral si Ethan. Mahigit limang taon na ang lumipas ng huli kaming magkita ni Ethan. Ni isang e-mail, tawag or text man lang ay wala akong natanggap mula sa kanya mula nag umalis sya. Dinamdam ko iyon ng matindi, walang araw na hindi ko iniyakan ang kanyang paglisan. Ngunit makalipas ang ilang buwan at taon ay nakapag move on na ako at kinalimutan ko na si Ethan. Kung kaya ngayon na muli kaming magkita ay hindi ko na alam kung paano mag-rereact sa kanya.
“Kumusta ka na Richard? Ibang-iba ka na, mas lalo ka pang gumwapo ah,” wika nya habang hawak ako sa magkabila kong braso. Hindi naman ako makaimik sa sinabi nya. Blanko ang aking mukha dala pa rin ng pagkagulat. Nagsalita naman ang aking mom “Uyy.. anak, sumagot ka dyan. Kinakamusta ka ni Ethan.” Sabay tapik sa aking likod. “pasensya ka na Ethan mukhang na-starstruck ata sa’yo, (laughs) ang gwapo-gwapo mo na kasi lalo ngayon” dagdag ng aking ina sabay pisil sa kanang pisngi ni Ethan. Kapansin-pansin nga na mas gumandang lalaki si Ethan ngayon kesa noon na patpatin pa sya.. “Naku, Mommy hindi naman po masyado” sagot ni Ethan. Mommy ang tawag ni Ethan sa aking nanay dahil nga sa sobrang closeness nila. Madalas din kasi sa bahay natutulog nuon si Ethan, halos doon na nga sya nakatira.
“Chad, nakiusap sa akin si Tita Margaret (mommy ni Ethan) mo na dito na muna tumuloy si Ethan sa atin. Ilang weeks lang sya dito dahil aasikasuhin nya lang ang mga papeles ng mga naiwang properties ng Daddy nya. Alam mo naman na si Tito John mo (Ethan’s Dad) passed away last year” wika ng aking mommy. “Doon na lang muna sya sa kwarto mo, tutal malaki naman ang kama mo. Hindi ko pa kasi napapaayos yung kwarto ng kuya mo at nakatambak lahat ang mga lumang gamit doon” dagdag pa niya.
“Okay lang ba Richard to share your room with me?” tanong ni Ethan. “ahh… ah…. sure, no problem with me” sagot ko na may kaunting pag-aalinlangan. Sa loob-loob ko “totoo ba ang mga nangyayaring ito? bumalik ang ex ko after 5 years of no communication at makakashare ko pa sya ng room?”.
“Oh, sige na tulungan mo na si Ethan na iaakyat yung maleta nya sa kwarto mo” wika ng aking ina. Dahan-dahan naming inakayat ang kanyang malaking maleta patungo sa aking kwarto. May kabigatan ang maleta, mukhang marami syang dalang gamit. “Pasensya ka na Richard ah, nahirapan ka pa tuloy sa pag-akyat ng maleta ko” wika ni Ethan matapos naming maipasok sa kwarto ng kanyang maleta. “Okay lang yon” maikli kong sagot. “Chad, Chad na lang ang itawag mo sa akin, wala na kasing tumatawag sa aking ng Richard ngayon” dagdag ko. “Bakit naman? Mas sanay pa rin ako na tawagin ka na Richard eh. At saka mas cute yung Richard kesa sa Chad” sagot naman nya. “Basta Chad na lang” sumagot akong muli.“Okay, if that’s what you like Richard, I mean Chad” wika nya sabay ngiti sa akin.
