Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 12, 13, 14


Nabigla naman ako sa binulong niya at napatulala, nakabawi lang ako ng ulirat ng magsara ang pinto sa likod ko at ng humarap ako nakita ko si ian na nakakunot noo nakatingin sa amin ni anthony 
****************
-----------> ANTHONY’s world 
Naging napakasaya ko at sa hindi inaasahang pagkakataon at nakasama at nakilala ko si fugi, sana ay magtuloy tuloy na dahil gustong gusto kong mapalapit na sa kanya dahil alam ko na sa sarili ko na may nararamdaman akong espesyal sa kanya 
Gusto ko pa sana ihatid siya sa kanila para malaman ko na kung saan ito nakatira pero tumanggi ito dahil siguro nahihiya ito. Magkaganoon man ay alam ko na kung saan ko ang daan papunta sa kanila 
Dahil nga sa wala itong phone (kakaiba talaga siya. Hehe) nahihiya naman akong tumawag sa landline nila kaya ipinagpaliban ko na lang muna ang pagtawag sa kanya (marami pang pagkakataon) 
Dahil sa excited na akong pumasok kinabukasan para makita ko na uli ang maamong mukha ni fugi ay maaga akong natulog nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga din akong nagising at dali dali naghanda baka maabutan ko si fugi sa kanto nila. 
Quarter to seven ay umalis na ako sa bahay at mabilis kong pinaandar ang sasakyan para sana ay abangan ko ito sa kanto nila. Mabilis naman akong nakataring doon at ipinarada ang aking sasakyan malapit sa kanto nila. Halos magsasampung minuto na akong naghihintay ay wala pa ring fugi akong natatanaw 
Five more minutes pa sabi ko sa sarili ko 
5..................4....................3........................2.......................1................0 minute 
Baka maagang pumasok si fugi, sabi ko ulit sa sarili ko 
Kaya agad ko pinaandar na ang aking sasakyan at tinungo na ang daan papuntang school 
Nang malapit na ako sa campus ay hindi ko naman maitago ang ngiti ko pag naiisip kong magkikita na uli kami ni fugi. Nang makapasok na na ako sa campus agad na ipinark ko ang aking kotse at mabilis tinungo ang aming room para sa first subject namin. 
Pagkapasok ko, dismayadong walang fugi’ng mahagilap ang mata ko (kainis ang bilis ko kasing sumuko, kung naghintay pa siguro anko ng konti sa kanto nila di sana magkasabay kami, sayang ah! At napabuntong hininga na lang ako) 
Umupo nalang ako sa may bandang likod dahil base noong lunes ay lagi si fugi doon pumipwesto. At lumipas nga ang labing limang minuto ay nakita kong bumukas ang pinto sa likod at pagtingin ko doon ay iniluwa nito ang kanina ko pang pinanabikang makita.... si Fugi 
Napatulala ako sandali ng makita ko ito sa aming uniform, bagay na bagay sa kanya para tuloy siyang anghel, anghel na bumaba sa lupa para pasiyahin ako (hehe) 
Nang makabawi sa pagkapatulala ay agad ko itong sinalubong ng may magandang ngiti sabay bati ng Goodmorning! At tumugon naman ito at nagpakawala ng napakagandang ngiti na aking ikinatuwa. 
Lumapit ako dito at bumulong ng “ang cute mo sa uniform natin ah! Bagay na bagay sayo” (hindi ko na kasi mapigilan), nakita ko naman sa mukha ni fugi ang pagkabigla 


Nasa ganoon kaming posisyon ng marehas makuha ang atensyon namin ni fugi ng sumara ang pinto at nakita namin si ian na nakakunot noo at nakatingin sa amin dalawa ni fugi 
**************
-----------> si IAN (daw ulit, hahaha) 
Naging mabilis lang naman ang byahe namin ni fugi sakay sa motor niya na pinangalanan niya ng drey. Sa tahimik namin na byahe na yon, sobrang gaan ng nararamdaman ko, kaiba sa mga nakalipas na mga araw ng simula ng umalis si sarah (girlfriend ko), siguro dahil sa aura ni fugi na masiyahin at maaliwalas. Nakakatuwa at naipapasa niya ito sa akin na nagiging dahilan naman para makalimutan ko ang aking kalungkutang nadarama 
Pagkarating sa campus ay agad naman niya naipark ang motor niya sa parking space sa labas ng school provided para sa mga motor. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para hingiin ang number ni fugi na nakalimutan kong kunin nung magkasama kami noong nakaraan 
Nagulat ako ng sabihin niyang wala siya cell phone, kakaiba talaga siya, parang basta hindi ko maintindihan. Pero isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay kayang kaya niya akong mapatawa, tawa na totoo dahil masaya ako at hindi para lang may maitugon ako sa kanya at isa siya sa kakaunting tao nakakagawa niyon sa akin 
Dahil wala nga siyang phone ay yung landline nalang nila ang ibinigay niya, ok na rin para ma-contact ko siya 
Isa pa ang napansin ko dito ay ang pagiging isip bata nito (na lalo kong ikinatutuwa sa kanya dahil kumo-cute siya sa ganitong asta), may pa “Handy Dandy Notebook pa itong nalalaman” (natalaga namang ikinatawa ko), sa maliit na notebook na yon ipinasulat ni fugi sa akin ang aking number, isinulat ko naman ang mobile number ko pati landline sa bahay para sure na makokontak namin ang isat isa 
Pagkatapos ng kakaiba ko na naman nalaman kay fugi, ay dumiretso na kami sa loob ng campus at pumunta na sa unang klase sa araw na iyon, nang mapatapat kami sa room namin ay pinili namin yung pangalawang pinto na sa likuran agad ang matutumbok namin para iwas pansin din 
Dahil nauna ako sa kanya ay pinagbukasan ko siya ng pinto ay mabilis naman siyang pumasok. Pagkapasok ni fugi ay may nakita akong papalapit sa kanya na sa tingin ko ay kaklase namin. Nakangiti itong papalapit kay fugi at nang makalapit ay parang nag-usap ng konti at maya maya ay biglang lumapit ito lalo kay fugi at bumulong, hindi ko alam pero para may kung ako sa akin na ayaw sa ginagawa niya, feeling close ah! Nasabi ko sa sarili ko, at dahil sa nakita kong iyon ay hindi ko nga naalalayan ang papasarang pinto na nagdulot ng konting ingay na sapat na para makuha ang atensyon nilang dalawa at mapaharap sa akin.
