Anong kanta kaya ang itatapat ni Adam sa kanta ni Ethan?
Makalipas ang ilang minuto ay nag-input na ng song number si Adam. Lumabas sa screen ang kantang “How Did You Know” by Gary Valenciano. Medyo nagulat ako sa song selection ni Adam dahil alam ko na mataas ang tono nito. Before he sang he also dedicated his song to me “This song is for you Chad!” wika ni Adam sabay ngiti sa akin.
(Adam singing)
I remember so well
The day that you came into my life
You asked for my name
You had the most beautiful smile
My life started to change
I'd wake up each day feeling alright
With you right by my side
Makes me feel things will work out just fine
I was impressed by the voice of Adam. I’ve never heard him sing and in fairness, okay rin ang boses nito. Kahit halatang kinakabahan ay hindi naman ito nasisintunado and he is hitting all the notes. Tumitig din si Adam sa akin nang kantahin na nya ang chorus ng kanta.
How did you know
I needed someone like you in my life
That there's an empty space in my heart
You came at the right time in my life
I'll never forget
How you brought the sun to shine in my life
And took all the worries and fears that I had
I guess what I'm really trying to say
It's not every day that someone like you comes my way
No words can express how much I love you
Sa twing bibigkasin nya ang lyrics ng kanta na “I love you” ay titingin sa akin si Adam. Aminado ako na kinilig rin ako dahil sa inawit na iyon ni Adam. Hindi man kasing ganda ng boses ni Ethan and boses ni Adam ay naramdaman ko naman ang nais iparating ni Adam through that song.. Tila nag-uusap ang mga mata namin. Damang dama ako ang bawat salita sa kantang iyon. Pagkatapos ng awitin ay hindi naputol ang pagtitigan namin ni Adam
Isang malakas na palakpak ni Mommy ang pumutol sa titigan namin ni Adam. “Naku Adam, ikaw ha.. hindi mo sinasabi magaling ka din pala kumanta.” wika ni Mommy. “Ahh.. salamat po..” matipid na sagot ni Adam. “Alam nyo naisip ko lang ano, Ethan, Adam, pwede kayong magshowdown sa isang singing contest.. tapos ang premyo nyo ang anak ko…si Chad” pabirong wika ni Mommy na agad ko naman sinagot “Ma!.. ikaw talaga kung ano-anong sinasabi mo..” wika ko. Napansin ko na napangiti si Adam ngunit seryoso naman ang itsura ni Ethan.
“Ikaw naman…binibiro ko lang naman silang dalawa… oh sya ikaw naman ang kumanta.. may naisip akong kakantahin mo” wika ni Mommy sa akin “Ano na naman yun Ma?” sagot ko. “Ahhh.. ito ang bagay na kantahin mo.. Sana Dalawa ang Puso Ko” natatawang sagot ni Mommy. “Mommy!! Ikaw talaga.. tumahimik na nga kayo…” wika ko. “Oh.. bakit ba? pinapatawa ko lang naman kayo eh.. masyado kasi kayong seryoso.” sagot ni Mommy. Kahit na nagbibiro si Mommy ay seryoso pa rin ang itsura ni Ethan samantalang ngingisi-ngisi lang si Adam.
Dahil gumagabi na rin ay minabuti na ni Adam ang magpaalam. “Ahh.. Tita.. I have to go na po.. medyo gabi na rin po kasi” magalang na wika ni Adam. “Oh sya hijo.. mag-iingat ka sa pagmamaneho” sagot lang ni Mom. “Okay po Tita.. ahh.. Ethan.. mauna na ako” paalam ni Adam kay Ethan na ng oras na iyon ay seryoso pa rin ang itsura. Tumango lang ito at bahagyang itinaas ang kamay.
Inihatid ko si Adam sa gate. “Ahh.. Chad.. thanks for inviting me again for dinner.. and congratulations ulit sa’yo.. I’m really happy for your achievement.” wika ni Adam. “Salamat din. Oh wait.. dala mo ba yung cellphone mo.. baka maiwan mo nanaman.” pagpapaalala ko.sya..Agad namang kinapa ni Adam ang bulsa ng pantalon nya. “It’s here, thanks for reminding” wika niya. “Oh sya.. mag-ingat ka sa pagdi-drive. Good night na po” sagot ko sabay halik sa pisngi ni Adam. Matapos magpaalaman ay umalis na si Adam.
Pagpasok ko muli sa bahay ay nakita ko na nagliligpit na sa kusina si Mommy. Si Ethan naman marahil ay umakyat na sa kwarto. Pumanhik na rin ako upang makapagpahinga na. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Ethan na nakaupo sa kama at tila malalim ang iniisip. Dumeretso lang ako sa closet upang kumuha ng maisusuot na pantulog. Nagtungo ako sa banyo upang makapaglinis ng katawan at makapagpalit ng damit.
Makalipas ang 10 minuto ay bumalik ako sa kwarto. Napansin ko na pirming nakaupo pa rin si Ethan sa kama at nakatulala. “Ahh.. Ethan… okay ka lang ba? parang ang lalim ng iniisip mo ah?” pag-uusisa ko kay Ethan. Hindi agad umimik si Ethan. Upang kunin ang atensyon nya ay umupo ako sa tabi nya. Muli ko syang tinanong “Ethan… okay lang ba? bakit nakatulala ka dyan? may problema ka ba?”