“Ang ganda naman ng kwarto mo, favorite color mo pa rin talaga ang blue” wika nya habang inililibot ang mata sa paligid ng aking kwarto. Hiniga ni Ethan ang kanyang maleta sa sahig at binuksan nya ito. Maayos ang pagkakasalansan ng kanyang damit sa loob ng maleta. Neat pa rin sya sa gamit gaya ng dati. Makikita rin ang ilang sapatos, underwear, pabango, shaving cream at iba pang personal belongings. Inilabas nya rin ang kanyang Apple Laptop, IPad, dalawang cellphone at digital camera. Kinuha rin nya nag isang bag na naglalaman ng napakaraming chocolate at iniabot ito sa akin. “Chad, pasalubong ko sayo, pagpasensyahan mo na yan. I know that’s your favorite” wika niya. Paborito ko talaga ang brand na iyon ng chocolates at kaya kong ubusin ang isang pack nito sa isang upuan lamang. Pero mula nang nag-college ako ay hindi na ako masyado kumakain ng chocolates dahil medyo na conscious na ako sa aking katawan. “Thank you pero hindi na ko masyado kumakain ng chocolates eh” sabi ko kay Ethan. “Ikaw pa?, eh paborito mo kaya yan. Pinagadadamutan mo pa nga ako nyan dati kapag bumibili ka, you remember?” sagot naman nya. “Yeah, pero dati yon, nagda-diet na kasi ako ngayon” sagot ko naman. “Ahh, ganun ba, okay I’ll just give it to your mom” sagot nya.
Nakaupo lamang ako sa kama habang siya naman ay abala sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Ipinagamit ko na lang muna ang isang side ng closet ko para doon nya maisabit at mailagay ang iba nyang damit at ilang personal belongings. As I said, he is still very neat sa gamit nya, may pagka-OC kasi itong si Ethan. Kaylangan laging pantay na pantay ang pagkakatupi ng damit nya at color coded pa ang pagkaayos nito.
Maya-maya ay natapos na si Ethan sa pag-aayos ng gamit nya at kinalikot naman ang mga dala nyang gadgets. “Naku Chad, ang init na pala talaga dito sa Pinas, parang nami-miss ko na agad ang New York” wika niy Ethan sabay hubad ng kanyang suot na blazer. Kapansin-pansin na medyo lumaki na talaga ang katawan ni Ethan kumpara nung bata pa kami na sobrang payat nya. Palito pa nga ang tukso ng mga classmates namin sa kanya. Halatang naggy-gym ito at mukhang nahiyang na rin sya sa ilang taong pagtira sa States. Maya-maya pa ay naghubad sya ng suot na sapatos, at isinunod na rin nyang tanggalin ang kanyang sinturon. Ako naman ay nakaupo lamang sa kama at hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya habang sya ay naghuhubad.
Ilang minuto pa ay naghubad na rin siya ng pantalon. Nakasuot lamang siya ng white na boxer briefs at maaninag mo ang bakat nyang alaga na sa pakiwari ko ay malaki at mahaba rin. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanyang ibaba. Nahuli ako ni Ethan na nakatingin sa kanyang ibaba pero hindi sya umimik. Nagulat ako ng hubarin na rin nya ang kanyang suot na white shirt. Sobrang ganda ng katawan ni Ethan, malayong malayo na talaga sa katawan nya nung teenagers pa kami. Kapansin pansin ang kanyang six pack abs na hindi naman kasing toned ng abs ni Adam, may kalakihan na rin ang kanyang dibdib at mapapansin rin ang light brown nyang nipples. Hindi katulad ni Adam ay walang buhok sa katawan si Ethan. Nang tumalikod si Adam at makikita ang isang malaking tribal tattoo sa lower back niya malapit na sa kanyang buttocks. Kahanga-hanga talaga ang katawan ni Ethan. Napatitig lang ako sa kanyang katawan.
“Ah, Chad, I’ll just take a shower before I go to bed” tanong ni Chad sa akin, habang nakasukbit ang tuwalya sa kanyang balikat. “Ahh.. okay sige, alam mo na naman kung saan yung banyo right?” sagot ko naman habang nakatingin pa rin sa katawan ni Ethan. Ngumiti lamang sya sa akin hanggang makalabas ng kwarto. Hindi ko napansin na medyo tumigas pala ang aking alaga dahil sa aking namalas na ganda ng kanyang katawan.
