Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 3


Ahm... Fugi, pwede magtanong? (pambasag ni ian sa katahimikang kanina pa naghahari sa pagitan naming dalawa)......
A..ah sssige ooo..Ok lang, ang nauutal kong nasabi
Ba-se sa mga naobserbahan mo simula kanina, ano impression mo sa akin? Tanong nya habang nakatingala sa langit.
(Alam ba nya at nararamdaman nya ba na kanina ko pa sya tinitingnan at inobserbahan? Alam ko naman na itinago ko ang SHAKRA (yes! lakas maka-naruto. hehe) at ganon din ang REN, SETSU at ang bumubuo dito ang NEN (wow! Parang hunter lang.. haha)
(TRIVIA: mahilig mo ako sa anime, end of trivia.. hahha)
Ah.. eh hindi naman sa nakikialam(nag-aalangan kong panimula, huminga ng malalim), napansin ko lang base sa nakikita ko, ginagawa mo at sa mga sagot mo kanina parang... parang hindi ka ok. (Pahina ng pahina kung sabi habang yumuyuko ang ulo ko,, kinakabahan kasi ako baka magalit sya sa mga sinasabi ko)
Ano ba ang nakikita, ginagawa ko na kakaiba at may mali ba sa mga sinasabi ko??
Nakikita ko kasi sa mga mata mo ang lungkot mo......... lungkot na hindi mo masabi........ lungkot na hanggang ngayon bumabalot sa buong katauhan mo na dahil doon hindi mo magawang ngumuti, ngiti na totoo at walang bahid na pagpapanggap. Tungkol sa ginagawa mo naman, lagi kang nakatingin sa malayo na para bang may hinihintay ka, na may gusto kang makita, na parang ayaw mo malingat sandali at baka hindi mo sya makita. At ang huli ay base na sagot mo na “Wala naman ako ikikwento, walang kwenta ang buhay ko” na nagpaphiwatig na parang may parti sa buhay mo ang nawala, na syang nagbibigay ng kulay sa buhay mo na pinatotohan ng sagot mong ito nung magsorry ako sayo kanina “bat ka nagsosory hindi mo naman ako ginawan ng masama, hindi mo ako sinaktan?”, naparang ang lumalabas ay...ay NAIWAN KA at ang NANG-IWAN sayo ay ang TAONG mahal na mahal.... ang BUHAY mo. (wala sa sarili kong nasabi habang nakatingin sa kawalan, ito ang nais ko isatinig kanina pa siguro ngayon ako nagkalas nang loob) Hindi ko namalayan na nakatingin pla sa akin si ian habang sinasabi ko yun, at pagkatapos ko magsalita bigla syang tumingala at nagwika ng....
Keen observant ka pala, nasapol mo lahat base lang sa nakita mo, nangingiti niyang sabi (alam ko na ang ngiti na yon ang totoo na kaya naman nasambit ko nalang...)
YES! (sabay flex ko ng mga kamay ko at at alam nyo ba nung itsura ng kamay nila san goku pag nag susuper saiyans, un ganoon, hehehe)
Tumingin naman si ian sa akin at..
Bakit? Tanong nya na nangingiti ulit
Wala paano nakita na kita ngumiti, ngiti na hindi pilit, sabay tingi sa kanya at ngumiti din.
Galing mo kasi! Salamat, sabi nya
(Hindi ko alam pero parang sobrang saya ko nung nakita ko sya ngumiti at nung sinabi nyang SALAMAT, para tuloy gusto ko na lagi sa tabi nya para pangitiin sya at pasayahin.)
Wala pa naman ako ginagawa ah kaya hindi ko tatanggapin ang SALAMAT mo (pakipot kunyari.. hehehe), kaya na man kelangan mo sumama sa akin mamaya may pupuntahan tayo, sabi ko sa kanyaSige sige, pagpayag ni ianOk. Tara na sa next subject natin, aya ko sa kanya
Pumunta na nga kami sa room kung saan idadaos (yes parang pagdiriwang lang.. hehe) ang pangalawa sa next subject namin ang General and Inorganic Chemistry-Lecture (na more on theory tas iba pa sya sa Laboratory na more on experiment, bukas pa ang chem-lab subjct ko). Same as kanina lang din ang ginawa dahil nga hindi pa regular ang klase. Tas early dismissal din kaya man nagpunta nalang kami ni Ian sa Library (sobrang lamig dito sarap matulog at nakatulog naman ako.. hahaha)
Time check: 2:50pm, ginising na ako ni Ian para pasukan ang Last namin subject ang General Psychology (minor subject sya pero sa lahat ng subjects na iti-take-up ko ngayong sem na ito parang sya ang pinaka major kasama ang NAT SCI 2A o Biological Science with Human Biology, sila kasi ang pinaka related sa course ko)
Dali dali kami lumabas ng library at pumunta sa room, buti same bldg (sa SHL208, eto ung pinakabagong Bldg, elegante at sobrang lamig ng bawat rooms dito, wow naman over na exposure ng aking Alma mater ah! Kaya dapat may big discount ang kapatid ka kasi dyan din sya papasok.. hahhahaha)