************-----------> It’s me FUGI again! :] 
Nang makita ko ang nakakunot noong si ian (siguro dahil nagtataka ito kung bakit kami parang close agad ni anthony) ay agad akong umisod ng konti palayo kay anthony at biglang nagsalita.... 
Ako: ah eh ian si anthony pala kaklase ko, anthony si ian, kaklase ko din (ang medyo pabiro kong pagpapakilala sa dalawa) 
Hindi naman napansin nung dalawa ang pagbibiro ko bagkus ay nagkatinginan naman ang dalawa na parang sinusuri ang isat isa at nagkamayan ng mabilis at humarap sa akin si ian at nagwika ng.... 
Ian: so magkakilala pala kayo? (ang parang maypagkasarkastiko nitong tanong sa akin) 
Ako: ah... eh kahapon lang (ang iilang ko naman sabi dito na lalong ikinakunot nito ng noo, na para lalong naguluhan sa sinabi ko) 
Ako: ah eh umupo na muna tayo baka maubusan tayo ng mauupuan (ang pagbibiro ko muna para maiba ang mood, hehehe) 
Agad nga kaming umupo sa likuran na mga upuan, pagkaupo ko tumabi si anthony sa kanan ko at si ian sa kaliwa ko. Sa pagkaupo naming iyon ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae na nasa late twenties na ka-all white din na uniform na kaiba sa mga uniform ng mga babae naming kaklase na kulay gray, kaya nasip ko na iyon na ang prof namin, agad naman kaming natahimik at pinagmasdan siya patungo sa table sa harap at nagsalita 
Good morning, I just want to inform you that I am Rowena Pasia (hindi ko tanda ang first name ni ma’am nakalimutan ko kaya imbento na lang pero yung last name totoo yon,, hehehe), your adviser for your freshman year, ang nakangiti nitong pagpapakilala sa amin 
Sabay sabay naman kaming nag good morning sa kanya 
I’m also here to tell you that our department is organizing a welcome party for you, which will be held at freedom hall, here in this bldg, fourth floor on Friday 8:00am. Since it is your party, I ask anyone of you who have talents, singing or dancing to do an ice breaker, anyone?? (pagbibigay impormasyon ni ma’am at pagtatanong na rin kung sino ang gustong magtalent) 
Bigla namang sumabat ang dalawang ulupong sa sides ko 
Ma’am si fugi po, ang sabay na sigaw nina ian at anthony sabay turo nila sa akin (na iginagulat ko naman at ikinaharap ng mga kaklase ko sa akin) 
Sa pagkakasabi nina ian at anthony noon ay nagkatinginan sila na parang nabigla at sabay pa sila ng sinabi (jinx lang. hehehe), naputol ang titigan ng umimik si ma’am Pasia 
So we have one now (nangingiting sabi ni ma’am pasia), ok mr. fugi please be prepared on Friday because any time during the duration of the program you will be called to perform Ok! Dagdag na sabi ni ma’am na sinagot naman ni anthony.. 
Yes ma’am, nagingiting sabi nito sabay tapik sa balikat ko 
Ako naman ay natulala na lang sa ginawang kapahamakan sa akin ng dalawang mokong na ito 
Is there any other volunteer to do an ice breaker? (tanong pa ulit ni ma’am at wala na nga umimik pa bigla ulit umimik si ma’am pasia...) 