Tumingin si Ethan sa akin, mata sa mata ngunit hindi ito nagsalita. Tinitigan nya ako. Ako naman ay tila nabato dahil sa pagtitig nyang iyon. May isang minuto sigurong nakatitig lang si Ethan sa akin. Maya-maya ay napansin ko na unti-unting namumuo ang luha sa mga mata nya. Ilang saglit pa ay tumulo na ito sa kanyang pisngi. “Hey.. Ethan.. may problema ba? bakit bigla ka na lang umiyak dyan.. hoy…” wika ko sabay hawak sa dalawang balikat ni Ethan.
Nanatiling tahimik si Ethan at tanging ang mga mata at mga luha nya lamang ang nangungusap. ‘Huyy… Ethan.. magsalita ka naman.. may masakit ba sa’yo?” pag-uusisa ko. Ilang saglit pa ay yumakap sa akin si Ethan. Wala naman akong magawa kung hindi ang i-comfort sya. Mahigpit ang pagkakayap ni Ethan sa akin. Damang dama ko ang paghikbi nya na tila isang bata.
“Ethan.. what’s the problem ba?” muli kong tanong sa kanya. Habang nakayakap ay bumulong ito sa akin. “Richard… I just hope hindi pa huli ang lahat”. Nagulat ako sa binigkas nyang iyon. Ilang minuto akong natigilan. “what do you mean?” sagot ko. Muling sumagot si Ethan “sana may lugar pa ako sa puso mo… Chad.. sana ako pa rin..” seryosong wika ni Ethan habang humuhikbi.
Matapos nyang bigkasin ang mga salitang iyon ay tila may kung ano na kumurot muli sa aking puso. Tumatagos sa aking puso ang mga sinabi nyang iyon. I felt the pain na nararamdaman nya,. I know that he is somehow hurt because Adam is now in the picture whereas noon ay walang hadlang sa pagmamahalan naming dalawa.
Makalipas ang ilang minuto pa ay dahan-dahang lumuwag ang pagkakayakap ni Ethan sa akin. Pinahid nito ang luha sa kanyang mga mata. “Pasensya ka na Chad.. inatake nanaman ko ang pagka-emo.. (chuckles and smiles) sige na po.. matulog na tayo” wika nya sabay higa sa kama at talukbong ng kumot. Ako naman ay natigilan pa rin sa mga nangyari. Makahulugan ang mga binitiwang salita ni Ethan at damang dama ako ang sinseridad nya.
Ngunit ano na nga ba ang gagawin ko? I hate to say this, I know marami ang magsasabi na ang haba-haba naman ng buhok ko dahil pinag-aagawan ako ng dalawang matitipuno at gwapong lalaki. But to tell you honestly, hindi ganoon ang nararamdaman ko. Hindi madali ang sitwasyon kong ito. Sino ba ako para mahalin nila? I’m just an ordinary person. I don’t even think that I deserve their love., Yes, masaya ako dahil may nagmamahal ang nagbibigay ng concern sa akin. But on the other hand, I feel na hindi ko naman nasususklian ng tama ang pagmamahal nila.
Hindi ko pa kayang pumili between the two them dahil natatakot ako na may masasaktan akong isa sa kanila. Kaya lang, I also feel guilty dahil everytime na magkikita sila ay halos mag-away na sila dahil sa akin. I also feel na nato-torture ko na yung mga isip nila dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa masabi kung sino ba sa kanila ang pipiliin ko at kung sino talaga ang mahal ko. Mukhang tama nga ang Mommy ko ah..ang kanta talaga ng buhay ko ngayon ay Sana Dalawa ang Puso Ko. How I wish pwedeng mangyari yun.
At ang isang malaking tanong pa sa aking isipan ---sino ang isasama ko sa trip ko to Singapore? si Adam or si Ethan? Paano ako pipili between the two of them? Mag palabunutan na lang kaya ako? HAAAAYYYY.. buhay.. ang hirap talaga.. Sana makahanap ako ng sagot sa panaginip ko!
KINABUKASAN…
Nagising ako, hindi dahil sa tunog ng aking alarm clock, kundi sa isang bagay na nakapatong sa aking dibdib. Dahil madilim pa ng oras na iyon ay hindi ko naaninag kung ano ang bagay na iyon. Kinapa ko ito nagulat ako dahil ulo pala iyon ni Ethan. Nakaakap si Ethan sa aking katawan at tila ginawang unan ang aking dibdib. I remember na sa tuwing may problema noon si Ethan about his Dad and he would sleep over sa amin, gusto nya palagi na matulog na nakaakap sa akin with his head on my chest kasi daw he feel comforted and secure. Dahan-dahan ko iniangat ang ulo nya at inilapag sa unan at inalis ko rin ang pagkakayakap nya sa akin. Marahan din akong bumangon.
