Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 10

-------------> balik na uli sa bidang si FUGI (at ako yon. Hehehehe)

Ikaw bakit ka din andito tanong ko kay anthony.. 


Ah.. kumuha ako ng sticker, sabi niya

Sticker? Para saan naman yon, balik kong tanong sa kanya

Para sa kotse ko para makapasok siya sa loob ng campus at makapagpark doon, pagbibigay impormasyon niya sa akin

Ah! Wow yaman ah! D’ oto, ang pagbibiro ko para maiba ang atmosphere dahil sa nangyari kanina

Natawa naman siya sa sinabi ko

Nga pala saan na punta mo ngayon, pagtatanong naman ni anthony sa akin

Papunta na sa bayan, sa Bay Mall (isa sa mga mall dito sa Batangas), sagot sa kanya

Sabay ka na sa akin, paalis na din naman ako, pag-aya niya.

Hindi sige ok na ako, magcommute na lang ako, sabi ko sa kanya (nakakahiya kasi, kakikilala lang namin)

Nagulat na lang ako ng hawak niya ang kamay ko, mismong kamay ko (bilis ah! hehe) at hinila ako para sumunod sa kanya. Wala na ako nagawa kung hindi sumunod.

Agad naman kaming nakapunta sa kung saan man nakapark ang kotse niya. At ang ganda noon pati ang kulay noon, black (hindi kulang alam anong klase yon at ano tawag, basta kotse.. hehehe)

Nagulat na lang ako nang pagbukas ako ni anthony ng pintuan sa harapan sa katabi niya. Agad naman ako pumasok at pagkapasok ko at pagkasara kasara niya ng pinto sa tabi ko nagtatakbo siya papunta sa driver seat (nagmamadali? Hehe.. pero gentleman di ba? =))

Pagkapasok na pagkapasok niya nagulat na naman ako sa ginawa niya (dami ko gulat noh! Hehe kasi naman.. hehe), bigla niya ako SI-NET BEL-TAN (what a spell?? Haha) ang lapit tuloy ng mukha namin sa isat isa (kaya naman napasin ko ang kagandahan ng mukha niya pati yung mga pores niya hehehhehe biro lang) (maalaga ah! Hehe)

Umiwas na lang ako ng tingin at humarap ako sa may bintana (baka kung ano na naman ang gawin niya na kagulat-gulat.. hehehehe), pagkatapos noon at umupo na siya ng ayos nagpasalamat na lang ako sa kanya

Ako: sa.. salamat (ang medyo naiilang kong sabi sa kanya)

Anthony: no worries, ang mahalaga safe ka (sabi niya nakangiting humarap sa akin)

Ngumiti na lang din ako bilang tugon sa kanya at pumaling ng tingin sa bintana. Narinig ko na lang na inistart niya ang makina at konting sandali lang umandar na ang sinasakyan namin.

Medyo mild ang daloy ng trapik (wow meron ba non? Hehe) sa kadahilanang malapit pa kami sa school namin kaya naman napapasulyap ako sa paligid at syempre sa kanya. At sa pasulyap sulyap ko nayon, tsaka lang rumihistro sa isipan ko ang itsura niya.


Medyo nakakatayo na kami sa iskul nang mapansin ko ang player ng kotse niya

Ako: ah.. anthony pwede buksan ito (sabay turo sa player)

Anthony: sure (ang magiliw niya sabi sa akin

Ako: ay paano ga (batangueñong batangueño ih! Hehe) ito bukasan (ang medyo bata kong tanong)

Anthony: ganito (sabay may pinidot siya at nag-open na), ano FM o insert thru... (hindi niya pa tapos ang sasabihin niya ng sumabat ako)

Ako: FM (ang medyo bibo kong sagot at inilagay niya nga sa ganoon mode)

Anthony: o ikaw na bahala maghanap ng station kung sa gusto mo (pagpapaubaya niya sa akin)

Para naman akong bata na kumalikot ng kumalikot nung player niya sa paghahanap ng station na may magandang music.

Palipat lipat ako nang station kasi wala magagandang piniplay na mga kanta..

Ano ba yan pangit (maktol ko na parang bata nang mapatapat ako sa isang istasyon na ang kanta ay kastilyong buhangi.. hehehe, inilipat ko uli), hala hindi na maintindihan kabilis bilis kasi (komento ko sa piniplay na rap song sa istasyong nahanap ko), ano ba yan wala maganda mga pinatutugtog ngayon (ang medyo naiinis na parang bata kong sabi sabay harap kay anthony na sa panahon ay natatawa pala sa ginagawa ko...)