That silence means theres no more volunteer ah! (nangingiting puna nito), one more thing, had already elected your officers, tanong uli ni ma’am pasia 
Hindi pa po ma’am, sabay sabay uli naming sagot 
Ah! Ok we will do it after the welcome party on Friday, since you don’t have class on the morning to give way to the said party, the class will reassume at the afternoon so be at your respective class is that clear? Paglilinaw ni ma’am at sabay sabay naman kaming umugon ng pagsang-ayon sa kanya 
Ok! Thats all, see you on Friday and Mr. fugi gudluck (pamamaalam ni ma’am at tuluyan nga itong lumabas ng room namin) 
Pagkalabas ni ma’am Pasia ay agad ko namang sinapo ang sides ng mukha ko ng mga kamay ko at pinakawalan ang nanlulumong itsura (oo kumakanta ako pero hindi sa harap ng napakaraming tao), pagkatapos ay ipinakita ko sa dalawang mokong na nanlaglag sa akin ang itsura ko pabalik balik sa kanila para malaman nila na hindi ko gusto ang ginawa nila pero mali dahil tinawanan lang nila akong dalawa 
Bigla namang pinisil ni anthony ang pisngi ko nang humarap ako sa kanya ng ganoong itsura 
Ang cute ah!, natatawa paring sabi nito, hindi ko na naman pinansin pa ang sinabi nito dahil sa nararamdaman ko nang kaba at ang nagawa ko na lang sa kanya ay sinuntok siya ng mahina sa kanyang balikat sabay sabing 
Ako: galing nyo magturo ah! (ang para bata kong usal kay anthony sabay nguso ko dito) 
Anthony: kasi may tiwala ako sayo at magaling ka dami kaya pumalakpak sayo kahapon sa mall (kasabay ang pagpisil na nito sa dalawa ko nang pisngi habang natatawa dahil sa itsura ko), pacute ka talaga ng pacute kung wala tao mahahalikan na kita (bulong naman ni anthony sa sarili niya) 
Ako: hindi ko naman kasi alam na may nanonood na sa akin kahapon bukod sa inyo ni kuya, nakapikit po kaya ako (ang pagtatanggol ko sa sarili ko) 
Anthony: di pumikit ka na lang ulit (birong sabi nito na na ngingiti sa akin), tapos sa pagpikit mo ako ang isipin mo (dagdag bulong nito sa sarili niya at napangiti uli siya sa naisip niya) 
Ako: kasi kasi naman eh! (pagmamaktok ko pa rin habang nakatingin na sa harapan 
Sa kabilang banda pala ay mataimtim (parang dasal lang ah! Hehehe) na nakikinig ng usapan namin si IAN at paminsan-minsan na sumusulyap sa amin ni anthony 
Ganoon na agad sila kaclose? At kahapon sa mall? Ibig bang sabihin magkasama sila kahapon? May pagpisil pa ng pisngi ni fugi at pa cute cute pa nalalaman itong anthony na ito ah! (ang mga naglalaro sa isip ni ian) 
Napansin ko naman si ian na parang malalim ang iniisip kaya pinitik ko ito ng mahina sa tenga at ng sabi ditong 
Ako: ikaw ikaw ha mr. ian seth sandoval tatahi-tahimik ka dyan ha kala mo makakalusot ka na sa ginawa mong panlalaglag sa akin,,, uhm! (ang tampu-tampuhan kong wika dito) 
Tumingin ito sa akin, ngumiti at nagwika ng... 
Ian: sabi po kasi ni ma’am yung may talent daw, eh di ba napahanga mo pa nga kami ni kuya ely (ang pambawi nito at lumapit ito sa tenga ko), kantahin mo ulit yung kinanta mo nung nasa lyric tayo yung kanta mo sa akin, yung FIX YOU, para maayos na ako (ang bulong nito na may halong pagbibiro) 
Nakaramdam na naman ako ng kiliti sa ginawa nitong pagbulong at napayuko na lang ako bigla dahil parang nag-init ang pisngi ko. Hindi naman ito nakaligtas sa mga mata ni ian kaya bumulong uli ito.... 
Ian: o bakit ka namumula? (nangingiting bulong nito) 
Inipon ko lahat ng NEN ko katulad ng ginagawa ni Gon at nag-focus para mawala ang pamumula ko (hahaha dyan dyararan YES! naisingit ko ang paborito kong hunter X hunter. Hahaha). At nang maramdaman kong kalamado na ako humarap ako kay ian at nagwika ng.... 
Ako: pano kung anu-ano sinasabi mo (sabi kong parang bata sabay siko ng marahan sa balikat nito at sabi ng...) KUKO ni BAD-JU-LA (tanda nyo ba mga pipz kung saan anime yan??) 
Napatawa naman si ian sa ginawa ko at inilagay ang kamay niya sa ulo ko at gulo ng buhok ko sabay sabi ng “adik ka talaga” 
Ako: walang guluhan ng buhok (ang parang bata kong saway sa kanya pero sa loob loob ko natutuwa ako sa ginawa niya) 
Tuwa lang uli siya at ako naman ang lumapit sa kanya at bumulong 
Ako: masaya ako at tumatawa ka na, sana tuloy tuloy na yan (marahan at mahina kong sabi na sapat na para marinig niya at inilayo ko na ang ulo ko sa tenga niya at humarap na ako sa white board) 
Thru my peripheral vision (hala makainglish lang. hehehe, mga pipz alam nyo na naman siguro ang peripheral vision kaya hindi ko na yan ititrivia ha! Hahaha), nakita kong lumapit ang ulo niya sa aking tenga at bumulong uli..... 
Ian: dahil kasi sayo, baliw ka kasi, kaya salamat (marahan din nitong sabi sabay layo nito sa akin) 
Hindi na naman nakaligtas sa utak ko ang sinabi ni ian na “dahil kasi sayo” at “kaya salamat” at yun nga nagpaikot ikot na naman ang mga salitang iyon sa utak ko kasama ang ang CEREBROSPINAL FLUID (kelangan ba ng trivia para sa medical term na ito?? Hahahaha sige na nga), at sa puntong iyon hindi ko na napigilang mapangiti, ngiting siya lang ang nakakapagdulot. 
~~~~~~~~~~~
Ang Trivia, bow (hehe): ang Cerebrospinal fluid ay likidong dumadaloy at umiikot sa brain at spinal cord natin. Ito ay nagsisilbing lubricant para hindi sumayad ang utak natin sa bungo natin at ito din ang nagsisilbing pananggalang para hindi mapasok ng infection ang utak natin. 
Sana po ay naintindihan ninyo, hehe 
~~~~~~~~~~~~
At sa kabila pa uling banda hindi rin naman nakaligtas ang ginawa naming pagbubulungan ni ian sa mga paningin ni anthony...... 
May pabulong bulong pa nalalaman yang ian na yan ah! Asungot talaga, medyo naiinis na sabi ni anthony sa sarili niya. 
Agad naman ako humarap ulit kay anthony nang maalala ko na may hihingin akong pabor dito 
Ako: anthony pwede humingi ng pabor? 