Nagbihis na rin ako ng pantulog na damit. Nagsuot lang ako ng boxer shorts at white sando. Naupo na ako sa kama nang naalala ko na icheck ang aking cellphone. 3 missed calls and 5 messages. Naku, kanina pa pala tumatawag at nagtext-text si Adam.
“Chad, I’m already home.”
“Sleep ka na? reply ka naman po”
“honey.. yooohooo…. you there?”
“tulog na siguro ang honey ko. sige npo sweet dreams Chad”
“zzzz….”
Naguilty naman ako kung kaya’t nagreply agad ako sa kanya,
“I’m sorry Adam, hindi pa ako tulog. May inayos lang kasi ako. Sorry. Still up?”
After a few minutes ay nagreply si Adam.
“Hey, akala ko tinulugan mo na ako eh.. Can I call you?”
Hindi na ako nakareply pa at tumawag na agad si Adam.
“Hello Chad… akala ko tinulugan mo na ako eh.. ano ba yung ginawa mo? tanong ni Chad. “Ahh.. may dumating kasi na bisita yung mom ko from the States. Eh dito daw muna mag-stay sa house namen. Tinulungan ko lang na mag-ayos ng gamit nya” sagot ko naman. “Ahhh.. sino naman yun?” agad na usisa ni Adam. “Family friend namen, eh nanghihinayang daw na maghotel pa kaya dito na lang mag-stay sa house” sagot ko naman. “Ahh.. so matutulog ka na po ba? usisa naman ni Adam. “Hmm.. sana kaya lang tumawag ka eh..”
Habang nag-uusap kami ni Adam ay biglang pumasok si Ethan sa kwarto. Agad akong tumayo at nagpunta sa terrace upang hindi marinig ni Ethan ang pag-uusap namin ni Adam. Hindi ko rin gusto na marinig ni Adam si Ethan na nasa kwarto ko.
“Adam, I have to go, sleepy na po kasi talaga ako” wika ko kay Adam. “Oh, sleepy ka na agad? hmmm… sige na nga . tulog ka na, tutulog na rin ako in a while. good night Chad, sweet dreams honey” sagot ni Adam. “Okay good night Adam. Sweet dreams din! Bye”.
Pagkatapos namin magusap ni Adam ay pumasok na agad ako sa kwarto. Nagulat ako nang makita ang nakatalikod na si Ethan na nakahubo’t hubad. Kitang-kita ang maumbok nyang pwet na napakakinis. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanyang pwet. Nag-susuot pala sya ng brief ng oras na iyon. Nang humarap sya sa akin ay agad syang nanghinggi ng paumanhin “Hey, Chad, I’m sorry, nasanay na kasi ako na walang kasama sa bahay eh. I hope you don’t mind”. “ah..no problem Ethan. It’s okay” sagot ko naman. Hindi ko pa rin maiwasan ang mapatingin sa napakagandang katawan ni Ethan.
Agad na akong nahiga sa kaliwang bahagi ng aking kama. Sumunod na rin na nahiga si Ethan na nakasuot lang ng white brief. Hindi ko maipaliwanag ang aking pakiramdam ng oras na iyon. Napaka-awkward. If you will think of it, katabi ko sa iisang kama ang ex ko na nakasuot lang ng brief. Pinaglalaruan ata talaga ako ng tadhana. Nang sumulayap ako kay Ethan ay busy pa ito sa pagte-text. Maya-maya pa ay nag-open sya ng conversation –
“So Chad, It’s been five years… kamusta ka na ba?” wika ni Ethan.
“Ako, okay naman ako” maiikli kong sagot sa kanya.
“What do you mean okay?” tanong nya
“Okay, as in okay” sagot ko muli kay Ethan.
“Magkwento ka naman, san ka nag-graduate? tinuloy mo ba yung course na gusto mo? nagwo-work ka na ba? Saan? Kwentuhan mo naman ako” wika ni Ethan who seems very eager to know what happened to me after he left.
