Agad naman ako nagising at tumingin sa orasan, Naku! 6:00am na, patay! Late na naman (habit ko na to! Ang pagiging LATE.. hehe siguro dahil sa kasabing “Huli man daw at magaling HULI pa din” hahaha lakas lang maka connect hehehe), gising na po ako ma. Sigaw ko kay mama
Agad naman akong nagtungo ng c.r. para maligo ng mabilis (no choice baka lalo pa malate pag hindi ako nagmadali), dahil wala pa ako uniform sa kadahilanang nalate ako magpagawa, naka civilian ako, OK naman daw yun kasi hindi pa regular ang klase (nakawhite v-neck shirt ako, semi fit na black faded jeans na medyo bitin ng konti, ung alah John Lloyd style at na white vanz shoes). Pagkatapos magbihis bumaba na ako para magbreakfast ng sobra bilis (hindi kami pinapayagan ni mama pumasok ng hindi kumakain, hindi ko alam kung bakit pero isa yun sa mga rules nya)
Sige ma, alis na po ako, late na ako, hanapin ko pa room ko. pagpapaalam ko kay mama sabay halik
Sige anak ingat ka, wag masyado mabilis ang pagpapaandar kay DREY (motor ko na niregalo ni papa sa akin noong naggraduate ako ng high school, yun kasi hiniling ko. Hehe, (ASTIGIN KASI) nung una ayaw nila dahil prone sa accident pero napilit ko din ang mga magulang ko at pinangako na magiging maingat ako sa pagdadala nun) paalaala ng aking ina.
Mabilis naman ako nakarating sa university (salamat kay DREY. Hehe) at nang maipark ng maayos si drey sa SAFE na lugar, agad kung kinuha ang registration form ko para makita schedules/subjects/time/building/section at nang makita ko ito..... COLLEGE ALGEBRA pala first subject ko (kala ko naman ligtas na ako sa math, ano kaya relasyon nito sa course ko? Tsk tsk..), 7:00am-8:30am, TBA BLDG (san kaya to??) BSN I-4 pla ako.
Ayun buti nakakita ako ng guard na mapagtatanungan;
Itutuloy-->
Itutuloy-->
Ako: Sir tatanong ko lang sa ung TBA bldg.?
Guard: (Natatawa habang nag sasalita) ano ba course mo?
Ako: Nursing po
Guard: ah! Punta ka na lang sa bldg na yun (sabay turo) nandoon ang Nursing office, nga pla iho walangTBA bldg. TBA stands for “To be announce” (kasabay ng pasasabi niya ay ang pagpigil ng tawa)
Ako: pasensya na po! Hindi ko po alam (sabay ngiti at lumakad ng mabilis papunta ng bldg kung nasan ang Nursing office, para makaiwas na sa guard, nahihiya at natatawa ako sa sarili ko.. hahhaha... kasi naman hindi naglalagay ng LEGEND. hahhahaha)
Sa Nursing office;
Ako: Good morning ma’am, tanong ko lang po san yung bldg. para sa subject na ito (sabay pakita ng reg form at turo ng unang subject ko)
Secretary: Good morning as well! Ahm.. it says that your BSN I-4, wait I’ll check the master list, can I scrounge your registration form? (sabay bigay ko naman), Ilang minuto lang at nagsalita na uli yung secretary: Mabini Bldg., Room 204 (sabay abot sakin ng reg form ko)
Ako: salamat ma’am. (Time check: 7:20am na, dandyararan LATE=)
Lumabas ako kasama ang secretary at itinuro kung san ang daan papunta sa Mabini bldg. Agad ko naman tinungo iyun at nagtakbong-lakad para mabilis makarating sa room ng first subject ko. Nang mahanap ko na ang Room 204, tumingin ako sa pinto (sa may bandang itna ng pinto ay may maliit na square na opening na itinakpan ng glass kaya makikita mo mula dun ang loob ng class room), pagsilip ko nandun na ang prof ko (patay!), agad ako kumatok at pumasok;
Pagkapasok ko, nagtinginan sakin lahat nag nandoon kasama ang prof ko at napansin ko na ako lang ang naka-civilian, lahat sila naka-uniform (agaw atensyon tuloy.. tsk tsk)
Ako: (tumingin sa prof ko at humingi ng paumanhin), Sorry ma’am, naligaw po kasi ako.
Prof: it’s ok but on our second meeting formal class resume be here early ok! Take a seat, prepare 1/8 index card follow the pattern on the board then bring it to me when you finish then after that get in front and give information about yourself.
(agad naman ako pumunta sa bakanteng upuan sa likod at ginawa lahat ng pinapagawa ng prof namin, hindi naman ako makatingin sa mga kaklase ko dahil nahihiya ako at ako lang ang hindi naka-uniform (outcast tuloy.. hehe).
Pagkatapos ko ay agad ko inabot sa prof ko yung index card at pumunta sa harap para magpakilala;
Hi! I’am Fugi Chio, 16, I hope that in the coming days we all be friends (sabay ngiti), thats all (ang iksi ba?? Nosebleed na ih! Ubos na vocabulary, hahaha), sabay upo na sa inukupa ko na upuan sa likod.
Tahimik lang ako nakikinig (tahimik kasi wala ako katabi. hahaha) sa dinidiscuss ng aming prof about sa kanyang rules and regulations sa klase nya, ganoon din ung grading system at kung ano ano pa.
Pagkatapos ang halos 30mins nang kakadakdak ni prof, dinismiss na kami, na next meeting na daw sya magstart para hindi naman daw kami matrauma (buti nauunawaan nya ang aming mga pamsariling mga daing, hahahaha)
Dali dali naglabasan ang mga kaklase ko, hindi naman ako nakikipag-unahan kaya naupo nalang muna ako at pinagmasdan ang kanilang karerahan papuntang finish line (ang PINTUAN, hahaha).
Sa aking pagmamasid sa kung paano mag-unahang lumabas ang aki ng mga kaklase may pumukaw ng aking paningin, isang Lalaki nakatalikod sa akin kasi nasa may gitna syang parte, sa bandang dulo malapit sa bintana, na katulad ko ay nakaupo at hinihintay muna makalabas ang lahat saka nalang aalis.
Sa HINDI maipaliwanag na dahilan parang gusto ko humarap sya sa akin para makita ko ang kabuuan nya. Napako na ang tingin ko sa kanya, hinihintay na humarap sya. Hindi ko na namalayan na tinatawag nya na pla ako, na sya naman nag pabalik sa akin sa realidad.
Tsong, hindi ka pa ba aalis? pagtawag nang pansin sa akin nung lalaki
0 comments:
Post a Comment