Anthony: sure! Ano ba iyon (magiliw naman nitong pagpayag na may kasama pang ngiti) 
Ako: pwede mo ba akong samahan dun sa bilihan ng sticker yung sa mga sasakyan, para makapasok sa loob ng campus si drey 
Anthony: oo naman, sasamahan kita (nakangiti uli nitong sagot sa akin), teka nga pala sinong drey? (dagdag na tanong nito) 
Ako: salamat (sabat ngiti ko din sa kanya), mamaya ipapakilala kita kay drey (dagdag na sabi ko dito) 
Ian: pasama na rin bili na rin ako (biglang sabat sa usapan nito sa usapan namin ni anthony 
Anthony: oo ba (nakangiti na ewan ni anthony kay iyan) asungot talaga (bulong naman nito sa sarili niya) 
Maya maya ay dumating na ang prof namin sa nat sci, dahil nga once in a week ay hindi gaya noong Monday na dini-dismiss agad kami pagkatapos makapagpasa ng 1/8 index card, nadiscuss ang grade computations at nasabi ang mga rules and regulations nila, naging iba ngayon parang start na ang regular class sa subject na ito, paano kasi mabaha nga naman ang nakalaan na oras sa subject na ito, sayang din. Kaya naman meron nang seating arrangement 
Magkakahiwalay na tuloy kaming tatlo, sa bandang likuran parin si ian dahil sa S nagstart apelido niya, ako naman ay sa ikalawang row mula sa una at si anthony at sa likod namin. 


Sa puntong iyon ay madali ko namang nakagaan ng loob ang katabi ko dahil mabait ito dahil nung makaupo na ako ay bigla ako nitong kinausap 
Hi! Ikaw si fugi di ba? Good luck sa Friday! Ako nga pala si Maria Janine Castillo, pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay nito 
Salamat! Oo ako nga, Fugi Chio, nice to meet you janine, sabay ngiti dito at kuha ng kamay nito 
Naging instant magkaibigan kami agad dahil sobra magaan siya kausap at mabait talaga pero higit sa lahat ay kwela din ito kaya nagkakatawanan kami nito pero mahina lang, may klase ih hehe 
(Ang clue ay siya ang pinakamalapit ko na kaibigang babae... yan ha may clue na... hahaha) 
Pagkalipas ng halos tatlumpong minuto pabibigay ng background ng prof namin tungkol sa subject na iyon ay pinagbreak niya kami para ng 30minutes para narin makabili ng book na pinabibili niya [ara masimulan na ang lecture proper ay bigla akong nilapitan ni anthony at ian
Anthony: ano ngayon na ba tayo pupunta sa OSA para bumili ng sticker mo o mamaya na lang? 
Ako: ay oo nga pala (kaya naman nakiusap nalang ako kay janine na padamay sa pagbili niya ng libro sa nat sci at pumayag naman ito) 
Ako: Janine si ian at anthony nga pala kaklase ko, ian at anthony si janine kaklase ko din (biro kung pagpapakilala sa kanila na ikinatawa na man nila) 
Nagpakilala naman sila sa isat isa 
Ako: janine pabor naman pwede padamay sa pagbili mo ng book may aasikasuhin lang ako (sabi ko kay janine na nahihiya at biglang nagsisabatan sina anthony at ian) 
Anthony: ako din padamay 
Ian: ako din po (pakiusap ng mga ito na agad namang tinugunan ni janine) 
Janine: oo naman basta kayo taya sa lunch ko mamaya (biro nito na ikinatawa naming lahat) 
Pagkapayag ni janine ay pareparehas kaming tatlo nagsilabasan ng wallet para kumuha ng pambayad at sa pag labas naming tatlo ng pera ay tumambad sa amin ay malaking halagang buo na pera, hindi tuloy alam ni janine kong alin ang kukunin pero mas maagap si anthony kesa sa amin dalawa ni ian kaya yung sa kanya muna ang iniabot niya na kinuha naman ni janine 
Agad naman kaming nagpasalamat kay janine at pagkalabas ng room ay naghiwalay na kami ng landas si janine sa bookstore kami sa OSA (Office of Student Affairs). Agad naman na nakabili kami ng sticker at pagkatapos ay inaya ko agad ang dalawa na pumunta sa bookstore para puntahan si janine at tulungan ito. At naabutan nga namin itong nasa counter na at binabayaran ang nabiling libro. Agad kaminglumapit dito at nang akmang bibitbitin ko ang mga libro bigla namang lumabas ang tig-isang kamay nila ian at anthony sa ibabaw ng mga libro 
Ian: ako na ang mga bibitbit 
Anthony: hindi tol ako na 
Bigla naman ako sumingit sa nagbabayad gitgitan ng dalawa (hehehe joke) 
Ako: hala! Mag-aagawan pa kunin nyo na lang yung mga libro ninyo, kanya kanya bitbit ok! (ang natatawa kong sabi sa dalawa at sumunod naman ang dalawa) 
Pagkatapos magbayad ni janine at nag-aya ako pumunta sa cafeteria para magmerienda at ako na nga ang nagbitbit ng book namin ni janine. Pagkahanap namin ng table ay agad kaming tumungo doon. Pagkaupo.... 
Ako: janine anong sayo libre ka namin (nakangiti kung sabi sa kanya habang nakaharap sa kanya na inayunan naman ng dalawa) 
Oo nga janine, sabay na sabi ni ian at anthony 
Janine: biro lang yon (natatwang sabi naman nito) 
Ako: y sya last mo nang joke yun ha (at natawa naman si janine sa paggatong ko sa sinabi niya), wag ka na mahiya dahil hindi ka mananalo sa aming tatlo (nangingiting dagdag sabi ko sa kanya at wala na nga itong nagawa) 
Pagkakuha ko ng order ni janine ay tumayo na nga ako at sumunod si ian na susundan sana ni anthony ng pigilan ni ian si anthony.... 