At first I was hesitant na magkwento sa kanya. Iniisip ko, “bakit pa kailangan malaman mo? Eh ni hindi ka nga nakipagcommunicate sa akin after na umalis ka eh. Tapos ngayon curious ka sa nagyari sa akin”.But on second thought, ayaw ko naman syang bastusin at mapahiya, kaya sinagot ko na rin ang mga tanong nya.
“Ahh… Naggraduate ako ng BS Psychology sa CEU. I now work as an HR associate sa isang MNC in Taguig” matipid kong sagot sa kanya
“So itinuloy mo pa rin pala na mag-Psychology. That’s nice. Ako naman, I took Biology sa NYU. Sa awa ng Diyos nakagraduate naman. I now work as a consultant sa isang Pharma company”
“That’s good to hear” maikili kong sagot.
Awkward pa rin ang aking pakiramdam sa pag-uusap namin na iyon ni Ethan. Alam mo yung feeling na may malaking wall sa pagitan naming dalawa na halos hindi kami makatingin ng mata sa mata sa isa’t isa. Marahil nga ay dala na rin ng hindi maayos na paghihiwalay namin at hindi nya pakikipag-communicate sa loob ng kalahating dekada. After a few minutes of silence ay muling nagtanong si Ethan.
“Hmmm… Chad, this may sound absurd to you, but… (pauses for a while) napatawad mo na ba ako?”
Hindi ako sumagot Ilang segundong kaming natahimik bago muling nagsalita Si Ethan.
“Richard… matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ito, pero I do not how… I’m really very sorry. I know na napakalaki ng kasalanan ko sa’yo…. (pauses for a while) Alam ko, iniwan kita sa ere. Hindi kita nagawang ipaglaban noon. Natakot ako, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. I’m really sorry. God knows how I really wanted not to leave at that time, pero wala akong nagawa” wika ni Ethan sa seryoso at malumanay nyang boses.
Hindi ako nakaimik agad. Pilit kong ninamnam ang mga salitang binitiwan ni Ethan. Hindi ko namalayan na tumulo pala ang luha sa aking pisngi. Hindi ko maintindihan kung bakit ako napaiyak ng sandaling iyon. Alam ko sa sarili ko na nakapag-move on na ako at wala na akong nararamdaman na kahit ano pa towards him. Pero nang marinig ko ang mga salitang binanggit nya ay parang may pumitik ng malakas sa aking puso na nagpabalik ng lahat ng ala-ala at sakit ng nakaraan namin ni Ethan. Sinabi ko sa sarili ko “Ano ba itong nagyayari sa akin? Bakit ba ako napapaiyak? Di’ba nakalimutan ko na si Ethan? Wala na akong feelings for him”
Pasimple kong pinahid ang aking luha upang hindi ito makita ni Ethan. “Wala na iyon” ito lamang ang naisagot ko kay Ethan. Agad akong bumaling sa kama patalikod kay Ethan. Hindi ko talaga maunawan ang aking sarili ng sandaling iyon. Hindi na rin nagasalita pa si Ethan na sa pakiwari ko ay natulog na rin.
Patuloy pa rin akong nagmuni-muni sa mga naganap nang araw na iyon. Masaya na sana ako at mas lalong naging malinaw ang relasyon namin ni Adam at naipakilala pa nya ako sa family nya. He also expressed that he is ready to move on and forget about Niko, although alam ko na hindi naman ito magiging madali para kay Adam.
Nakakagulat naman ang biglang pagdating at pagbalik ng ex ko na si Ethan. Of all times, ngayon pa sya babalik. At pilit pa nyang ibinabalik ang nakaraan na matagal ko nang pilit kinalimutan. What a day it has been. Ilang minuto pa ng pagmu-muni-muni ay nakatulog na rin ako.
The next day….
(Music playing --- The smile on your face, lets me know that you need me there’s a truth in your eyes saying you’ll never leave me, the touch of your hand says you’ll catch me whenever I fall, You say it best, when you say nothing at all)
Nagising ako sa malakas at paulit-ulit na pagtugtog ng chorus ng kantang “When you say nothing at all” Matagal ko nang hindi napapakinggan ang awit na ito at actually I purposely do not want to hear the song again dahil ang kantang iyon ang team song namin noon ni Ethan. Palagi pati itong kinakanta ni Ethan kapag magkasama kami. Every time I hear that song ay naalala ko si Ethan.