Katulad lang kanina ang ginawa kaya naman wala pang 4 dismiss na kami.
Ako: ano ready ka na?
Ian: saan ba kasi tayo pupunta?
Ako: basta ako ang boss ngayon, sumunod ka na lang (sabay ngiti sa kanya)
Ian: sige ikaw na an bahala
Agad naman kaming bumaba at pumunta sa parking lot kung san ko ipinarada si DREY (motor ko)
Ako: ian si drey nga pala, drey si ian
Ian: ba may pangalan talaga
Ako: syempre itinuturing ko kasi syang kaibigan hehe, oh ano pa hinihintay mo, makipagkamay ka na sa kanya
Ian: nice meeting you drey! At nakipagshakehand nga sya kay drey gamit yung manubela (hehe), ingatan mo byahe namin ha! Wala ako tiwala sa amo mo. (natatawa na nya sabi kay drey), tapos bigla syang tumingin sa akin, bakit ganyan itsura mo (paano nakatitig ako sa kanya na para may na discover na naman ako sa kanya na kakaiba na totoo naman)Ako: paano nag level-up ka na naman (nagigiti kung sabi sa kanya)
Ian: parang pokemon lang ah! Hahahahaha Bakit??
Ako: Yes! Nakakatawa ka at humihirit ka na, natatawa ko na din sabi sa kanyaIan: dahil kasi sayo, pinagagaan mo pakiramdam ko, sabay ngiti nya sa akin 
Ngumiti na lang ako bilang tugon, pero sa isip ko patuloy ang pag-andar paikot ng mga sinabi niya na “dahil kasi sayo, pinagagaan mo pakiramdam ko” na dahil dito hindi ko alam na palihim ako napapangiti na parang kinikilig (hala patay na! hehe)
Sumakay na ako kay Drey at ininstart na ang makina,
Ako: Sakay na! (Parang super ferry taglines lang.. hahaha) sabay abot ng spare helmet sa kanya.
Ian: wag na magugulo ang buhok ko
Ako: hindi ka naman mamatay pag nagulo ang buhok mo ah! Suot na (may awtoridad kong sabi)
Ian: opo boss (sabay kuha sa kamay ko nang helmet)
Natawa na lang ako sa kanya itsura habang sinusuot ang helmet. Pagkasuot nya ng helmet agad na syang sumakay kay drey..
Ako: ayos ka na ba, paandarin ko na si drey
Ian: ok na ako kapitan, tara na habang malilim pa.
(Agad ko na pinaandar si drey pero dahan dahan na hindi naman nakalampas na mapansin ni ian)
Ian: wala na ba ibibilis si drey??
Ako: hindi sya ang may gusto ng gantong takbo (patungkol sa andar ni Drey na motor ko), kasi gusto ko S.A.F.E. (pagspell ko sa salitang safe), kasi hindi nalang buhay ko ang nakataya kung may mangyari na wag naman sana, dahil dahil kasama kita, ikaw na mahalaga na sa akin (pabulong kung sabi)
Ian: oh! Palusot ka lang ata baka ngayon ka lang siguro may pinaangkas dito (paaasar nya)
Ako: paano kung ganoon nga? (pagsakay ko sa kanya)
Ian: ok lang alam ko naman na safe ako aat hindi mo ako papabayaan
Ako: syempre mahalaga ka na sa akin (ang wala sa sarili kong nasabi dahil sinabi nya) at pati ako nagulat na lang sa sinabi ko (ganon ata yun na pang may kung ano kang nararamdam sa isang tao na parang espesyal sya na parang konektado kayo ay parang kusang gumagalaw ang PUSO sa pagpintig sa saliw ng kakaibang ritmo, gumagana ang UTAK na syang nagpoproseso ng gustong ipahiwatig ng puso at ang pag utos ng utak sa ating BIBIG na isatinig ang mga ito {ah ah naman parang pathophysiology lang ng isang sakit. hahaha}, kaya naman kahit anong pagpipigil natin kusa parin tayong ibinubuko ng sarili natin sa taong MAHAL natin.
_________
Trivia ulit: yung term na PATHOPHYSIOLOGY (patho o pathophysio kung tawagin namin mostly mga nursing students) sya yung medical explanation kung paano napoproseso ang isang sakit sa ating katawan. (gets nyo ba? Hehe)_________
Ako: mahalaga kana sa akin kasi itinuturing na kitang KAIBIGAN (pambawi ko para hindi sya maghinala sa pahayad ko kanina)Nakita ko nalang siyang ngumiti sa akin sa pamamagitan ng salamin. Namalayan ko na lang na malapit na kami sa gusto kung pagdalhan sa kanya. Ilang minuto pa at nadun na kami.

Itutuloy....


Penulis : Unknown ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 3 ini dipublish oleh Unknown pada hari . Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 3
 

0 comments:

Post a Comment

Leave Me a Comment Below. Thanks :)