Ian: tol kami na lang ni fugi, kami na bahala may utang kami sa syo hindi ba (at wala na ngang nagawa si anthony) 
Panira talaga ng diskarte ah!, bulong uli ni anthony sa sarili niya 
Pumili na nga kami ni ian sa counter 
Ian: ano sayo? 
Ako: same na lang din nung kay janine 
Ian: ako na lang magbabayad ha pwera lang yung kay anthony (biro nito) 
Ako: sira, yaman talaga ah! (biro ko dito), teka nga lang hindi nyo ba gusto ang isat-isa ni anthony, mabait naman siya ah (pahabol kung sabi) 
Ian: teka nga lang din hindi mo pa nakikwento paano kayo naging close agad ng anthony na yan, matagal na ba kayong magkaibigan (may kakaibang tono ng pagtatanong niya) (ayiie... hehehe.) 
Ako: paano kasi..... (hindi ko pa nasisimulan ang sasabihin ko ng umimik ang nasa counter at kinukuha ang order namin, kami na pa.. hehehehehe) 
Hindi ko na nga naikwento pa kay ian ang tungkol sa pagkakakilala namin ni anthony. Nang mailagay na sa dalawang tray namin ang order namin at makabayad, nang akmang kukuhanin ko na ang isang tray ay pinigilang ako ni ian 
Ian: fugi wag mong hahawakan yan tray (seryosong sabi nito na ikinagulat ko naman at kinakunot ng noo ko) 
Humarap si ian kay ate sa counter at nagwika 
Ian: miss pa-assist naman, pakisunod noong isang tray sa amin, hindi pa kasi pwedeng ibuin masyado at magbuhat ng medyo may kabigatan itong kasama ko at nasa healing process palang yung injury niya sa braso (ang seryoso nitong sabi at sumang-ayon naman si ate at tumawag ng crew) 
Nagulat ako sa sinabi ni ian pero nang i-analyze ko ang mga pangyayari, siguro ayaw niya lang akong pagbuhatin (wow sweet ah! Ayieee... hahahahaha, galing ko mag-analyze noh! Hehe) at nangiti na nga lang ako sa naisip ko:] 
Nanghumarap sa akin si ian ay tumatawa ito imbes na makitawa ako ay sinalubong ko kunyari ng nagtatanong na itsura agad namang tumalikod sa akin si ian dala ang isang tray at sumunod din ako dito. Nang makalapit ako dito ay bumulong ako... 
Ako: may nalalaman ka pang injury ha, may pa healing healing process pa na bawal magbuhat ng mabibigat, imbento ka rin ano, lakas mo din mang trip (ang pangbubuyo ko sa kanya na ikinatawa ko) 
Ian: ikaw na nga itong tinulungan para hindi na magbuhat, mukhang weak kasi (natatawang biro naman nito sa akin) 
Nagkakatawanan kami ni ian ng makalapit kami sa table namin na napansin agad ni anthony 
Anthony: ang saya nyo ata (sa may himig na sarcasm na puna nito) 
Ako: paano ang galing pala umarte ni ian, actor ni the making (ang natatawa kong sagot sa kanya) 
Janine: bakit ano ba ginawa ni ian? (interesadong tanong nito na at inilahad ko nga sa kanila ang ginawang kalokohan ni ian at nag tawanan nga kami pwera lang kay anthony na pilit ngumiti) 
Anthony: pasikat ah! (bulong nito sa kanyang sarili) 
Pagkatapos ay tahimik na kaming kumain at pagkatapos ay bumalik na sa room. 
Nagkaroon na ng formal lecture si ma’am at nang 30minutes na lang bago matapos ang klase ay ibinigay na ang irereport naming lahat sa buong sem na iyon (ganoon kasi yon kami ang hahayaan niyang magdiscuss tas mag-iinject na lang ang prof namin ng ibang notes na hindi namin nasabi sa report namin tas yun na din ang magsisilbing recitation namin), by two’s ang ginawa ni ma’am kami na daw ang bahala pumili ng partners at pagnakapili na daw kami ay pumunta kami ng partner ay lumapit na lang kami sa prof namin para maibigay ang report namin at pagkatapos noon at pwede na kaming lumabas 
Nang nag-aayos na ako ng gamit ko agad naman palang lumapit sina ian at anthony sa aking kinatatayuan 
Fugi partner tayo, sabay na sabi nung dalawa at pagkatapos ay nagkatinginan naman silang dalawa (parang lagi na lang silang nagkakasabay noh! Hehehe) 
Nagulat naman ako sa dalawa, gusto kung makaparner si ian eh ayaw ko namang i reject si anthony, nang tumingin ako sa kanilang dalawa at nagtititigan ang dalawa kaya mabilis ako nag-isip nang sasabihin at napansin ko nga si janine na nag-aayos ng sarili niya habang nakaupo parin sa upuan niya 
Ako: si janine na ang partner ko, nakapag-usap na kami (ang sabi ko sa kanila at humarap agad ang dalawa sa akin at sunod ay humarap kaming tatlo kay janine, agad ko namang sinenyasan si janine at nakuha naman agad niya) 
Janine: ah.. oo nga nagkasundo na kami kanina (mabilis na sagot nito at nagkatinginan nga kami ni janine at nagkangitian) 
Bagsak mukha naman ang dalawa nghumarap ako sa kanila kaya naman agad akong humingi ng tawad (kahit ako naman gustong gusto kong kapartner si ian diba ipinangako ko sa sarili ko na lagi ako sa tabi niya ang kaso sabay kasi sila ni anthony na nagsabi ayaw ko rin naman na humindi sa kanya, kaya para walang tampuhang mangyari si janine na lang ang pinili ko) 
Ako: sorry (mahina kong sabi sa kanila at tumango na lang sila sa akin), bakit hindi na lang ako ang magpartner? (dagdag ko) 
Janine: oo nga 
At nagkatinginan nga ulit sila agad naman akong pumunta sa gitna nila at umakbay 
Ako: oo kayo na nga lang ang magpartner, promise tutulong ako sa paggawa ninyo ng report, ok ba yun? 