Nang bumangon ako ay napansin ko na ang cellphone pala ni Ethan ang nagri-ring. Napag-isip isip ko nananadya ba talaga itong si Ethan at iyon pa talaga ang ginawa nyang ringtone nya.
Maya-maya ay nagising na rin si Ethan at agad na sinagot ang kanyang cellphone. Ang mommy pala nya na si Tita Margaret ang tumatawag at kinukumusta lamang sya.
Alas otso na pala ng umaga. Bumangon na ako, at dumeretso na sa banyo para sa aking morning rituals. Pagbalik ko sa kwarto ay nakatayo na rin si Ethan at nakasuot na ng shorts at sando. “Chad, may tumatawag sa’yo kanina pa. Adam ata yung name” wika ni Ethan sabay abot ng cellphone ko na naiwan ko pala sa ilalim ng aking unan. Agad naman akong dumeresto sa terrace upang doon sagutin ang tawag ni Adam.
“good morning Adam, how was your sleep?” bungad ko kay Adam.
“good morning Chad, I slept very well kasi napanaginipan kita eh (chuckles)” sagot ni Adam.
“Ang aga-aga nambobola ka na agad” sagot ko sa kanya
“hindi naman ako nambobola eh.. hmm.. so what are doing today?” tanong ni Adam
“ako? Wala naman dito lang siguro sa house ngayong umaga, tapos mamaya samahan ko lang si mom na mag-grocery” sagot ko kay Adam “Eh ikaw?” tanong ko
“We’ll be out of town today, gusto kasi mamasyal ni Clarice sa Tagaytay and as usual hindi ako pwede mawala. If you like, you can come with us. My mom would be very happy” sagot ni Adam.
“Sorry but I cannot come with you today, wala kasi makakasama si mom na mag-grocery at saka family affair yan so mag-enjoy ka na lang muna with them” sagot ko sa kanya
“hmmm.. okay, basta next time sasama ka na sa amin ah..” wika ni Adam
“Sure, next time. Oh.. sige na magready ka na. I will just call you later, mag-breakfast muna ako” sagot ko sa kanya.
“okay, will wait for your call Chad. Ingat ka honey. bye” sweet na pagsagot ni Adam.
Nakangiti akong pumasok sa kwarto. Agad naman akong inusisa ni Ethan na tila nag-iimbestiga “Richard, sino si Adam? Pardon me for asking pero boyfriend mo ba ‘yon?” Nagulat ako sa deretsong pagtatanong na iyon ni Ethan. Nag-alinlangan naman ako na sagutin sya dahil in the first place, it’s none of his business and wala naman nya syang pakialam kung may relasyon man kami. “Sorry?” sagot ko sa kanya na kunwari ay hindi ko narinig ang tanong nya. “I said, is that Adam your boyfriend?” malakas nyang pag-ulit. “boyfriend? Ahh.. nope.. he’s a friend. Bakit mo naman tinatanong?” balik kong tanong sa kanya na medyo may pagkasuplado. “Ahh.. wala naman, I’m just checking” mabilis nyang sagot. “Checking what?” pasuplado ko ulit na tanong sa kanya. “Wala, wala, tinatawag na pala tayo ni Mommy kanina pa, ready na raw yung breakfast” sagot ni Ethan sabay labas na ng kwarto na tila umiwas na matanong ko pa sya.