Naupo muna ako sa kama at kinapa sa ilalim ng unan ang aking cellphone ngunit wala ito roon. Hinanap ko ang ibang parte ng kama ngunit wala talaga ito. Nakita ko ito na nakapatong sa side table. Nagtaka ako dahil hindi ko naman ito ipinapatong sa side table sa twing matutulog ako. Lagi ko itong inilalagay sa ilalim ng aking unan upang maramdaman ko ang pag-vibrate nito kung may tatawag or magtetext. Well, marahil ay nakalimutan ko lang na naipatong ko ito doon kagabi.
Alas kwarto pa lang pala ng umaga at dahil sa maaga pa ay minabuti ko muling mahiga sa kama. Chineck ko na lamang ang cellphone ko kung nagtext si Adam. May isa lamang itong text na nagsasabi na nakauwi na ito at nag-goodnight lang ito sa akin. Habang abala ako sa pagkakalikot ng cellphone ko ay bigla na lamang nagsalita si Ethan.
“Chad… aga mo namang nagising.. wala ka namang pasok today di ba?” wika ni Ethan na malat pa ang boses. “Ahh… oo.. naalipungatan lang kasi ako..” sagot ko na lang kahit ang tunay na dahilan ay ang pagkakapatong ng kanyang ulo sa aking dibdib. “Oh ikaw.. bakit nagising ka na? nagising ba kita? I’m sorry.. go back to sleep, 4am pa lang po” wika ko sa kanya. “Ahh… hindi naman.. medyo lang” sagot ni Ethan na tila ipinahihiwatig na nagising sya ng alisin ko ang pagkakayakap nya sa akin. “Sorry… sige na matulog ka pa ulit…” wika ko. “Ahh.. okay lang.. hindi na ulit ako makakatulog nyan” sagot naman nya.
We decided then na maupo na lang sa kama at magkwentuhan. Nagsimula kami sa pagki-kwentuhan about our lives in school, about how different school life is in the US, and other school matters. Then as our conversation went by.. mas naging serious ang topics na ang napag-usapan namin. Out of curiosity, I asked him about something na matagal ko na rin gustong malaman about his life in the US. “Ethan.. may tanong ako sa’yo.. in the five years that you spent in the US… wala ka bang ibang naka-relationship? I mean.. you are good looking man and mabait ka naman… I’m sure maraming magkakagusto sa’yo, Pinoy man or foreigner.. ” tanong ko sa kanya. Tila nabigla si Ethan sa tanong ko na iyon at napaiisip ito ng panandalian.
“To tell you honestly Chad.. maraming inirereto si Daddy sa akin na babae na mga anak daw ng kaibigan at classmates nya na nandoon.. pero as you very well know hindi naman ako magkakagusto sa kanila.. And even si Mommy… may iba rin syang ipinakilala sa akin, guys and girls, pero hindi ako nagkainteres sa kanila.. may mga classmates rin ako sa NYU na nag-express ng paghanga, and one even tried to tempt me pero hindi ako kumagat (pause for a while) kasi nga iisa lang naman ang laman ng puso ko.” seryosong sagot ni Ethan sabay tingin sa akin. Medyo kinilig rin naman ako sa sinabi nyang iyon.
“Ahh.. okay.. I hope you don’t mind me asking… pero how about one night stands? Hmm… I mean flings? Did you ever had one?” pag-uusisa ko sa kanya. Nangingiti si Ethan ng itanong ko sa kanya iyon. “Ikaw talaga Chad.. you know me very well… do you think I will get involved in that kind of stuffs?” sagot ni Ethan. “Yeah.. kilala kita.. pero after five years.. I would not know.. I mean.. everything is possible when you are in the US, marami ding nice looking guys there , if you know what I mean..” sagot ko sa kanya.
“Hmmm… you have a point…. Well honestly… one night stands… hmmm… (thinks for a little while) wala talaga eh.. flings.. hmmm.. maybe one or two.. pero walang sex na involved.. kiss lang ” pautal na sagot ni Ethan na halatang maingat sa pagsagot. I’m not yet convinced by his answer.”Talaga lang ha…kahit isang beses hindi ka nagkaroon ng sexual relationship to anyone?” pangungulit ko. “Wala nga Chad.. cross my heart hope to die.” pabirong sagot ni Ethan. “Okay.. sabi mo eh...” maikli kong sagot.
“Chad… as I said and I will never get tired of saying this to you.. ikaw lang talaga ang minahal, minamahal at mamahalin ko..” seryosong sagot ni Ethan habang nakatingin sa aking mga mata. “BOLA!” pabirong sagot ko sabay pisil sa ilong ni Ethan. “Halika ka na nga mag-almusal na tayo.. gising na yun si Mommy” wika ko sabay tayo sa kama. Si Ethan naman ay nangingiting tumayo narin sa kama.
Dumeretso muna ako sa CR upang umihi. Maya-maya ay nagulat ako ng biglang buksan ni Ethan ang pinto ng CR at pumasok. “Chad.. pasabay na.. ihing-ihi na rin ako eh…” wika ni Ethan sabay hugot ng alaga nya na siyang itinapat nya rin sa toilet. Nagulat ako na muling makita ang mahabang nyang sandata na ng oras na iyo ay semi-erect kung kaya mapapansin mo talaga ang kalakihan nito. Hindi ko napigilan ang sarili na masdan ito. Ilang sandali pa ay hindi ko namalayan na tumigas na pala ang alaga ko. Napansin ito ni Ethan “Oh.. Chad.. nakaatention na si Junior ah!” wika niya sabay haplos sa ulo ng aking alaga na nagpakislot nito.