Ian: sige ok lang sa akin basta sasama ka sa amin fugi paggumawa na kami ng reports 
Anthony: oo nga (paniniguro nilang dalawa na tinanguhan ko naman) 
Agad na nga kaming lumapit kay ma’am para kunin ang irereport namin, kami muna ni janine ang kumuha ng report namin at pang apat kami sa magrereport at next week na agad kami ni janine at sumunod naman sina ian na lumapit kay ma’am para kumuha ng report. 
Lumabas na kami ni janine at doon na nga namin balak antayin sina ian at anthony 
Janine: close ka na agad sa dalawang iyon ah (puna nito) 
Ako: mabait kasi sila katulad mo kaya kay close na din tayo diba? (nakangiti kong sabi) 
Janine: galing sumagot ah! Sige sabi mo ih! (natatawa nitong sabi) 
Makaraan ang wala pang limang minuto ay lumabas na ang dalawa at good news naman dahil hindi magkasabay ang schedule namin ng report a week after pa namin silang dalawa kaya matutulungan ko ang mga ulupong. 
Pumunta na uli kami sa cafeteria para maglunch. Pagkahanap ng pwesto at pagkalapag ng mga gamit namin ay pumila na nga kami, ang pagkakasunod-sunod namin sa pila ay,,,, si Janine, anthony, ako at si ian, kukuha na sana ako ng tray ng bigla ako inawat ni anthony 
Anthony: wag kana kumuha ng tray fugi dito mo na lang din sa tray ko ilagay ang bibilhin mo di ba may injury ka at nasa healing process pa yan kaya bawal ka pa magbuhat ng medyo may kabigatan, tama ako ian di ba? (ang nangingiti nitong sabi sa akin sabay tingin kay ian ngiting hindi mo naman maintindihan ang itinugon ni ian) 
(Natawa naman ako sa sinabi ni anthony na iyon) 
Ako: ay oo nga pala (hahahaha), sige salamat anthony masakit pa nga medyo kumikirot kirot pa (pagsakay ko sa biro nito) 
One point, bulong ni anthony sa sarili niya at ngumiti ito, ngiting parang nagtagumpay 
Pagkatapos mailagay nung crew iyong inorder ko sa tray ni anthony ay sabay na nga kaming umalis at pumunta sa table namin at naiwan si ian na omu-order 
Galing mang-inis ang anthony na ito ah! Bulong naman ni ian sa sarili niya at pagkatapos ay dala ang lunch nito at tinungo na nito ang lugar kung san kami nanduduon. 
Nang mailapag nni ian ang pag tray nito ay napansin kong 2pcs pork chop, dalawang rice at mineral water lang (ay may gulay naman sa menu may ulam naman na may sabaw doon, ang tuyo naman ng kakainin ito), nang kakain na kami ay inalok ko ito ng binili ko 
Ako: o gulay (sabay lagay ko sa gilid nang kinakainan niya) 
Ian: hindi ako medyo kumakain ng gulay pili lang (pagbibigay impormasyon nito) 
Ako: ito hipon gusto mo pati sabaw medyo tuyo kasi yang kinakain mo (pagpuna ko dito lumapit naman ito sa akin at bumulong) 
Ian: ano kasi.. hindi ako pwede kumakain niya ngayon (mahinang sabi nito na sapat na para marinig ko) 
Ako: bakit? Allergy ka? (bulong na tanong ko dito) 
Ian: parang, pwede naman kaso wala akong dalang gamot (antihistamine) ngayon 
Ako: ah ibigsabihin nakakakain kalang ng mga iyan pag may ready na gamot para pag inatake ka ng allergic attack mo (paglilinaw ko na tinanguhan naman niya), Yaman talaga (dagdag biro ko dito na ikinangiti nito) 
Ako: sandali lang (sabi ko kay ian sabay pigil sa kanya sa paglalagay ng ketsup sa porkchop na ulam niya) 
Agad ako nagtungo sa counter at humingi ng kalamansi sili at maliit na lalagyan para sa sauce at sabaw na din para mambalance sa kakainin ni ian (masyado bang caring?? Hehehehe paano yon ang pumasok sa isip ko agad ih! Defensive ba? Hahahaha), at pagkabigay nito sa akin ay agad akong tumulak sa aming table 
Ako: o yan (sabay abot ko ng sabaw na hiningi) 
Ian: baka iyan yan yung sabaw ng hipon ah (nag-aalang sabi nito) 
Ako: hindi, sabaw yan ng tinola kaya wag kang mag-alala (paninigurado ko dito) 
Agad ko namang piniga ang kalamansi sa maliit na lalagyan at nilagyan ng toyo pagkatapos ay tinatong ko siya kung may allergy din sya sa sili 
Ako: sa sili may allergy ka din ba 
Ian: hindi, hindi naman (sa sinabi niyang iyon ay inilagay ko ang sili sa ginawa kong sauce para sa ulam niya at hiniwa ito ng isang bese lamang para hindi masyado mahalang) 
Ako: o yan sawsawan (sabay abot ko nito sa kanya na ikinangiti naman nito) 
Bigla namang sumingit si janine 
Janine: ang sweet ah! (nangingiting sabi nito patungkol sa ginawa ko) 
Ako: hindi paano may allergy siya sa hipon at hindi daw po si masyado kumakain ng gulay at napansin kong tuyong tuyo naman ng kakainin ni ian kaya naisip ko iyan (paglilinaw ko sa ginawa ko........ wala naman akong ginawang kakaiba diba mga pipz??? Hehehe) 
Janine: aaaaahhhhhhh! (ang nangingiti paring sabi nito sa akin at hindi ko na lang ito pinansin) 
Tahimik namang nagmamasid si anthony sa kinauupuan niya 
Masyadong paimportante ah! Bulong nito sa sarili na patama kay ian 
Nang magsimula na kaming kumain ay katahimikan na ang namayani sa pagitan namin, nang makatapos na kaming kumain lahat ay tatayo sana ako para kumuha ng tubig sa fountain ng mapuna ako ni ian 
Ian: oh saan ka pupunta? 