Napaisip ako, bakit naman gusto malaman ni Ethan kung boyfriend ko ba si Adam. Does It mean na may interes pa rin sya sa akin? I doubt it. After five years, ako pa rin ang magugustuhan nya? Di hamak naman mas maraming gwapo at matipunong lalaki na pwede syang makilala at magustuhan sa Amerika, di ba? Baka nag-uusisa lang talaga sya . Sumunod na rin akong bumaba para mag-almusal
“Oh Chad, anak, kain na, niluto ko yung favorite nyong breakfast ni Ethan, sinangag, crispy daing na bangus with kamatis at itlog na maalat on the side” bungad ng aking mom. “Wow, mommy, the best ka talaga, namiss ko itong daing na bangus” excited na sagot ni Ethan. “Syempre naman Ethan, naaalala ko nga noon, maamoy nyo pa lang ni Richard na ito nag almusal na niluluto ko, bababa na kayo agad” wika ni Mom. “Oo, nga mom, naaalala ko pa nga itong si Richard noon, tulo pa yung laway pero pag naamoy na ang daing na bangus takbo na agad sa papunta sa kusina” sagot naman ni Ethan. Nanigingiti lamang ako sa mga kwentong iyon. Totoo na masaya ang naging childhood namin ni Ethan.
“Chad, ipinagtimpla na kita ng coffee” wika ni Ethan sabay abot ng tasa ng kape. Agad ko naman itong tinikman. Hindi pa rin nakakalimutan ni Ethan ang timpla ng kape na gusto ko. “Ayos ah, hindi mo pa rin nakakalimutan yung timpla na gusto ko, thanks” sagot ko naman. “Syempre naman Chad, makakalimutan ko ba naman yan, eh araw-araw ako ang nagtitimpla ng kape mo” wika ni Ethan. Ngumiti lamang ako sa kanya.
Napuno ng kwentuhan ng mga masasayang memories ang umagang iyon. Reminiscing happy memories is a great way to start the day. Tawanan, tuksuhan, kulitan. Dahil dito ay nawala na ang pagka-ilang ko kay Ethan. Bumalik ang dating magaang pakikitungo ko sa kanya, probably because may maganda naman talaga kaming pinagsamahan ni Ethan dahil nga best friends kami. Napag-isip ko din wala namang mawawala kung pakikitunguhan ko ng maayos si Ethan. Pero pagdating naman sa love life naming dalawa, ahhh… ibang usapan na iyon.
Pagkatapos namin mag-almusal ay nagyaya si Ethan na maglakad lakad sa subdivision at puntahan ang dati nilang bahay na ilang kanto lang ang layo sa amin. Pumayag naman ako at ipinakita ko rin sa kanya ang mga pagbabago na nangyari sa aming lugar after five years. Nang makarating kami sa kanilang bahay ay pinagmasadang maiigi ni Ethan ang kabuuan ng bahay. Abandoned pa rin at wala pa ring nakakabili ng bahay. Dumeretso kami sa backyard kung saan madalas kami naglalaro ni Ethan.
“Parang kailan lang Chad, naglalaro pa tayo dito sa bakuran ng bahay namin” seryosong wika ni Ethan.
“Naalala ko pa noon, dito palagi ginaganap yung birthday party ko” dagdag ni Ethan.
“Oo nga Ethan , naalala ko nga nung 8th birthday mo, takbo tayo ng takbo, naghahabulan pa tayo ng mga kalaro natin, tapos nabungo mo yung table kung saan nakapatong yung napakalaki mong cake. Tapos bumagsak yung cake sayo. Tawanan pa nga tayo non” kwento ko kay Chad na medyo natatawa-tawa pa.
Tumingin ako kay Chad at seryoso pa rin sya “Yes, I will never forget that day, Tawa pa nga tayo ng tawa at nagpahiran pa ng icing sa mukha. But actually, ang hindi nyo alam, after the party, nung makaalis na kayong lahat, I was beaten up by my Dad, binugbog ako ng Dad ko, wala namang magawa si Mom dahil pati sya sasaktan din ni Dad. Paulit-ulit na sinabi sa akin ni Dad na, ang harot-harot ko daw kasi, malamya daw ako, daig ko pa daw ang babae at wala raw akong mararating. Lahat nang iyon, itinanim sa isip ko ng Dad ko” malungkot na pagsasalaysay ni Ethan. Nangingilid din ang luha sa kanyang mata.