Dahil sa sobrang hiya ay napatalikod ako kay Ethan at agad kong itinaas ang suot kong short. “Ohh.. huwag ka na mahiya…” natatawang sagot ni Ethan. Pagharap kong muli kay Ethan ay nabigla ako dahil matigas na rin at tayong tayo na rin ang titi ni Ethan. “ayan.. tuloy nahawa na rin yung sa akin.. nag-attention na rin tuloy” pabirong wika ni Ethan. Kakaiba ang tingin ni Ethan sa akin na tila pilyo at nakapang-aakit. Lalapit sana si Ethan sa aking ngunit pinigil ko ang aking sarili at dahil sa sobrang hiya ko ay minabuti ko na lang na lumabas na lang ng CR.
Habang nasa dining table upang mag-almusal ay hindi kami makatingin sa isa’t isa ni Ethan. Tila nahiya rin sya dahil sa ginawa nya sa loob ng CR. “Ahh.. oo ng pala Chad.. tuloy tayo sa MOA today ha!” wika ni Ethan. “Hmmm… Yeah.. yeah.. what time mo ba gustong umalis?” sagot ko. “Siguro mga 9am para by around 10 am ay nandoon na tayo” wika niya. “Okay… ikaw Mom.. do you want to come with us?” yaya ko kay Mommy. Bago sumagot si Mommy ay nahalata ko na tumingin ito kay Ethan. “Naku hindi na hijo kayo na lang dalawa ni Ethan.. may pupuntahan kasi ako mamaya eh.” sagot ni Mommy. “Ah.. okay” matipid kong sagot.
Matapos makapag-almusal ay naupo muna ako sa sofa upang manuood ng TV habang si Ethan ay muling umakyat sa kwarto. Naiisip ko na kamustahin si Adam, naalala ko na ngayon din pala ang party na pupuntahan nya. I texted him first.
“Good morning Adam… gising ka na po?”
After 5 minutes ay hindi pa rin sumagot si Adam which is a little unusual dahil everytime na magtetext ako sa kanya ay sumasagot agad ito. It’s either is still asleep or he is busy. It’s almost 8am so I suppose gising na ito dahil 8am ang start ng party. Maybe he is just doing something else. So I texted him again.
“Adam.. busy ka po? are you on your way to the party?”
I waited for another 5 minutes pero hindi pa rin ito nagreply so I decided to call him. Nagriring naman ang phone nito ngunit hindi nya sinasagot. Kahit naman nagda-drive ito ay sumasagot pa rin ito sa tawag ko so medyo strange kung bakit hindi nya sinasagot. I tried to call him several times pero hindi talaga ito sumasagot. I tried few more times pero talagang hindi ito sumasagot. And on my last try he answered my call
“Hello Adam.. busy ka po ba? bakit hindi ka agad sumagot?” tanong ko.
“Chad… I’m just busy… I’ll just call you later” pasungit na wika ni Adam then he immediately dropped the call.
Medyo naiinis ako dahil doon. Bakit nya kailangan putulin agad ang tawag? And hindi ba nya kayang magtext man lang, I think my assumption is correct, he doesn’t want me to bother him because he is celebrating the birthday of his beloved Niko. Nagsinungaling na nga sya sa akin tapos susungitan pa nya ako ngayon. Bahala na nga sya! As for me.. I’ll enjoy na lang ang “date” namin ni Ethan.
Umakyat na ako sa kwarto upang mag-ayos ng susuotin kong damit. Pagpasok ko ng kwarto ay nakaligo na si Ethan at nakasuot na ng pants. Matapos mamili ng damit ay tumungo na ako sa banyo upang maligo. Habang naliligo ay hindi ko maiwasan na maalala ang inasal na iyon ni Adam. Nakakainis talaga sya. Kahapon lang ang sweet nya sa aking tapos ngayon, dahil lang party ni Niko ang pinuntahan nya susungitan na nya ako. Well, hayaan ko na lang na mag-enjoy sa doon at ako naman ay mag-eenjoy din. At least I do not have to think about him while I’m with Ethan.
Matapos maligo at makapagbihis ay bumaba na rin ako sa sala kung saan naghihintay na pala si Ethan. Ang gwapo ni Ethan sa porma nyang iyon. Nakasuot ito ng tight fitted blue jeans at white Lacoste polo shirt. Amoy na amoy rin ang kanyang Hugo Boss na perfume. “Ohh.. Chad.. are you ready na?” tanong ni Ethan. “Yes.. let’s go..” yaya ko. “Ahhh.. saglit lang pala.. can we have a picture taken before we leave?” tanong nya. “Hmm .. bakit naman?” tanong ko.. “Basta.. remembrance ba?” sagot nya. “Okay” matipid kong sagot. Agad na tinawag ni Ethan si Mommy upang magpakuha ng litrato.
