Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 5


Ian: sino naman yon?? Out of this world ang pangalan ah! (natatawang banat nito)
Ako: hala bumabanat ka na ulit ah! Basta papakilala kita sa kanya (nangingiti kong sabi) 
Lumabas na nga kami ng supermarket at naglakad ng naglakad hanggang makatapat na kami sa LYRIC (tindahan siya ng mga musical instruments) 
Ako: yan nandito na tayo (at tuloy tuoy ako pumasok sa loob)
Ako: kuya Ely, kamusta na? (pagbati ko sa kanya, siya may ari non) 
Kuya Ely: uy Fugi! Hulaan ko kung bakit ka nandito.. ahm ung pinareserved mong piano noh! 
Ako: syempre naman minomonitor ko lang siya kung nandito pa baka kasi pinagbili mo na ih! (biro ko sa kanya)
Kuya Ely: muntikan na nga dahil may nagkainteres niyang pianong yan kani kanina lang (pagsakay sa biro ko nito) 
Ako: weh? Nga pala kuya Ely si Ian kaklase ko at bagong kaibigan, ian siya naman si kuya ely may-ari nito (pagpapakilala ko sa kanilang dalawa)
Kuya Ely: nice to meet you pare (sabay lahad ng kamay niya)
Ian: same here pare (sabay kuha ng kamay ni kuya ely at nagkamayan sila) 

Humarap si ian sa akin at nagtanong.... 
Ian: nasaan yung PIYOY? 
Ako: sandali (lumapit ako kay kuya ely at ngsabing...) 
Ako: kuya ely patipa naman kung nasa tono pa ba (nangigiti kung sabi sa kanya) 
Kuya ely: oo ba basta dating gawi (pinapayagan akong tugtugin si PIYOY, ang piano na pinareserved ko, kasi hindi ko pa afford, nag-iipon pa kasi ako, buti pumayag si kuya ely.. pero kelangan ko kumanta, lagi naman kasi pag may piniplay ako instruments automatic kumakanta ako, kaya narinig niya na boses ko at nadinig niya nga at nagustuhan niya naman.. kaya pag=ipiplay ko si piyoy dapat kakanta din ako.)
(Nga pala mga friends nabiyayaan naman ako ng kagandahan ng boses, acoustic na R&B yung style ko.) 
Ako: oo ba 
Kinuha na nga ni kuya ely si Piyoy. Pagkakuha ay pinatong nya ito sa piano stand at lumapit ako at umupo. Bago ko tugtugin ay ipinakilala ko nga si piyoy kay Ian 
Ako: Ian ito nga pala si Piyoy (hehehe) Ian: kala ko tao siya (habang natatawa) parang si Drey lang (motor ko) may pangalan din.
Ako: mga kaibigan ko kasi sila kaya may mga pangalan (hehehe)