“I’m sorry Ethan kung napaalala ko pa sayo yung mga painful memories mo” wika ko kay Ethan habang hinahagod ang kanyang likuran. “no, you don’t have to be sorry, that’s the reality. At saka, kung hindi naman nangyari ang lahat ng iyon, I will not be who I am now. I will not be tougher and stronger” seryosong paglalahad ni Ethan. Ngayon ko lang nare-realize kung gaano katindi ang pinagdaanan ni Ethan from his dad. Aside from the physical abuse, he was also emotionally and mentally abused by his Dad.
Bigla kong naiisip si Adam. Opposite ang situation nila ni Ethan. Kung paanong buong pusong tinanggap ng parents ni Adam kung ano sya at kung sino sya, ay ganun naman katindi ang rejection na natanggap ni Ethan sa kanyang Daddy.
“Tama na nga yan. enough of the sad memories,” wika ni Ethan. Sinubukan namin na pumasok sa loob ng bahay. Maswerte naman at bukas pala ang back door ng bahay. Nang makapasok kami ay puro agiw at alikabok na ang bahay. Kakaiba na rin ang amoy nito dahil wala nang nag-alaga ng bahay mula ng umalis sila patungong States. May mangilanngilan pa din gamit na naiiwan doon. Umakyat kami sa second floor ng bahay kung saan naroon ang mga kwarto. Una namin pinuntahan ang master bedroom. Nandoon pa ang ilang picture frame at side cabinet na tila kinain nang anay.
Sumunod naman naming pinuntahan ang kwarto ni Ethan. Nakasabit pa rin sa pinto ng kwarto ang name plate nya na I remember was my gift to him in his 10th birthday. “Oh, Ethan buhay pa pala itong regalo ko sayo oh..” wika ko sabay turo sa name plate. “Oo nga, actually alam mo, marami akong gamit na hindi ko na nadala sa States” sagot ni Ethan.
Nang makapasok kami sa kwarto ay nakadikit pa rin ang ilang posters at pictures. Nakita ko pa nag ang mga pictures naming dalawa. Very nostalgic ang feeling nang makita ko ang mga litratong iyon. It brought back a lot of happy memories. Nandoon pa rin ang closet ni Ethan. Nag buksan ito ni Ethan ay may ilang box pa ang nasa loob nito.
“Chad, patulong naman, ilabas natin yung mga box na ito. Important yung mga laman ng box na ito” wika ni Ethan. Hindi naman ako ng dalawang isip na tulungan si Ethan. Nang mailabas na namin ang mga box at lumuhod si Ethan upang buksan ang mga kahon. Ang unang kahon na nabuksan niya ay naglalaman ng mga school documents ni Ethan ga ya ng lumang notebooks, report cards, at kung ano-ano pa. “Ethan, oh, palakol pala yung grade mo sa Math nung Grade 6 tayo” wika ko kay Ethan na tila nang-aasar. “oo nga, naaalala ko yan, terror naman kasi yung teacher natin dyan eh, yung si Ms.. si Ms.. sino na nga yon?” wika ni Ethan. “Ah.. Si Ms. Capinpin, oo terror nga talaga yun , palibhasa matandang dalaga eh” sagot ko. Nagtawanan kaming dalawa nang sariwain ang aming elementary days.
Binukasan naman ni Ethan ang ikalawang kahon. Naglalaman naman ito ng mga personal and private stuffs Ethan. Nang hinalungkat niya ang laman ay naroon ang ilang adult magazines at porn CDs na napagsawaan na namin ni Ethan nung teenagers pa kami. Nagkatinginan kami ni Ethan at hindi napigilan ang magtawanan ng malakas “Ikaw talaga Ethan, itinatago mo pa pala yang mga ‘yan. Akala ko itinapon mo na yan noon?” tanong ko sa kanya. “Hindi, nanghihinayang kasi ako sa pera na pinambili ko nyan eh, pinagipunan ko pa nag yung iba dyan kaya itinago ko na lang” sagot naman ni Ethan.