“Ma.. picturean nyo naman kami ni Chad”wika ni Ethan.”Sure hijo.. “ wika ni Mom sabay abot ng digicam ni Ethan. Ang unang shot ay nakatayo lang kaming dalawa ni Ethan. After that shot humirit si Ethan ng isa pa. “Okay.. one more.. One.. Two.. Three…” bilang ni Mommy. Bago pa ma-click ni Mommy ang camera ay biglang umakbay si Ethan sa akin. “Okay na po Mommy… thank you.. lalakad na po kami” pagpapaalam ni Ethan. “Oh sya… mag-iingat kayo at magtext kayo kung gagabihin man kayo ha!” bilin ni Mommy. “Okay Ma.. don’t worry matanda na naman na kami” wika ko.
Dumeretso kami ni Ethan sa shed upang maghintay ng bus na pa-Manila. Makalipas ang sampung minuto ay dumating na rin ang bus. Pagsakay namin ay kapansin pansin na maluwag ito at halos kakaunti ang nakasakay. Marahil dahil sa Sabado at walang pasok ang karamihan. Pinili ni Ethan na maupo sa bandang gitna ng bus. Matapos makapagbayad ng pamasahe sa kundoktor ay napansin ko na medyo napapaidlip si Ethan. Marahil dahil sa maaga kaming nagising na dalawa ngayong umaga. Maya-maya ay sumasayad na ang ulo ni Ethan sa aking balikat at nagigising lang ito kapag napapalakas ang bagsak. Upang hindi na mahirapan sa pagtulog ay hinayaan ko na na matulog sya sa balikat ko.
Naalala ko tuloy noon na sa tuwing may field trip kami sa school ay magkatabi kami palagi sa upuan. Bukod sa palaging marami akong dalang pagkain, ginagawa nya akong unan nya para makatulog sya sa byahe. May isang instance pa nga noon, Grade 5 yata kami, nahilo ata sya dahil sa sobrang tagal ng byahe. Eh sobrang dami naming kinain bago sumakay sa bus. Hindi na nya napigil na mapasuka sa akin. Grabe ang baho talaga naming dalawa noon. Buti na lang at pauwi na kami noon kung hindi, hindi namin na-enjoy ang field trip.
Maya-maya maya naman ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagcheck ko tumatawag si Adam. Dahil sa naiinis ako sa kanya kanina ay hindi ko sinagot ang tawag nya. Ilang beses rin syang tumatawag pero hindi ko talaga sinagot ang tawag nya. I put my cellphone in silent mode para hindi maingay sa bus. Maya-maya ay nagtext na ito.
“Chad.. why are you not answering my call now? I thought gusto mo ako makausap?”
Hindi ko pa rin sinagot ang message nya dahil naiinis pa rin ako. Parang lumalabas pa na kasalanan ko na tinatawagan ko sya kanina. Ilang minuto pa ay muling nagtext si Adam.
“Honey.. sorry na kung hindi ko nasagot yung calls mo kanina. Nagmi-misa kasi kanina kaya hindi kita masagot.”
Although alam ko naman talaga na birthday party ni Niko ang pupuntahan nya, ay tila nahuli sya nag sabihin nya may inatendan syang misa. Misa on a birthday party? Agad na akong nagreply sa kanina.
“Oh.. I thought birthday party ang pupuntahan mo, bakit may misa?”
Ilang sandali ang lumipas bago sumagot si Adam muli. Marahil nag-isip ito ng ipapalusot sa akin.
“Yun kasi ang gusto ng Tita bago yung party, magpa-Thanksgiving Mass muna”
Well, maganda ang palusot nya pero hindi na bebenta sa akin dahil alam ko naman ang totoo. Dahil sa inis ko at nagsinungaling nanaman sya sa akin ay hindi ko na napigil na magreply sa kanya ng sarcastic message.
“Ahh.. ganun ba? akala ko kasi kapag patay lang ang nag-birthday saka nag-papamisa”
Matagal bago muling nagreply si Adam. Hindi na nito pinatulan ang message ko na iyon.
“Are you free this afternoon? Labas naman tayo.”
Dahil inis pa rin ako sa kanya ay sinagot ko sya: “Sorry, I have a date”.
Mabilis syang sumagot: “Sinong ka-date mo, si Ethan?”
Agad ko rin syang sinagot. “Yes! sige na po I’ll just text you later.”
Muling sumagot si Adam: “San ang date nyo? Pupuntahan kita.”
Muli akong sumagot: “Basta.. sige napo.. itetext na nga lang kita.”
Hindi na muling nagreply si Adam at marahil ay nainis na ito sa akin. I know I’m being childish at that time dahil hindi ko inintindi na ang dahilan kung bakit hindi nya ako masagot kanina ay dahil nasa misa sya. Pero on the other hand, nagsinungaling na naman sya sa akin. In the first place sana nga sinabi na lang nya sa akin na party ni Niko ang pupuntahan nya eh and it would be okay with me, but he still chose to lie to me. Well, siguro naman fair lang na gawin ko yun sa kanya. Bahala na kung magagalit sya. I also realized na maganda na rin siguro na nangyari ito because it is a good way to be able to know him better, para malaman ko yung weaknesses nya, one of which is not being 100% honest.