Ako: dun (sabay turo sa fountain) kukuha ng tubig 
Ian: ako na lang pambawi sa sauce na ginawa mo (nangingiting wika ito) 
At agad nga itong nagtungo doon, nangiti naman ako ng palihim sa ginawa nito. Agad din naman itong nakabalik at pagkainom ko ay nagkayayaan na pumuna na sa susunod naming subject dahil malapit na rin magtime 
Next subject namin ay General & Inorganic Chemistry – Laboratory from 1pm-5pm, Mabini bldg., room 304 
Pagkadating namin sa tapat ng room namin ay sakto namang dating ng prof namin kasama ang guard na magbubukas ng room namin na yon (nakalock kasi mga laboratory rooms dahil may mga mahahalagang gamit ang nanduon). Nang makapasok na at nang makaupo na lahat at ayos na ay katulad ng dati pinagpasa kami ng 1/8 index card na may personal information namin tapos non ay inarrange na nakami alphabetically (kaya magkakahiwalay kami nila anthony at ian), then nagdiscuss si ma’am ng hatian ng grades ng lecture at laboratory tas rules ang regulations ng paggamit ng lab room then pinakita niya ang module na gagamitin namin na naglalaman ng mga experiments na gagawin namin tapos nangolek siya para sa mambili ng mga modules para sabay sabay na at nang matapos ay nagsama siya ng dalawa naming kaklaseng lalaki at bumili na. Pagkabalik nila at diretso na agad sa klase. 
Nang pumatak ang 3:30pm at pinagbreak kami ni ma’am for 15minutes (na nagiging 30minutes, filipino time ba! Hehehe), at biglang lumapit sa akin si anthony at niyaya ako 
Anthony: fugi tara meryienda tayo 
Ako: sige ba (at tumingin ako sa dako ni ian na nakatingin pala sa amin, kaya senenyasan ko siya nung nakatikom ang mga daliri na parang may hawak na kanin, yung pagkumakain pag nagkakamay at iniibo-ibo ito malapit sa aking bibig habang umiimik ng “kain tayo” pero walang tunog at tumango naman si ian bilang pagpayag sabay tayo at lakad papunta sa kinaroroonan namin) 
Habang papalapit si ian ay nagsalita uli si anthony 
Anthony: sa labas naman tayo nakakasawa na sa canteen (pagyayaya nito na nakatingin sa akin at nakangiti) 
Ako: sige ba, janine sa labas dawJanine: hindi na ako sasama kayo na lang 
Ako: may gusto ka ba ipabili 
Janine: candy lang siguro 
Ako: sige libre ko na yon sayo (natatawa kong sabi dito) 
Janine: wag na nakakahiya naman sayo, masyado yung mahal (pagbibiro nito) 
At nang makalapit na si ian 
Ako: ian sa labas daw tayo (tumango na lang si ian at naglakad na kami papalabas ng room) 
Habang naglalakad ay bigla naman akong inakbayan ni anthony na ikinagulat ko din pero hindi ko na lang pinahalata, normal lang (mabango si mokong ah, hehehe) 
Anthony: yun fishball tayo (masigla nitong sabi habang nakaakbay ito sa akin sabay turo doon sa cart nung magpi-fishball) 
Ako: sige ba 
Sa kabilang banda naman ay ian ay nakatingin lang sa amin ni anthony, nasa medyo likuran namin siya, ang bilis kasi maglakad ni anthony na kelangan ko sabayan kaya nauuna kami ni anthony 
Nang makalapit na kami sa fishbolan at bumulong sa akin si anthony habang nakaakbay pa rin na hindi naman nakaligtas sa paningin ni ian 
Anthony: pwede magyosi muna 
Ako: nagyoyosi ka? (ang medyo nabigla ko na tanong kasi hindi halata sa kanya, ang bango niya tas mapupulang mga labi at mapuputing mga ngipin, kasi talagang malaki ang epekto ng sigarilyo doon sa tatlo na iyon, na kumakapit ang amoy ng yosi sa katawan lalo na pag sobrang tagal na, tas nagiiba ang kulay ng labi pati ngipin, di ba diba?? Kaya ganoon ang naging reaksyon ko nung sabihin niyang nagyoyosi siya) 
Anthony: oo (sabay tango at nawala ang ngiti sa mukha niya) 
Ako: ah! Sige antayin ka na lang namin dito ni ian, hindi kasi ako nakatagal sa amay ng sigarilyo parang aasthma-hin ako (pagbibigay impormasyon ko sa kanya) 
Anthony: sige hindi na lang pala ako magyoyosi 
Ako: hindi ok lang antayin ka namin dito (sabay alis ko ng medyo may kalakihan niyang braso sa balikat ko) 
Anthony: hindi na, tara na magfishball na tayo (sabay akbay uli nito sa akin) 
Inialis na naman ni anthony ang pagkakaakbay niya sa akin, kumuha na kami ng tig-isang stick ni anthony at tumusok na din ng lutong fishball at kikiam sabay kain nang mapansin kong nakaingin lang si ian sa amin 
Ako: oh ian kuha na ikaw, stick o (sabay abot sa kanya) 