Maya-maya ay nakita naman ni Ethan ang ilang sulat at cards na ibinigay ko sa kanya. “Oy Ethan, wag mo nang basahin yan, puro ka-cornyhan naman ang nakasulat dyan” wika ko at pinilit kong kunin ang mga sulat sa kamay ni Ethan. Mabilis namang naiiwas ni Ethan ang sulat ”Ano ka, basahin nating yung mga sulat mo” sagot ni Ethan na tila nang-aasar. Nakipagbuno ako sa kanya sa pagnanais na makuha ang sulat pero mabilis na nabuksan ni Ethan ang isa sa mga sulat. Binasa nya ito ng malakas –
“Mahal kong Ethan” bungad na pagbasa ni Ethan. Malakas ang tawa ni Ethan ng basahin ang unang linya ng aking sulat. Namula naman ako sa sobrang hiya. “Wag mo nang basahin yan Ethan, puro ka-cornihan ko lang yan” pagmamakaawa ko sa kanya. Pero nagpatuloy sa pagbasa si Ethan. Nag sulat na ito ay noong nasa Grade 4 kami.
“Kamusta ka na? Malungkot ako dahil hindi kita nakasama sa pagpunta sa mall kahapon. Alam ko na hindi ka pinayagan ni Tito John. Masaya pa naman sana dahil kumain kami sa Jollibee ni Mommy at inorder nya ang favorite natin na Chickenjoy. Naalala nga kita eh. :) Pagkatapos ay naglaro ako ng video games. Wala nga lang akong nakalaro. Sana next weekend ay magkasama na tayo sa pagpasyal sa mall. Miss na agad kita Ethan. Sana ay lagi mo akong naiisip dahil ako ay lagi kitang naiisip. Kita na lang tayo sa school sa Lunes. Nagmamahal, Richard.
Matapos basahin ni Ethan ang sulat ay tumawa ito ng napalakas na halos hindi na ito makahinga. “Sabi ko sayo eh, wag mo nang basahin dahil puro ka-cornyhan lang ang laman ng mga sulat ko” wika ko sa kanya na medyo napikon sa lakas ng kanyang pagtawa. “Ano ka ba? laugh trip nga eh, basahin pa natin yung iba” sagot ni Ethan. Sa kabila ng pagpigil ko sa kanya ay nabukasan pa rin nya ang isang pang sulat ko. Ang nakuha nya pala ay ang sulat ko noong second year high school na kami. Nakapwesto ako sa tabi nya nang simulan nya itong basahin.
Dear eThan,
Salamat nga pala sa birthday gift mo sa akin. It really made me happy. I’m really blessed to have you in my life. You are my best friend, my comforter, my shoulder to cry on, my defender, my knight in shining armor (Naks!), and most of all the love of my life. Here’s a song for you…
You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
I will wait for you at our meeting place tomorrow.
Loving you very much,
Richard.
Nang matapos basahin ni Ethan ang sulat ay nakatitigan kami. It’s the first time after more that five years na nakatingin ako kay Ethan nang mata sa mata. Magkahalo ang aking pakiramdam ng oras na iyon. Kinakabahan ako dahil I’m not sure kung ano ang pwedeng mangyari; masaya rin na medyo kinikilig rin ako, dahil sa mga magandang ala-ala na nagbalik ng basahin ni Ethan ang sulat na iyon,. Parang nag-uusap ang aming mga mata. Nakikita ko na unti-unti lumalapit ang mukha ni Ethan sa akin na tila nais nya akong halikan. Papalapit ng papalapit. Ipinikit ko ang aking mga mata at handa na akong magpaubaya sa kung ano ang maaring mangyari. Nang biglang ----
(---- music playing loudly --- )
Nagri-ring ang cellphone ko. Nagulat ako at biglang napatayo. Nang tingnan ko ang cellphone ko “ADAM” . Si Adam pala ang tumatawag.
TO BE CONTINUED….
CLick the Button Next Below to COntinue...
0 comments:
Post a Comment