After an hour of travel ay nakarating na kami sa terminal ng bus. Ginising ko na si Ethan na tila nasarapan na sa pagtulog sa aking balikat. “Oh Ethan.. bababa na tayo” wika ko. “Sorry nakatulog na pala ako sa shoulders mo” wika ni Ethan. “It’s okay.. halika ka na, baba na tayo” yaya ko. From there ay sasakay na lang kami ng taxi to MOA . Agad na pumara ng taxi si Ethan.
After 10 minutes ay nakarating din kami sa Mall of Asia. Dahil nga hindi pa nakarating si Ethan doon ay namangha ito sa laki ng mall. “ Wow, Chad.. ang laki pala talaga ng MOA.. sa internet ko lang kasi nakikita ito eh.. noon malaki na yung SM South Mall para sa akin pero talagang mas malaki pa ito” wika ni Ethan na manghang-mangha na parang bata. “Oh halika ka na, pasok na tayo” yaya ko.
Agad kaming naglibot sa iba’t ibang stores and outlets sa mall. Dahil mahilig rin na pumorma itong si Ethan ay halos lahat ng pasukin naming outlet ay may nabibili sya na damit, pantalon, pabango or other accessories. At syempre, dahil sya naman ang nagyaya ay ibinili rin nya ako ng ilang damit. I remember the old times, sa tuwing mamamasyal kami ni Ethan sa mall, ang gawain namin ay magsukat ng magsukat ng damit na gusto namin kahit hindi naman talaga namin bibilhin dahil wala pa kaming pera noon.
May isang instance pa nga, may isinukat si Ethan na damit sa Bench, dahil medyo masikip ito sa kanya, paghubad nya ay napunit ang bandang kili-kiling part ng t-shirt. Wala kaming pera upang bayaran ito kaya ang ginawa namin, ay iniwan namin ito sa loob ng fitting room tapos pasimple kaming lumabas ng tindahan. Pagkalabas namin ng mall, tawa kami ng tawang dalawa. May ilang buwan din ata na hindi kami bumalik sa tindahan na iyon sa takot na baka mamukhaan kami at ipahuli kami sa pulis. Isa yun sa mga hilarious experiences namin ni Ethan noong bata pa kami.
After shopping, ay nagyaya na si Ethan na kumain ng lunch “So Chad, saan mo gustong maglunch?” tanong niya. “Hmmm.. ikaw na ang bahala..” sagot ko. “Ahh alam ko na! May Old Spaghetti House ba dito?” wika niya. “I think so, sige itanong natin sa guard” wika ko. Itinuro ng guard kung saan ito at agad na kaming pumunta doon. Mahilig kasi itong si Ethan sa spaghetti. Kahit anong klase ata ng spaghetti kinakain nya, kahit yung sa Jollibee at McDo.
Pagpasok ng restaurant ay nilapitan agad kami ng attendant. Pinili ni Ethan na maupo sa tabi ng window.
Iniaabot na ng attendant ang menu. Hinayaan ko na sya na magorder ng pagkain dahil alam naman nya ang gusto ko. Matapos mag-order ay kinuha ni Ethan ang kanyang dalang digicam. Itinapat nya ito sa akin saka kinuhanan ako ng litrato. “Oh… ano nanaman yan?” tanong ko sa kanya. “Wala lang.. gusto lang kita kuhanan ng picture… at gusto ko maalala itong araw na ito..” wika ni Ethan. “Oh.. umiiral na naman yang pagka-emo mo…” wika ko sa kanya. “hindi naman… baka lang kasi… hindi na maulit kaya… alam mo na” pabulong na wika ni Ethan. “Sus… ang emo mo talaga..” wika ko sabay tapik sa balikat nya.
Maya-maya ay dumating na rin ang inorder naming pagkain. Gaya ng dati, he is the one na nagse-serve ng food for me. Naalala ko na naman tuloy ang mga dates namin noon. I really feel pampered dahil halos lahat ay gawin na nya para sa akin, ultimo pag bukas ng bottled water gusto nya sya na rin ang gagawa for me. Para talaga akong prinsipe noon kapag kasama ko sya.
“Okay.. kain na tayo…” yaya ni Ethan. While eating I started to ask him again about his stay in the Philippines. I also would want to check na if ever na sya ang isasama ko sa Singapore for 5 days ay pwede pa sya at hindi pa sya babalik sa States. “Ethan… you mentioned na two weeks lang talaga ang stay mo dito sa Pinas right? And that would mean na isang linggo ka na lang dito?” tanong ko sa kanya. “Hmmm.. bakit mo naman naitanong? Gusto mo na ba akong paalisin?” patampo nyang sagot. “Oh.. emo na naman?? Hindi naman sa ganon.. of course I would want to know kung kailan talaga ang balik mo sa US.” sagot ko sa kanya.