Bigla naman itong lumapit sa akin at bumulong ulit 
Ian: hindi ako nakain ata niyan, hindi pa kasi ako nakakakain ng ganyan (ang medyo nahihiya nitong sabi) 
Ako: wala ka naman allergy dito? 9bulong na tanong ko dito) 
Ian: sa hipon at crab lang pa naman ang alam ko 
Ako: rich kid talaga (birong bulong ko dito). Tikman mo lang (at tumusok ako ng kikiam sinawsaw sa matamis then sa mahalang sabay tapat sa bibig niya) 
Ako: nganga (parang magulang na nagpapakain ng anak ang lagay namin sa puntong iyon) 
Nakita ko namang nag-aalang si ian kaya naman 
Ako: tikman mo lang para ma-experience po, dali nganga na (pakukumbinsi ko sa kanya) 
Pero hindi nag-aalanga parin siya at bigla na lang pumasok sa eksena si anthony ay sinunggaban ang kikiam na isusubo ko dapat kay ian 
Anthony: ang sarap! (ang bibo nitong sabi) 
Natawa naman ako sa inastang iyon ni anthony kaya 
Ako: good boy anthony, kitams ian masarap sabi kaya try mo lang (pagbibiro ko sa dalawa at tumusok ulit ako ng kikiam at isinawsaw ko uli sa matamis at mahalang tapos hipi ng kaunti dahil medyo nausok pa halatang maini- init pa iyon sabay sapat sa bibig ni ian at sabing “nganga”) 
Binuksan naman ni ian ang bibig niya at dahan dahan isinubo sa kikiam sa kanya. Habang nginunguya niya ito at nakatutuk ako sa mukha niya dahil tinitingnan ko ang magiging itsura, sasabihin at kung may allergic reaksyon na mangyayari sa kanya 
Ian: masarap nga! (ang nakangiti nitong sabi sa akin pero mataman ko parin siyang tinitingnan) 
Ian: bakit ka ganyang makatingin (sabi nito sa akin sabay lapit at bumulong uli), Gwapo no! (natatawang sabi nito) 
Ako: adik, tinitingnan ko lang kung may mamgyayari sayo, baka may allergy ka din pala dyan (sabay baling ko sa lutuan ng mga fishball at kikiam dahil parang namula ako sa sinabi niya.. hehehehhe) 
Pagkatapos magmeryienda ay bumalik na kami. Mabilis na lang naman ang naging klase at hindi nain namalayan na uwian na. Hinintay muna naming makalabas ang mga kaklase namin bago kami lumabas 
Ako: saan ka pala umuuwi? 
Janine: sa Alangilan 
Ako: ah! Malapit lang pala dito 
At lumapit na nga ang dalawang mokong sa amin ni janine 
Tara na! aya ni anthony 
At naglakad na nga kami palabas, humiwalay naman sa amin si janine dahil may dadaanan pa ito nang kami na lang tatlo
Anthony: sabay ka sa akin fugi, ikaw ian saan ba uwi mo? Sabay ka na rin 
Ako: ah! Anthony dala ko kasi si Drey 
Anthony: sinong drey (ang medyo nagtataka nitong tanong) 
Ako: ay oo nga pala hindi ko pa naipapakilala sa iyo, motor ko iyon (natatawa ko sabi sa kanya) 
Ian: kay fugi na lang tol ako sasabay, salamat sa alok (pagsabat ni ian sa usapan) 
Anthony: ah! Kaya pala noong hinihintay kita sa kanto nyo kanina ay hindi kita matyempuhan nakamotor ka pala 
Ako: inabangan mo ako sa kanto namin kanina? 
Anthony: oo, nagbaka sakali na makikita kita para sabay na tayo papasok 
Ako: ah! So anthony puntahan na namin si drey, ba-bye (sabay kaway bigla lumappit at bumulong ulit sa akin si anthony) 
Anthony: ingat sa pagmomotor ha, see you tomorrow (nakiliti naman ako sa ginawa niya) 
Ngumiti na lang ako sa kanya at tuluyan na nga kaming naghiwalay. Pumunta na kami ni ian kay drey, habang naglalakad ay bigla naman akong inakbayan ni ian na talaga namang IKINAGULAT, IKINAKABA, IKINABILIS ng aking PAGHINGA at pagPINTIG ng aking PUSO. Ang INIT sa loob ng BISIG niya na parang PROTEKTADO ako pag-andoon lang ako na lagi akong nasa MABUTING LAGAY na WALANG MAKAKAPANAKIT sa akin at higit sa lahat ay ang FEELING og COMFORT (at sobrang bango niya promise.. ayiiieeeee), bigla naman itong bumulong sa akin na ikinakiliti ko din 
Ian: masyado naman agad kayong close ni anthony ha! At magkasama pa pala kayo kahapon sa mall at alam na rin niya kung saan ka nakatira (at sunod- sunod niyang bulong sa akin na may bahid pag-iimbestiga) (selos ba yan? SANA! Asumero hahahahaha pero nakakakilig naman di ba di ba?? Hehe) 
Itutuloy..........


Penulis : Unknown ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 12, 13, 14 ini dipublish oleh Unknown pada hari . Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Ikaw ang Aking Pangarap ( Bi Love Story ) Part 12, 13, 14
 

0 comments:

Post a Comment

Leave Me a Comment Below. Thanks :)