Ito po si PIYOY(cute hindi ba?)
Humarap ako sa piano at nagpipindot ng kung ano ano, testing ba muna (hehehe). Then nagpause at huminga ng malalim at nagstart kumanta ng acapella muna 
And I will try....... to FIX YOU....
(tas tinipa ko na ang piano at kumanta)
When you try your best but you don't succeedWhen you get what you WANT but NOT what you NEEDWhen you feel so TIRED but you can't sleepStuck in reverse
And the tears come streaming down your faceWhen you LOSE SOMETHING you cant REPLACEWhen you LOVE someone but it goes to wasteCould it be worse?Lights will guide you homeAnd ignite your bonesAnd I will try to FIX YOU
(acapella)
Lights will guide you homeAnd ignite your bonesAnd I will try to FIX YOU..
Itong kantang ito agad ang pumasok sa isipan ko dahi parang ito ay bagay sa pinagdadaanan ni Ian at sa kanta kong ito, nais ko iparating na AAYUSIN ko SIYA sa parang alam ko at kaya ko, na nais ko iparating na sa kanya na lagi lang ako sa tabi niya (ayyyie kilig naman ang puso ko. Hehehe)
Pumalakpak naman si kuya ely at ian pagkatapos ko kumanta
Kuya ely: pagaling ka nang pagaling ah!
Lumingon naman ako sa dako ni kuya ely
Ako: syempre naman kuya nag-eevolve eh! (hahaha parang digimon lang.... patamon changes to angemon.. hahaha), so kuya may discount naba si piyoy, yes! (pambibiro ko kay kuya ely)
Kuya ely: alam ko na pagbinili mo nalang yan libre na ang piano stand.. ok ba yun sayo??Ako: sabi mo yan kuya ha! Yes! (with super saiyans stunts.. hehehe)
Tatawa tawa naman si kuya ely sa gestures ko para daw bata.
Ako: kuya o heto na si piyoy alagaan mo yan ha! Hanggang hindi ko pa nakukuha sayo. Wag mo ipagbibili yan, sige ka magtatampo ako sayo at hindi na ako paparito (pagbibiro ko sa kanya)
Kuya ely: oo naman, baka ipasunog mo pa to stall ko pag ginawa ko iyon (pagsakay niya sa biro ko)
Ako: asahan ko yan. Sige na kuya, una na kami ni ian, maggagabi na eh! (pagpapaalam ko sa kanya)
Kuya ely: sige ingat ka, sige tol nice to meet you ulit (paalam naman ni kuya ely kay ian)Ian: sige tol (sagot naman ni ian)
Nang makalabas na kami ni ian sa Lyric, bigla itong pumunta sa likod ko at bumulong sa tenga ko.....
May talent ka pala ha! Galing ah! Para ba sa akin ang kanta na yun?? (papuri niya na may kahalong pagbibiro sa akin)
(may kung anong kiliti naman ang hanging nagmula sa kanya na dumampi sa aking tenga na naidulot sa akin at namula naman ako sa sinabi niya, patay nahalata ata na patama sa kanya ang kinanta ko kaya naman ako ay dalas dalas na naglakad ng mabilis.. hehehe buking!)
Sandali lang bakit ka nagmamadali?? Pagpuna ni ian
Maggagabi na kasi bilisan mo,, walang lingunan kong sambit sa kanya, feeling ko kasi namumula pa ako
Nakarating na nga kami sa pinagpark-kan ko kay Drey, agad ako sumukay at kinuha ang dalawang helmet at ibinigay ang isa sa kanya.Sumakay na si ian at pinaandar ko na si drey. Habang nasa biyahe biglang kinanta ni ian ang kinanta ko kanina at iniba ang lyrics.
And YOU will try to FIX ME... kanta ni ian habang itinapat niya ang bibig nya sa tenga ko (in all fairness malmig ang boses ni ulupong)
Hindi ko naman alam ang mararamdaman, namumula na nangingiti na kinikilig na nakikiliti (ka adik kasi.. hehehe), pero syempre kelangan hindi magpahalata
Yon naman may boses ah! Kunyaring biro ko sa kanya pero promise maganda din ang boses niya
Para sakin yung kanta mo kanina no?? tanong niya sa akin
HA! Maang maangan kong sabi sa kanya
And YOU will try to FIX ME.. ulit niya na pagkanta (kakaiba talaga ang dulot ng hininga nya na pumapailan lang sa likod ng tenga ko, nakakainis pero may palihim na ngiti.. hehehehe) aasahan ko yon ha.. dagdag nya
Ano?? Nalilito kong tanong sa kanya
Na tutulungan mo ako, na maging maayos at maging buo ulit, may himig kalmado at medyo seryoso niyang pahayag
So kelang ka pa naging song interpreter (hala patay parang nagets nya kaya yun ang kinanta ko kanina, lakas ng pakiramdam nito ah! Alam kon naman na naitago ko sa SHAKRA na may HIMIG na PAGMAMAHAL kanina nung kumakanta ako para hindi niya mahalata (hahahaha me ganon!!! Hehehe), biro ko kuno para mapigilan ko ang sarili kong ibuko ako sa kanya.
Kanina lang noong kinatahan mo ako... natatawa niyang pagsagot sa akin.
Hala! Sabi ko na kunyari ay natatawa din pa hindi halata
Nga pala taga saan ka nga pala para maihatid kita, tanong ko kay ian
Santa Rita ako, sagot nya, Ikaw san ruta mo, dagdag tanong ni ian
Tamang tama madadaan ko naman pala on my way home (maka-english lang ah!.. hehe),sa may San ______ (bawal sabihin, hehe)
Ah! Malapit lang pala, so may ride na ako pagpauwi (biro nito)
Aaayun naman. Natatawa kung banat sa kanya.
Mabilis naman kami nakarating sa Santa Rita, pinahinto niya ako sa isang Kanto, sabi niya ay doon na lang daw siya, malapit na lang daw kasi yung bahay nila doon. At pagkababa at pagkaabot ng helmet sa akin ay nagpaalaman na kami sa isat isa.
Ian: salmat ha! I enjoyed the whole day dami mo kasing alam (kasabay ay isang napakatamis na ngiti) at ingat sa pagpapaandar kay drey
(lalo siyang gumwapo sa ngiting ganon na naging dahil ng pagbilis uli ng beat ng heart ko)
Ako: opo! (sabi kong parang bata), salamat din sa libre..... sige na alis na ako (pagpapaalam ko)
Inintay akong makaalis ni ian (with matching pagkaway pa yon.. ayyiie hehheeh) bago siya naglakad papunta sa bahay nila.
Itutuloy....



Penulis : Unknown ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 5 ini dipublish oleh Unknown pada hari . Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 5
 

0 comments:

Post a Comment

Leave Me a Comment Below. Thanks :)