“Yes, two weeks lang talaga ang stay ko dito sa Pinas but I have the option to extend for another two weeks dahil 5 weeks naman ang naka-file na leave ko sa work… but of course that would depend sa mga mangyayari in the coming days…” makahulugan nyang sagot. “Ahh… okay…” matipid kong sagot. “Oh bakit ganun lang ang sagot mo.. hindi mo man lang ba ako pipilitin na magstay pa for another two weeks?” muling patampo nyang sagot. “Ikaw talaga ang emo mo! Eh depende rin naman sa’yo iyon eh… baka naman kasi mapilitan ka lang kapag sinabi ko na magstay ka pa.” sagot ko. Ngumiti lang si Ethan. “Bahala na! I’ll let you know na lang kapag mag-extend pa ako or hindi na!” wika nya.
Halos patapos na rin kaming mag-lunch, when I saw from the window of the resto a familiar face of a lady na naglalakad sa mall. Hindi agad nagregister sa akin isip kung sino ang babaeng iyon. I know I’ve seen her before pero parang na mental-block ata ako. Maya-maya ay nawala na rin ito at tila nakaalis na.
After paying the bill ay lumabas na rin kami ni Ethan sa resto. Sobra ang kabusugan namin dahil sa dami ng inorder ni Ethan. We decided na mag-CR na muna before we continue to stroll around the mall. Medyo sumakit ata yung tyan ni Ethan kaya medyo natagalan sya sa cubicle. Hinintay ko na lamang sya sa labas ng CR. While waiting for him, I checked my phone at talagang hindi na nagtext or tumawag pa si Adam sa akin. Sa loob-loob ko, bahala na nga sya. Sya na nga ang may kasalanan sya pa ang may ganang magtampo.
I was busy checking my phone when suddenly someone tapped my back. Paglingon ko, ito yung babae na nakita ko kanina sa may resto na hindi ko maalala kung sino. When I turned to her, I almost instantly remember na si Clarice nga pala iyon, ang kapatid ni Adam.
“Hey Clarice!” bulalas ko. “Hey Chad… how are you? what are you doing here? Shopping galore?” tanong ni Clarice sabay beso sa akin. Napansin nito ang maraming paper bag na bitbit ko. “Ahh.. I’m okay.. I’m actually with a friend… sinamahan ko lang na mag-shopping Ikaw kamusta? Sino ang kasama mo?” balik na tanong ko. “I’m actually by myself.. pero I’m suppose to meet someone here… by the way.. sayang hindi ka sumama kanina sa party.. ” wika ni Clarice na ang tinutukoy ay ang party for Niko. “Ahh… ehh…” pautal kong sagot. “Sabi kasi ni Adam ayaw mo raw sumama kaya hindi ka na daw nya pinilit.. well I understand you naman because it’s for Niko naman and it would be awkward na umattend ka” wika ni Clarice.
Muling bumalik ang pagkainis ko kay Adam dahil sa sinabing iyon ni Clarice. Hindi pa natapos ang pagsisinungaling nya sa akin, pati ba naman sa family nya nagsinungaling sya. At ang worse pa doon, he lied at my expense, ako pa tuloy ang lumabas na tumanggi na sumama kahit ang totoo ay willing naman talaga ako sumama kung sinabi lang ni Adam na party yun for Niko.
Hindi ko tuloy maiisip kung paano sasagutin si Clarice. Hindi ko naman pwede sabihin na nagsinungaling lang ang kapatid nya. “Ahh.. yeah.. hindi na talaga ako sumama..” sagot ko na lang. “Nagkausap na ba ulit kayo ni Adam? Alam ko nagpaiwan pa ata sya doon sa memorial park eh.. “ wika ni Clarice. “Ahh.. yeah.. nagkausap na kami.” sagot ko nalang. “Oh sya Chad.. I have to go.. baka dumating na yung ka-meeting ko. Will see you around” paalam ni Clarice sa akin. “Okay.. take care.. bye!” paalam ko.
This attitude of Adam I think is getting worse and I’m not liking it. Kung sa ganitong bagay lang ay kaya nya na magsinungaling sa akin, what more sa ibang bagay. If ever, trust will really become an issue for us. Naiisip ko tuloy may pa-“How did you know” pa syang nalalaman, eh nagsisinungaling naman sya sa akin. Hay! I’m now confused kung totoo pa ba ang mga sinasabi at ginagawa nya for me. Bahala na nga sya!
Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas na si Ethan from the CR. “Sorry natagalan ako.. nabusog ata talaga ako ng sobra kaya sumakit yung tyan ko.. so let’s go?” wika ni Ethan. Napansin ni Ethan na medyo hindi na maganda ang mood ko at nakasimangot ako. “Oh Chad.. is there a problem? Nainip ka ba sa paghihintay sa akin? nabigatan ka na ata sa mga dala natin.. I’m sorry” wika muli ni Ethan. “Ahh.. no.. hindi dahil doon.. may nalaman lang kasi ako.. pero wala na yun…never mind.. halika ka na!” wika ko kay Ethan. “Okay!” maikli nyang sagot.