Ako: pakipatay na po (ang bata bataan kong pakiusap)

Tawa pa rin ng tawa si anthony dahil sa aking pinaggagawa sabay pindot ng off botton ng player niya

Ako: bakit ka tumatawa? (ang tanong ko sa kanya)

Anthony: ang cute mo kasi (ang pagkakasabi niya habang patuloy parin sa pagtawa)

Napatigil ako at nagulat sa kanyang sinabi (cute daw ako? Sabi ko sa akin sarili)

Bigla naman napansin ni anthony ang pananahimik at ang gulat na rumihistro sa mukha ko, kaya agad siyang nagsalita

Anthony: ang ibig kong sabihin ang cute ng gingawa mo kanina, parang bata lang (ang paglilinaw niya)

Ako: ah...... (at pakawala ng isang ngiti)


-------> Anthony’s pagmuni-muni

Inalok ko si fugi na sumabay na sa akin nang sinabi nitong paalis na siya ng campus namin (syempre pagkakataon ko na makilala siya ng lubos). Akmang tatanggi pa sana siya nang walang anu-ano ay hinablot ko ang mga kamay niya ay hinila para sumunod sa akin (ang hilang ginawa ko ay dahan dahan lang naman at may halong espesyal na nararamdaman, espesyal pa lamang kelangan ko muna kasing alamin kung ano ba talaga ang feelings ko para sa kanya... ayiiee)

Nang makalapit na kami sa kotse ko (kelangan ko magpa-impres) kaya agad kong pinagbuksan si fugi ng pinto sa harapan ng kotse ko at pagkasara ko nito agaran ako tumakbo papasok sa loob ng sasakyan dahil may naisip na naman akong isang bagay na gagawin sa kanya.

Pagkapasok ko agad akong humarap kay fugi at walang paa-paalam kong lumapit sa kanya para isuot ang seatbelt sa kanya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa na kung hindi umiwas ng tingin si fugi at itinuon ang atensyon sa may bintana, ay baka hindi ko na napigilang nahalikan ko na ito. Sobra ako naaakit sa medyo may pagkapink niyang labi at alam kong malalambot iyon kaya muntikan ko na hindi makontrol ang aking sarili

Agad ko naman pinaandar ang makina at pinaandar agad ang sasakya. Dahil nga malapit pa kami sa campus ay medyo mabagal ang aming andar na siya sigurong naging dahilan para pagpabaling baling ng tingin si fugi hanggang sa napuna niya ang player sa loob ng kotse ko

Nag paalam ito kung pwede daw iyon buksan at sinabi kong oo, nagtaka naman ako kung bakit hindi pa niya ito binubuksan hanggang sa nagsalita ito

Fugi: ay paano ga ito buksan (ang parang bata nitong tanong)

Nangigiti ako sa kung paano ito magsalita sa puntong iyon sabay bukas ng player. Sinabi kong siya na ang bahala maghanap ng station kung sa gusto mo at papipiliin ko pa sana siya kung FM o insert na lang sa i-phone ko pero hindi na ako nito pinatapos dahil masigla itong nagwika ng “FM” na siyang nagpangiti uli sa akin. Nang mailagay ko na ito sa FM mode hinayaan ko na siya manipulahin ito kung saan man niya ito magustuhan.

Para naman itong bata na kumalikot ng kumalikot nung player sa paghahanap siguro ng station na may magandang music. Palipat lipat ito nang station kasi wala magagandang piniplay na mga kanta na akma sa kanyang panlasa.

Pigil sa pagtawa naman ako ng makinig ko siyang nagbibigay ng komento sa bawat istasyong mapuntahan niya

“Ano ba yan pangit (maktol niya na parang bata nang mapatapat sa isang istasyon na ang kanta ay kastilyong buhangi.. hehehe, inilipat niya uli), hala hindi na maintindihan kabilis bilis kasi (komento niya sa piniplay na rap song sa istasyong nahanap niya), ano ba yan wala maganda mga pinatutugtog ngayon (ang medyo naiinis na parang bata niyang sabi sabay harap sa akin na sa panahon ay natatawa sa kanyang ginagawa)

Fugi: pakipatay na po (ang bata bataan kong pakiusap)

Tawa pa rin ako ng tawa dahil sa pinaggagawa ni fugi sabay pindot ng off botton ng player

Fugi: bakit ka tumatawa? (ang tanong niya sa akin)

Ako: ang cute mo kasi (ang hindi ko napigilang maibulalas dahil sa sayang naidulot niya sa akin)

Napatigil ito at nagulat sa aking sinabi, kaya naging maagap naman akong ngwika nang...

Ako: ang ibig kong sabihin ang cute ng gingawa mo kanina, parang bata lang (ang paglilinaw ko kunyari. hehe)

Itutuloy......

Penulis : Unknown ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 10 ini dipublish oleh Unknown pada hari . Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 10
 

0 comments:

Post a Comment

Leave Me a Comment Below. Thanks :)