Matapos maglibot-libot sa iba pang store sa mall ay nagyaya naman si Ethan na manuod ng sine. “Chad.. do want to see a movie?” tanong ni Ethan. “Ahh.. ikaw po ang bahala..” sagot ko. “Okay.. let’s go.. iwan na lang muna natin yung mga pinamili natin sa baggage counter” wika niya. Matapos magpunta sa counter ay bumili na ng ticket si Ethan. Dahil nga emo sya ay pinili nya ang love story movie. Dahil busog pa naman kami ay hindi na kami bumili pa ng food.
Tamang tama at magsisimula pa lamang ang film when we entered the cinema. Hindi naman ganoong kapuno ang sinehan. Umupo kami sa gitna pero sa dulong part ng sinehan, yung sa part na nasa ibabaw namin yung movie projector. Kami lang dalawa ang nakaupo sa row na iyon.
Kapag nanunuod ng movie itong si Ethan ay seryoso sya at hindi nagsasalita. Ninanamnam nya talaga ang bawat eksena ng pelikula. Ayaw nya na may ma-miss na dialogue. Pero what’s strange that time ay hindi gaanong naka-focus sa pelikula si Ethan. Napansin ko na panay ang tingin nya sa akin. Maya-maya ay idinikit nya ang katawan nya sa akin at unti-unting umakbay sa akin. Hindi ko naman na sya pinigilan pa at hinayaan ko na umakbay sya. I even move a little closer to him dahil medyo giniginaw na rin ako dahil sa lamig ng aircon sa sinehan. Hinihimas nya ang aking braso habang nakaakbay sya.
Sa kalagitnaan ng movie ay bumulong si Ethan sa akin “ Ang sweet naman nila ‘no?” wika nya na ang tinutukoy ay ang bida sa pelikula na naghahalikan. Hindi ako umumik sa sinabi nyang iyon. Pero I felt na unti-unti nyang inilalapit ang mukha nya sa aking tainga. “Chad… can I kiss you?”bulong nito sa akin. Hindi ako muli umimik pero hinayaan ko lang na gawin nya ang gusto nyang gawin. Then he started kissing my ears na medyo nagpakiliti sa akin,
Dahil I did not resist, I think he got the message na okay lang na halikan nya ako. Unti-unting gumapang ang halik nya sa aking pisngi, at maya maya pa ay hinawakan ng isa pa nyang kamay ang aking mukha. Dahan-dahan nyang inilapat ang malambot nyang mga labi sa king mga labi. And for the first time after more than five years ay muling naglapat ang aming mga labi. Nung una ang lips to lips lang talaga ang halik niya. Actually dahil hindi pa naman talaga kami marunong humalik noon at lips to lips lang talaga ang halikan namin, no tongue involved.
Siguro ay ilang minuto rin na ninamannam ni Ethan lips to lips na iyon. Pero ilang sandal lang ay pilit na nyang ibinubuka ang aking bibig. Nagpaubaya naman ako at kusa ko nang ibinuka ang bibig ko. Dahan-dahan ipinasok ni Ethan ang kanyang dila at ginalugad ang aking buong bibig. Ako naman ay lumaban na rin ang paghlik. Pagminsan ay isinusubo ko pa ang kanyang mga labi at aksidente ko pa nga itong nakagat ngunit hindi ito ininda ni Ethan bagkus lalo pa syang ginanahan sa paghalik.
Damang dama ko na nag-init na aking aming mga pakiramadam. Nagpaubaya na talaga ako at hindi ko na inisip pa si Adam na ng oras na iyon ay kinaiinisan ko dahil sa kanyang ginawa. Nagespadahan ang aming mga labi at halos lunukin na rin ni Ethan ang akong dila sa sobrang pagkahayok sa paghalik. Unti-unti ring gumapang ang kamay ni Ethan sa aking likuran at nais nitong ipasok ang kamay nya sa loob ng aking damit pero pinigilan ko ito dahil baka may makapansin na sa amin.
Nagpatuloy lang ang aming halikan hanggang tumugtog na ang closing song ng pelikula at unti-unti nang bumukas ang mga ilaw sa sinehan. Saka lang kami tumigil sa paghahalikan. I must say na magaling na ring humalik si Ethan ang I really felt his passion and longing for a kiss. Bumulong muli ito sa akin bago kami tumayo at lumabas ng sinehan “Chad… tuloy natin later...” wika niya. Ngumiti lamang ako sa kanya.
Pinauna na muna namin na makalabas ang iba bago kami tumayo. Inalalayan pa ako ni Ethan na bumaba sa hadgan ng sinehan. At habang papalabas kami ng sine ay naka-akbay ito sa akin. Just like to old times, parang kami lang ulit. Nagkukulitan pa kami habang naglalakad papalabas. Binibiro nya kasi ako sa pagkakakagat ko sa labi nya na medyo nagmarka pala. “Ikaw kasi Chad eh.. ang wild mo humalik..” biro ni Ethan. “Hoy.. hindi kaya no.. masyado ka lang kasi kung makahalik parang wala nang bukas..: wika ko sabay tawa.
Paglabas namin ng sinehan magugulat kaming dalawa ni Ethan sa aming makikita. Nakatayo sa labas ng sinehan si Adam, nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon at tila hinihintay talaga kaming dalawa.
TO BE CONTINUED…
CLick the Button Next Below to COntinue...
0 comments:
Post a Comment